Chapter 2 - Ex-suitor

72 4 1
                                    

Maan's POV

Tapos na kaming mag agahan. Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko.

Bumaba na ako at nanalamin ulit sa may sala. Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin.

Babaeng naka-uniform. Na may 5'2 ang taas. Straight hair lagpas balikat ng isang pulgada. Hindi kaputian pero hindi morena. Katamtaman ang puti kumbaga. Ang ganda raw ng mga pilikmata ko kasi ang hahaba. At ng kilay ko kasi medjo may kakapalan. Kissable lips daw ako. Naiinggit mga kaklase ko kung bakit ang kinis daw ng mukha ko. Kung bakit di raw ako tinutubuan ng pimples. Sabi ko sakanila. Tinutubuan ako. Pero isa isa lang. Hindi maramihan. Pati natatanggal agad.

Medjo magkahawig kami ni Ate pero para saakin, mas maganda si Ate pero mas maganda si Mama. Hahaha.

Bumuntong hininga ako.

"Ma, papasok na po ako!" paalam na sigaw ko, nasa kusina kasi si Mama at nasa sala naman ako.

"Sige Anak!" pasigaw na sagot ni Mama.

"Sabay na tayo." napalingon ako kay kuya na ngayon ay bumababa ng hagdan na bitbit ang sapatos niya.

"Himala kuya ah. Sasabay ka saakin." nakangiting sagot ko sakanya.

"Bakit ayaw mo ba?" umupo siya sa sofa at isinuot ang sapatos nito.

"Gusto syempre. Makakasabay ko ba naman ang pinakagwapong kuya sa lahat ng kuya." nakangiting sagot ko ulit.

"Sus, bola," napa-angat ang tingin ni kuya saakin "Si ate Tina mo. Nauna nanaman ba?"

"Parang di ka nasanay kuya. Lagi yun maaga si Ate nitong nakaraang mga araw" nag umpisa na akong maglakad papuntang pinto at sumunod na rin si Kuya.

"Ma! Alis na kami." paalam ulit ni kuya kay Mama.

"Sige sige Ingat kayo!"

"Kuya," tumingin ako kay kuya na kasabay kong naglalakad papuntang sakayan" kumusta na pala kayo ni Ate Andrea?"

"Okey lang naman." sagot nito nang hindi lumilingon.

"Namiss ko yung bonding natin kuya. Kelan ba ulit tayo lalabas na magkakasama?"

"Pag pumuti na ang uwak." birong sagot nito.

"Eh may puti namang kalapati ah." pabirong sagot ko rin.

Lumingon siya saakin.

"Uwak. Hindi kalapati. Maglinis ka nga ng tenga mo," nakangiting sabi nito "kelan pa naging uwak ang kalapati?"

Tiningnan ko ang relo ko.

"Ngayon lang kuya, 6:43 am" sabay pakita ko sakanya ng relo ko.

"Isip bata talaga" sabi nito sabay gulo ng buhok ko.

"Kuya!" tinabing ko ang kamay niya na nasa ulo ko "naman eh, ang ganda na nga ng pagkakasuklay ko." reklamo ko.

"Sus. Kahit magulo buhok mo. Maganda ka pa rin sa paningin ni Tonton." biglang nanlaki mga mata ko sa sinabi ni Kuya.

"Kuya!"

At mabilis na naglakad si kuya sabay bigkas ng "Talo na siya, talo na siya. Nahulog na siya, nahulog na siya."

Hinabol ko siya.

"Hoy! Kuya! Hindi noh!"

Kuya naman eh.



Mark's POV

Pagpasok namin sa gate ng University nagpaalam na kami sa isa't isa ni Bunso. Iba building ng highschool sa mga building ng mga Colleges dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BestfriendWhere stories live. Discover now