Chapter 3: Kaba

118 7 0
                                    

Kinaumagahan ay halos mapabalikwas sa kama si owel pagkagising dahil tila naulit ang mga nangyari sa yungib kagabi lamang. Tila hindi kayang iwaksi ng isipan nya ang kaawa awang katawan ng babaeng turista habang kinakain ng dambuhalang paniki. Napansin nyang pawis na pawis sya kaya naman hinubad nya agad ang kanyang damit pantaas at saka tinungo ang isang maliit na orocan na pinaglalagyan nya ng damit. Naalala nyang kasama nga pala nya si wilfred at doon nakitulog sa kanila dahil hindi na ein nito nagawang makauwi sa kanila dahil sa takot kaya naman ng makapag palit ng damit ay agad niyang ginising si wilfred. Tila naman parehas sila ng nararamdaman dahil pagkagising ni wilfred ay agad din itong tumayo at tila nakakita ng multo.
"Buhay pa tayo pare! O baka naman panaginip lang yung kagabi?!" Tanong ni wilfred
"Pare!kung panaginip yun eh bakit pareho tayong taranta at tila ginugulat ng wala naman dahilan??" Tanong naman pabalik ni owel
"Ibig sabihin...teka! Si tricia!ang kapatid ko!ano na kaya nangyari sa kanila at sa mga turista?" Pagaalala ni wilfred
"Ewan ko...eh halos dahil sa takot eh natakbo natin ang pagkalayo layong yungib papunta dito sa bahay sa loob lang ng trenta minutos siguro o mahigit pa!natural wala tayong alam nung mga panahong nagtatatakbo tayo papalayo kung ano na ang nangyari sa mga iyon!pero syempre nag aalala din ako sa mga turista lalo na kay tricia...sana lang ligtas silang lahat at hindi pa..." Hindi naituloy ni owel ang kanyang sasabihin dahil sumenyas si wilfred na tama na kaya agad nyang nakuha ito at piniling huwag na magsalita.
"Mabuti pa... Samahan mo na lang ako... Balik tayo sa yungib,kahit sa bukana lang,siguraduhin lang natin buhay si tricia." Mungkahe ni wilfred kaya sumangayon si owel at sumunod na lamang. Ng makalabas sila ng bahay nina owel ay tila alangan ang mga ito na lumayo pero sa kagustuhan ni wilfred na puntahan si tricia at isalba kung sakaling nandun pa ang kapatid ay nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang si owel naman ay nakasunod sa kanya. Halos wala silang makitang mga tao na kasalubong sa mga panahon na iyon at tila ba biglang inabandona ang buong barrio.
"Pare,sigurado ka ba sa ginagawa natin?" Alangang tanong ni owel sa kaibigan habang medyo hinahapo dahil sa pagpumilit na humabol sa kada hakbang ni wilfred.
"Oo pare sure ako.ikaw sure ka?" Pabalik na tanong ni wilfred
"Aywan ko sa imo dong!gitanong ta ka gitanong mo din ako pabalik? Sabadiha uy!" Sagot ni owel na tila kabado at medyo inis sa kaibigan kaya ng may makita syang patpat na naputol sa isang sanga ng bayabas ay dinampot nya ito at inalis ang maliliit na tangkay at dahon habang patuloy sa pagsunod kay wilfred. Napansin naman ito ng isa at nagtanong
"Ano naman ang gagawin mo dyan sa patpat?!?"
"PANGONTRA!" Agad na sagot ni owel
"Ha?saan?" Tanong ng kaibigan
"Sa mga paniki!pag may nakita ako kung sakaling lumabas ang dambuhalang paniki na yun eh pwede ko isaksak to sa kanya!huh!ang galing noh!" Sagot ni owel na tila proud sa nakita nyang patpat at sa rason nyang pag gagamitan nito
"OGAG! Ano ka si panday?sa tingin mo matatakot dyan ang paniki?!" Tanong ulit ni wilfred
"Malay natin matakot? AARREEKKUUPP!" Sagot ni owel na biglang animo ay natatawa na
"Gago!" Ang tanging nasabi na lang ni wilfred sa kaibigan matapos batukan.
Ilang minuto din silang naglakad ng may makasalubong silang isang turistang babae na tila duguan ang damit at pamay mantsa din ng dugo ang mukha nito. Halos madadapa na ang turista kaya naman patakbo nila itong nilapitan at bago pa ito humandusay sa lupa ay agad nila itong nasalo saka nila pinagtulungang buhatin papunta sa gilid ng daanan para maihiga.
