3rd Person's Pov
" Do you like him? " tanong ni Riuyu sa kamahalan habang hawak ang munting rosas.
Nag angat ng paningin sa kanya ang kamahalan na kanina'y minamasdan ang kagandahan ng hardin.
" Anong ibig mong sabihin? Sinong him? " nakakunot noong tanong ng kamahalan.
" Tss.. I'm talking about your Raika no other than Shenrin. That guy that brought you here remember .. " sabi nito ng may kakaibang ngiti sa labi.
Lumakad si Riuyu palapit sa kamahalan at mababanaag ang kakaibang tingin nito sa kamahalang Corin.
Bago pa man ito tuluyang makalapit ay may dumating. Nakababa lang ang mga kamay nito at ang mga mata'y tila nakangiti habang papalapit sa kaniyang kamahalan.
" I'm not just that guy Riuyu, don't call me like that in front of her. " singit ng lalaking kararating lang at walang iba kundi si Shenrin kasama ang munting anino ni Keiko na nasa paligid.
Dinaluhan nito ang kamahalan at hinalikan ito sa noo ng banayad at niyakap ito sa harap ni Riuyu.
" Don't get the wrong idea Shen, I'm just asking the soul of your heart. Its not like I like her.. " paliwanag ni Riuyu pagkatapos ay tinanggal ang kulay ng rosas. Naging maputla ito at naging kulay itim hanggang sa maging abo nalang ito sa kaniyang sariling palad.
'What was that for?' naisip ng kamahalan dahil sa iginawi ni Riuyu.
Humiwalay sa yakap si Shenrin at hinarap ang lalaki sa kanyang likuran.
" Well do you? " balik tanong ni Shenrin na ang mata ay tinitimbang kung nagsasabi ba ng totoo si Riuyu.
Una palang itong nagprisinta ay nagulat na siya. Masaya siya na pinili nito si Corin pero ang mga titig nito ay hindi niya lang talaga makaya na mapalampas.
Hindi man halata pero malaki ang posibilidad ng mga hindi magagandang pangyayari kung sakaling tama ang obserbasyon na nakita ni Shenrin dito kanina habang kinakausap ang kanyang kamahalan.
" Sandali.. - kilala mo siya? " biglang singit na naguguluhang tanong ng kamahalan na bahagyang napalingon habang tinuturo ang lalaking mahilig sa kulay abo.
Ngumiti lang sa kanya si Shenrin at mataman siyang pinakatitigan. Napapatitig ang nahihipnotismong mga mata ng kamahalan sa mga mata nito. ' Akin ka lang... '
Narinig niya ang nasa isip nito kaya pinamulahan siya. Oo tama. 'akin ka lang din Shenrin.. ' sa isip ng kamahalan at bahagyang ngumiti.
Nag crossed arms ang lalaking si Riuyu at tumawa sa iginawi ni Shenrin.
" If you guys didn't notice, I'm here. Enough with the sweet mind talk... Aish, you two really are creepy though.. " pasaring nito at nagkunwaring nang-aasar.
Hindi ito pinansin ni Shenrin, sa halip ay sinagot ang katanungan ng kanyang kamahalan.
" He was a Raika too. He failed to seek for his master and that's the reason his the strongest of us all... "
Napatanaw ang kamahalan sa lalaking abo. Kalmado lang itong nakatayo sa distansya at kakikitaan ang mukha nito ng kapayapaan.
Kaso bakit niya ginawa yung kanina sa pulang rosas? Hindi kaya nalulungkot siya sa kaibuturan?
" Stop with the thoughts. Lets go inside for the ball were about to start. " puna ni Shenrin.
" Wait ball? Anong ball? " naguguluhang tanong uli ng kamahalan.
Hinatak nalang siya ni Shenrin kasama nila Riuyu na nagkibit-balikat lang at sumunod na rin. Pero bago siya makapag-alma at magtanong nanaman, sinabi na si Shenrin ang katanungan namumutawi sa isipan niya.
" A Royal dance to introduce you as their King and as my Queen. Now, come on were in a hurry... "
BINABASA MO ANG
Gods and Demons [COMPLETED]
FantasyWhat will happen if you are brought to a new different world?