CHAPTER 8

42.8K 615 21
                                    

SUZY RAIN CARIAS HEMILTON

"Suzy anak, gising na. You have a visitor."  Maharan kong binuksan ang aking mga mata nang marinig ang tinig ni mama. Nakatunghay siya sa akin ng may ngiti sa mga labi.

Visitor?

"What time is it ma?" Mahina kong sabi. Bago umupo. "Six in the morning."

Six? Sino naman kaya ang bibisita sa akin ng ganito kaaga. Imposible namang yung dalawang lukaret kong kaibigan dahil sure akong tanghali sila magigising tutal naman weekends ngayon.

"Sino po ang bisita ko?" Hindi naitago sa akin ni mama ang kakaibang ngiti sa kanyang labi.

Sasagot pa lang siya ay agad ko nang pinigilan. "Kayo po muna ang umasikaso sa kanya ma habang nag-aayos ako ng sarili."

"Okay, pero dapat bilisan mo. Ayoko namang maghintay ang magiging future son-in-law ko."

Tsk, kahit pag hintayin ko siya ng ten years. May magbabago ba?

"Opo ma, sige na po labas."

"Fine..fine.. Excited ka lang magpaganda." Pagkalabas ni mama tumayo ako at nag-inat sabay isip nang malalim.

"Ano namang kailangan niya sa akin?" It's been three days since nang huli naming pagkikita. Iyon ay nung dumalaw kami sa kanila para pag-usapan ang kasal naming dalawa. And as usual, yung lalakeng yun umalis. Naririndi daw sa presensiya ko. At nabalitaan ko rin na hindi na siya umuwi sa bahay nila. Tuloy nag-alala si Tita Mandy.

Baka naman kaya nandito si Calvin para ikansela ang kasal. O kaya naman ay saktan ako at ipamukhang kasalanan ko ang lahat. Ah Ewan, bahala na. Sanay na naman ako sa ugali niyang iyon. Well, di ko masisisi if may galit yung tao.

Pumasok ako sa banyo at naghilamos, nag toothbrush para naman di sabihing mabaho ang hininga at nagsuot ng desenteng damit. Isang plain white shirt na v-neck may tatak pang barbie. Uulitin ko ang barbie ay hindi lang para sa bata. Tinernuhan ko nang 3'4 na pants at brown slippers na pambahay.

Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha." Kaya ka niya siguro hindi nagustuhan ay dahil sa sobrang ganda mo."self proclaim. Manang mana kay Thea. Sasakit ang ulo nun kasi maraming aagaw sayo .

"O baka naman dahil sa kaseksihan mo." Nababaliw na nga talaga ako.

"O dahil sa mayaman ka. Kasi tulad mo adik din siya sa wattpad. Baka gusto niya rich-poor yung estado ng buhay. Mayaman si Calvin which means dapat yung girl ang poor. Lakas maka boys over flower haha."

Natigilan ako at pinalakihan ang mga mata. Maya Maya pay naging seryoso ang mukha ko. Tinitigan ko ang salamin ng sampung Segundo.

Napalayo ako at nasampal ang magkabilang pisngi. Shet! Nakakatakot pala yun. Natatakot ako mismo sa sarili.

I exhaled deeply bago ito pinakawalan.

Muli akong tumingin sa salamin na may ngiti na sa labi. "Natakot ako dahil sa sobrang ganda ko."

Ang sarap maging maganda. Well sana all.

Lumabas na ako sa kwarto at masayang tinahak ang mahabang hagdan para lang makababa. Hindi pa ako umaabot sa dulo ngunit rinig ko na ang malakas na tawanan nina mama at Calvin.

Don't Break My Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now