"Help...bats...cave..." Ang mahinang sagot nito habang tumutulo ang luha at tila naghihingalo na at hinang hina.
"Wer is ebrywan?da torists?wer is dem?" Tanong ni owel
"Cave... Dead...my son is... My son...hiding in...cave!" Sagot ng turista habang nakahawak ng mahigpit sa balikat ni owel at ng biglang bumagsak ang braso nito at mawalan ng pwersa ay
"NO!!! PLIS DONT DIE!" malakas na sigaw ni owel sabay tulo ng luha
"Kamag-anak mo pare?" Nagtatakang tanong ni wilfred at dali daling pinunasan ni owel ang kanyang luha sa pisngi sabay ngiti at sinabing
"Ahehe hindi,nadala lang ako" sabay tawa "bakit nga ba ako umiyak?" Ang tanong nito sabay tingin kay wilfred
"MALAY KO SAYO! Puro ka kalokohan!" Sagot ni wilfred "bilisan mo't kailangan ko hanapin ang kapatid ko!" Patayo na sana sila ng biglang may isang lalaki ang biglang sumulpot sa likuran ni owel na pamilyar din sa kanila ang kung sino ang biglang kumapit kay owel sa braso sabay kagat sa laman nya na pagitan ng parteng balikat at leeg.
"AAAAAHHHHH!" Malakas na sigaw ni owel na tila hindi nakahanda sa mangyayari at si wilfred naman ay nagulat din at tila bahagyang natulala. Sa taranta ay sa halip na tumayo ay umatras ng kaunti si wilfred na nakaupo at ang kamay ay naghahagilap ng kung ano ang pwedeng maipukol sa lalaki na nakakagat pa rin kay owel at tila pilit na hinihila ang laman nito sa balikat para matanggal
"PARE TULONG! ARAY KO PUTA KA!" naiiyak na sigaw ni owel dahil sa sakit. Nanghihina siya marahil sa balikat sya kinagat kaya walang pwersa ang ano mang parte ng katawan nya para makakilos at depensahan ang sarili. Samantalang si wilfred naman ay nakakapa ng isang malaking bato kayat dali dali syang pagapang na sumugod at inihampas sa ulo ng lalaki ang bato na hawak. Isa...dalawa...tatlong beses nya ginawang hampasin ng malakas ang ulo ng lalaki hanggang sa dumugo at makabitiw sa pagkagat ito at humiwalay kay owel at saka inulit ulit na hampasin pa hanggang sa tuluyan itong mamatay.
Ng makabawi ng lakas si owel ay saka sya nagpasalamat kay wilfred na sya namang tumango lang at nakatingin sa walang buhay na lalaki. Ibinaling ni owel ang tingin sa tinatanaw ni wilfred at laking gulat nya ng makilala kung sino ang kumagat sa kanya.
"TAY!" sigaw nito at tila lalapit sana ngunit agad pinigilan ni wilfred ang kaibigan.
"Tama na pare! Hindi sya ang mang ambo na kilala natin! Tignan mo ang mga balahibo sa kanyang braso at mukha! At ang tainga!" Mungkahe ni wilfred. Pilit pinigilan ni owel ang nararamdaman at ginawa ang sinabi ng kaibigan. Malaki nga ang ipinagbago ng kanyang ama. Nagkaroon ito ng mga balahibo sa braso at mga daliri. Ang dalawang tainga nito ay matutulis na kagaya sa paniki at ang mukha ng kanyang ama ay bahagya ding nagkaroon ng pino at maiitim na balahibo. Ganun pa man ay tila hindi nagbago ang mukha kayat madali nila itong nakilala.
"Anong kababalaghan ito fred?saan galing to?" Nalilitong tanong ni owel at seryosong nakatingin sa kaibigan habang nakahawak sa balikat. Duguan ang balikat ni owel pero baliwala sa kanya ito at ang importante sa kanya ay masagot ang kanyang mga tanong.
"Mabuti pa hanapin na natin ang dapat hanapin at saka na natin isipin kung ano ang mga nangyayari dahil hindi ko ein alam!" Sagot nito at tinulungan tumayo ang kaibigan
"Pero... Pero..." Sambit ni owel
"Wala nang pero pero!tara na para magamot na rin natin yang sugat mo!" Sagot ni wilfred at nagpatuloy na ang dalawa sa pagpunta sa yungib na ilang minuto na lang ang layo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Lihim Ng Isla Tahimik (Book III)Where stories live. Discover now