Chapter 10

255 18 2
                                    

Hadlee's POV

I can't explain what I felt yesterday, I saw them, nandoon din ako sa likod ng gym habang nag-uusap silang dalawa, dumaan kasi ako sa room nila Keegan kahapon and I heard him and his members talking about the issue between me, Quinn and Keegan, and I even heard na makikipagclosure na nga si Keegan sa bestfriend niya for me, wala akong ibang naramdaman kundi yung guilt. Dapat maging masaya ako kasi finally wala nang problema sa relationship namin, dapat maging masaya ako kasi ako ang pinili ni Keegan pero hindi, naging blangko bigla yung pakiramdam ko, ramdam ko kasi yung sakit sa mga salita ni Keegan habang naguusap sila ng BTS, kaya nung narinig kong pinapatext na siya ni Rocco oppa kay Quinn, mabilis akong tumakbo sa likod ng gym, kung saan ko sila nakikitang tumatambay dati, lalo na nung hindi pa kami ni Keegan.

I've been there, I saw how Keegan shed his tears for his bestfriend and Quinn too, masakit silang panooring dalawa but I just still watched them hanggang sa umalis si Quinn at maiwang umiiyak si Keegan.

It hurts na yung taong mahal mo, nasasaktan ng sobra dahil sa iba na ikaw rin mismo yung may dahilan, it was my first time to see him like that, that's why the guilt is eating me.

At ang pinakamasakit, is yung nakita ko kung ganito kahigpit yung yakap nila sa isa't-isa, and how the pain stayed in their eyes because of what I did, because of my selfishness, nasobrahan yata talaga ako.

~

Nandito silang lahat ngayon sa bahay, the BTS and my friends, nag-aya kasi ang BTS ng movie marathon, that I am sure that's why they do that is to monitor me and Keegan together, I know that they are worried about me, they just use this movie marathon as alibi, and masaya naman ako dahil dun, because I can know that they really care about me and Keegan.

Actually kakarating pa lang talaga ng BTS and yung mga friends ko kanina pang nandito sa bahay, nagstay lang sila sa kwarto ko, kaya pababa pa lang sila ngayon galing 2nd floor nang pinasabihan ko sila kay Ate Isa na nandito na ang BTS.

Anong trip niyong pito at nagyaya bigla kayo ng movie marathon? Mabuti at nandito na kami kasi panigurado kung nasa kanya-kanya kaming bahay at condo, hinding hindi kami makikisali diyan sa balak niyo Syn said, She's Addisyn Paccia, my tomboyish friend, babae daw talaga siya, di niya lang daw talaga feel magsuot nang mga normal na damit ng mga girls, and actually she prefers to hangout with boys, but like what she have said we are the exception. And siya rin yung halos pinakaclose sa BTS.

Hahaha para naman maiba, nakakasawa na yung pagpapractice ng kung ano-anong sayaw at kanta, puro mukha na lang namin yung nakikita ko sa salamin sa practice room, buti sana kung kasing gwapo ko sila, edi di sana nakakasawa diba? Pagbibiro ni Rocco oppa, tinawanan naman siya ni Syn tsaka nakipag-apir dito, inirapan naman siya ng mga kamember niya pero di na lang siya pinansin.

Bakit parang wala yata ngayon si Quinn, bagong-buhay ba Keegan hahaha, nagsawa na rin ba sa pagmumukha mo? Natatawang tanong ni Ate Najah Zabelle Zaneta or Ate Najah, sabay-sabay naman kaming napatahimik ng BTS, even Rocco oppa na nakikipagbiruan kay Syn, kaya nagtaka naman agad sila sa inasta namin.

Dahan-dahan naman akong tumingin kay Keegan na katabi ko dito sa one-seater sofa, nakatitig lang siya sa TV at parang hindi narinig yung tanong ni Ate Najah, actually kanina pa siyang ganyan pagdating nila, ni hindi nga niya nagawang batiin man lang ako, basta dire-diretso lang siyang umupo sa sofa kaya tinabihan ko naman agad siya at binati, nginitian niya lang ako kanina tsaka niya binuksan agad yung TV dito sa living room.

Ah excuse us, may nakalimutan lang akong sabihin sa kanila, mabilis lang to, don't worry, magpapahatid na rin ako ng pagkain diyan kaya kahit simulan niyo nang manood alinlangan kong sabi sa kanila, ngumiti naman sila tsaka tumango at tumanggi tungkol dun sa pagpapahatid ko nga pagkain, sila na lang daw ang bahala, binaling ko naman yung tingin ko kay Keegan pero ganun pa rin siya, kaya tumayo naman agad si Titus oppa at nilapitan siya kaya niyaya ko kaagad sila Ate Najah sa may garden.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Where stories live. Discover now