Chapter 17

18K 278 24
                                    

Dear diary,

Nagising ako dahil nararamdaman kong may humahalik sa akin. Antok na antok pa ko kaya pinili ko pang pumikit. Pero sadyang nakapakulit nito. Pagdilat ko ay nakita kong si Icen iyon. Sinalubong nito ang umaga ko ng ngiti. Niyakap ko naman ito bilang ganti.

Nakita kong nandoon sa pinto si Timmy. Nasa likod pala ito ni Icen. Hindi ko alam kung paano ko ito pakikisamahan sa ngayon. Wala akong ibang naisip kundi ang ngitian ito. Pero muli na naman akong tinalikuran nito. Hinawakan naman ni Icen ang kamay ko.

"Why don't you greet your mommy a good morning little punk?"

Ramdam ko na ayaw nitong gawin iyon. Pero parang gusto naman nitong sundin ang ama nito.

"Goo..goodmo..goodmorning.. Mommy.. Isay.."

Pagkatapos nitong sabihin iyon ay dali-dali din itong tumakbo palabas.

"Dont worry, everything will be fine.."

Buntung-hininga lang ang tanging naisagot ko dito. Paglingon ko naman sa tabi ko ay nakita kong gising na si Mary. Tulad kahapon ay ganun pa din ito. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang dapat kong unahin sa mga problema ko.

Niyaya na akong mag-almusal ni Icen. Si Mary naman ay pinahatiran nito at saka pinasubuan sa katulong nila doon. Ayoko sanang lumabas dahil nahihiya ako. Pero sadyang mapilit talaga si Icen.

Nasa hapag-kainan na lahat sila. Nang makita ako ng anak ko ay dali-daling nagpakarga kay Mae. Napakatalim naman ng titig sa akin ni Mae. Hindi ko na lang binigyang pansin iyon.

"Hi.. Timmy.."

Nagbakasali lang naman ako. Kinakabahan ako sa titig nito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa lola nito at sa daddy nito bago ako muling tiningnan. Hindi ito kumibo, tipid lang ako nitong nginitian. Pero kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Tahimik lang kaming kumain. Halos hindi ko magawang nguyain ang kinakain ko. Kanina pa kasi ako nakikiramdam kay Timmy. Halatang mahal na mahal nito si Mae. Ano ba ang dapat kong gawin para mapalapit dito?

"Isay! Let's go home! Isay!"

Napakalakas ng boses niyon. Hindi ko na kailangan pang isipin kung sino iyon. Kaya naman dali-dali kaming lumabas upang silipin kung sino iyon.

"Isay! Isay!"

Nakita namin na naroon si Isaac sa labas ng gate. Sa tingin ko ay nakainom ito. Kahapon pa ang suot nitong damit. Magulo ang buhok nito, idagdag pa ang kilos nitong akala mo'y matutumba na.

"What are you doing here Kuya? Leave us alone. Wag ka ng mageskandalo dito!"

"Ooh! My dearest brother ever! Ang kapatid kong kinuha ang lahat sa akin! Ooohh! Kamusta ka naman! Masaya ka na ba?"

Binuksan na nito ang gate at saka nilapitan si Icen. Halos matumba na ito pero nakakapit ito kay Icen. Si Mommy Tess naman ay dali-dali ding lumapit sa anak nito. Si Mae at si Manang Ising naman ay nasa likuran ko lang.

"Kasalanan mo ito Isay, bakit kasi bumalik pa ka dito? Nagkakagulo tuloy sila dahil sayo.."

Hindi ako kumibo sa sinabing iyon ni Mae. Alam kong tama naman ang sinabi nito.

"Isaac, tama na ito anak. Umuwi ka na. Lasing ka"

"Hindi ako lasing Ma! Eto kasing magaling mong anak eh! Si Isay! Nasaan na si Isay! Ibalik niyo si Isay!"

Nahahabag ako sa hitsurang iyon ni Isaac. Gusto ko sanang lapitan ito pero pinigilan ako ni Manang Ising. Mas mabuti daw na huwag na lang akong makialam. Nang makita ako ni Isaac na malapit dito ay lalong nagpumiglas ito.

Diary of a Sex. Porn. Goddess. ( Book 2 )Where stories live. Discover now