I am his Accidental Wife

5.6K 11 2
                                    

I am his Accidental Wife written by _Isabelle_

Genre: Mystery

Para sa akin ang genre nito ay Mystery/thriller, Romance at Historical Fiction at haluan pa ng Fantasy. Hindi ito gaanong sikat sa ngayon ngunit sana'y bigyan nyo ng pansin.

Saglit lamang at ako'y nawiwindang sa kaganapan sa buhay ni Nelly. Pagpasensyahan aking salita sapagkat ako'y nahawa sa akda. Malalalim ang tagalog na ginamit sa storya ngunit sapat naman sa ating kaalaman.

Ito ay tungkol sa kwento ni Nelly at kung paano nya pinagtakpan ang patong-patong na kasinungalingan at kalokohan na nagsimula sa pag-aangkin nya sa isang estranghero na kakakita nya lamang. At naaksidente sa pagtititigan nila. Ang estranghero ay nag ngangalang Andrew, ayon sa kwento ay may kulay berde syang mga mata na talaga namang gustong gusto ni Nelly. Ngunit may kakaiba sa mga titig ni Andrew kay Nelly, sa maikling panahon na pagpapanggap na sila nga'y tunay na mag-asawa ay mayroong unti-unting hiwaga ang ang nababalot sa katauhan ni Nelly. Kung ano man iyon ay matutuklasan mo habang iyong binabasa.

Bagamat mahaba ang narration ay hindi makakaila na paganda ng paganda ang kwento habang tumatagal. Thrill at excitement ang iyong mararamdaman lala na sa ANG PAGBABAGO SA BUHAY NI NELYA na ang iyong binabasa. Nakakatuwa isipin na sa bawat chapter ng kwento ni Nelly ay mahahaba.

Nakakabaliw ang antisipasyon na idinulot sa akin ni Miss _Isabelle_ bilang mambabasa nya. Nawiwindang ang pagkatao ko sa mga nalalaman sa bawat sandali. Isang malaking misteryo ang kwento hangga't hindi nabubunyag ang kasagutan sa mga clue na naiiwan. Ang lola sa tuhod ni Nelly, yung kahon na nakaukit ang pangalang Charles, at si Lolo Charles na lolo ni Andrew, at windang na windang naman ako na halos maubusan ako ng pag-asa para kay Nelly nang sinabi ng kambal ni Andrew ( may kambal si Andrew, si Andres) na sila'y malaking GAY! Huhuhu. But I never lose hope.

At sa aking pagbabasa ng kwento ni Nelly na puno ng hiwaga at kalokohan nya ay marami akong natutunan. Ang pag-ibig ay makapangyarihan na kahit gaano man lumipas ang panahon para sa dalawang taong nagmamahalan ay gagawa at gagawa ang tadhana upang masakatuparan ang pag-ibig na naudlot. At ang mga titig ni Andrew na para kay Nelly ay kakaiba sa tingin ko ay natuklasan ko na iyon ... :)

Humahanga ako sa iyo Miss _Isabelle_ saludo sa iyong kahusayan dahil sa storyang ito at kasipagan sa mahahabang updates. God bless ü

Recommended Stories :DWhere stories live. Discover now