Part 2

1.4K 37 1
                                    

Tumatakbo habang umiiyak si Ran. Nang makarating sa bahay ay nakita siya ni Kogoro na umiiyak.

"Ran?", sabi ni Kogoro sabay tumayo sa kinauupuan at pinuntahan si Ran. "R-Ran, a-anong nangyari.. B-Bakit ka umiiyak?" Napansin niyang wala si Conan. "Si Conan?"

"P-Papa...", tumindi ang pag-iyak ni Ran. "N-Niloko niya ako..."

Hindi alam ni Kogoro ang dahilan kung bakit umiiyak ang anak niya. Para pakalmahin ito ay niyakap niya ang anak. Hinimas niya rin ang likod nito.

"Ran, anak..."

Kahit na minsan puro kalokohan lang ang alam ni Kogoro, ibang usuapan pa rin kapag nasasaktan ang anak niya.

"Pa, nagsinungaling siya sa akin! Niloko niya ako, sinungaling siya, SINUNGALING!"

Tumindi lalo ang pag-iyak niya.

--

Nakaupo silang dalawa sa sofa at nung kumalma na si Ran ay tinanong siya ni Kogoro...Ikwinento namang lahat ni Ran ang narinig at nakita niya kanina.

"ANO?!", pagulat na sabi ni Kogoro.

--

Si Conan, nakaupo at nakayuko sa sofa. Katabi niya si Professor Agasa na katatapos lang bendahan ang sugat niya sa kamay.

"Ano ng plano mo, Shinichi?", tanong nito sa kanya.

"Wala ng silbe kung babalik ba ako sa pagiging Shinichi.", agad niyang sagot.

"Shinichi..."

"Ano ng plano mo?", sabi ni Haibara na nakatayo sa harap niya.

"Ewan... Hindi ko alam."

--

Ilang araw matapos non...

Palabas si Kogoro Mouri ng bahay ng makita niya si Conan na papunta.

"U-Uncle..."

"IKAW?!", sigaw nito sa kanya. "Ang kapal naman ng muka mo para bumalik pa dito!"

Binigyan niya si Conan ng malakas na suntok, dahilan para ikatalsik niya ito.

Dumugo ang labi niya at agad siyang tumayo. Pinunasan niya ang labi niya gamit ng kamay.

"U-Uncle, si Ran po? Magpapaliwanag po ako!"

"Hindi na namin kailangan ng paliwanag mo! Kaya pwede ba umalis ka na lang kung ayaw mong suntukin kita ulit!"

"Kung gusto niyo po akong suntukin... Suntukin niyo po ako ulit! Kahit ilang beses pa! H-Hayaan niyo lang akong makapagpaliwanag!"

Hinatak siya ni Kogoro sa may kwelyo ng damit niya at hinatak siyang pataas.

"Niloko mo ang damdamin ng anak ko at niloko mo kaming lahat! Huwag ka nang babalik dito!"

Pagkatapos non ay ibinalibag siya nito palayo.

Si Ran naman na nasa loob ng bahay ay naririnnig pala ang pangyayari sa labas. Dahil doon ay muli siyang umiyak.

--

Simula ng araw na iyon ay nakakulong na lang si Conan/Shinichi sa bahay niya. Nakaupo sa isang sulok at nakatulala.

At sa kabilang banda, ganon din si Ran. Ilang araw na siyang nagkukulong sa kwarto niya.

Ran,", pagtawag ni Kogoro sa anak niya sabay katok. "Ran, dalawang araw ka ng hindi kumakain... Buksan mo na ang pinto para makakain ka na..."

Mula sa loob ng kwarto narinig niya mula kay Ran ang mahinang...

"Hindi po ako gutom..."

"Ran, ano bang sinasabi mong hindi ka gutom?!..... Hayz..."

Detective Conan / Case Closed : The Mourn After a Sudden JoyWhere stories live. Discover now