Prologue

12.5K 184 1
                                    


"Surprise honey!"nakangiti pang bati ng binata sa kanya."Honeyhin mong mukha mo!"galit na galit na binato sya nito ng unan.Nagmamadaling lumabas ng pinto si Lance.

Nagulat naman si Mia na iniwang bukas ang pinto ni Lance.Lumabas sya at nakita nyang tila nasa isang Isla sila.Natanaw nyang busy si Lance na nagluluto ng pagkain nila.Kinawayan pa sya nito ng matanaw sya.Nakaramdam sya ng ginaw kaya lumapit sya sa apoy na pinaglulutuan ni Lance."Gutom ka naba?"masuyong tanong ng binata.Sa halip na sumagot ay niyakap ni Mia ang sarili dahil sa matinding pagkaginaw.Napansin naman ito ng binata kaya dali-dali nitong kinuha ang jacket at ipinasuot sa dalaga.Kahit hindi sya kinikibo ng dalaga alam nyang mapapalambot nya rin ang puso nito.Tinatanggap naman ng dalaga ang pagkaing inaabot nya kaya sigurado syang konting effort na lang maibabalik nya rin sa dati ang lahat.

Naglakad-lakad si Mia upang makalanghap ng sariwang hangin habang si Lance naman ay tahimik na nagmamasid lang sa kanya ng biglang matalisod ang dalaga sa nakausling kahoy.Napaluhod ito sa sakit.Agad nagtatakbo si Lance patungo kay Mia.",Ok ka lang ba?"...hindi mo kasi tinitingnan yang dinaraanan mo eh."nag-aalalang wika ng binata na agad syang binuhat pabalik sa cottage upang malunasan ang kanyang sugat.

Walang imik si Mia habang ginagamot ni Lance ang sugat nya."Hindi mo ba ko tatanungin kung bakit sapilitan kitang dinala dito.?"simulang tanong ng binata.Hindi umiimik si Mia tila tagus-tagusan ang tingin nya kung saan.Lumapit si Lance sa kanya at hinawakan ang kamay nya."Alam kong malaking pagkakamali na napag-isipan kita ng masama....alam ko ding nakadagdag pa ko sa bigat ng nararamdaman mo sa pagkawala ng mga magulang mo....kaya nga gusto kong bumawi....sana naman pagbigyan mo ko...wag mo naman akong pahirapan ng ganto hon...alam mong ikaw lang ang minahal ko buong buhay ko...patawarin mo na ko please!"naluluhang pahayag ng binata.Tahimik na tumayo lang ang dalaga at pumasok sa kwarto.

Napabuntong hininga na lamang si Lance hindi na nya kaya ang ginagawang pananahimik ng dalaga.

#kiligmuch!

You're My Only LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt