Page 2

1.2K 47 2
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas nang magkasagutan kami ni Raze. Medyo guilty ako. Ilang araw na rin kasi siyang hindi pumapasok. Naririnig ko kasi ang mga chismis na palagi raw absent si Raze.

At syempre, ako na naman ang target ng mga babae dito sa campus. They know about us. Alam nila na nililigawan ako ni Raze. Kaya ayon... todo tapon sila ng masasamang salita sa akin. May mga nakakita pa yata ng sagutan namin.

Ngayon, pagtuntong ko pa lang sa loob ng canteen, lahat ng estudyante rito sa loob nakatingin sa akin. Pinagbubulungan nila ako. Kahit naiinis at naiiyak ako ay hinayaan ko na lang.

Huminga ako ng malalim bago nagtungo sa counter at umorder.

Kumakain ako ngayon mag-isa sa itaas ng rooftop. Pero nagitla ako nang biglang bumukas ang pintuan non.

Nakita ko si Khen na papalapit sa akin - ang pinsan ni Raze. Umupo siya sa aking tabi.

"Ano ba ang ginawa mo sa pinsan ko?'' Umpisa niya. "Ayaw pumasok at nagkukulong doon sa kwarto niya."

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Wala naman... Nagkasagutan lang kami." Mahinang sambit ko.

Tumawa siya ng mahina. "Wow, LQ kayo?"

Hinampas ko siya. Nagawa niya pang tumawa, kita niya naman na hindi nga kami okay nung pinsan niya. Masyado yatang sineryoso ni Raze ang mga sinabi ko.

Mas lalo akong na-guilty. Nasaktan siguro siya sa mga sinabi ko...

Nasapo ko ang aking ulo nang maalala ang mga sinabi at sinigaw ko sa kanya. Ang sama ko.

Pinitik ako ni Khen sa noo. "Aray!" Daing ko. Natauhan tuloy ako.

"Lalim ng iniisip mo," Sabi niya.

"Naalala ko lang yung mga sinabi ko kay Raze.." Malungkot na wika ko.

Hindi ko natiis at ikinuwento lahat kay Khen ang nangyari sa amin.

"Bakit kasi sinabihan mo ng ganon ang pinsan ko? Tsk, nasaktan 'yon panigurado. Ikaw lang ang babaeng nag reject sa kanya ng ganon katindi." Ani Khen.

"Sorry na nga diba..." sambit ko.

Bumuntong hininga siya sa tabi ko.

"Huwag ka sa akin mag-sorry," Sabi niya. "Puntahan mo siya sa condo niya. Baka mamaya magpakamatay na 'yon, e." Tumayo siya at mabilis na umalis.

The next day, nagpasama ako kay Khen para puntahan si Raze sa kanyang condominium.

Ito na at nasa tapat na kami ng pintuan ng unit ni Raze. Nilingon ko si Khen sa aking tabi.

"Sigurado ka ba na nandito siya?" Tanong ko.

Tumango siya. "Wala naman ibang pupuntahan 'yon."

Pinindot ni Khen ang machine sa gilid ng pintuan. "Mauna na ako, Reya. Ikaw na bahala kay Raze ah?" Tinapik niya ako sa balikat bago siya naglakad papaalis.

Mga ilang minuto, bumukas na iyong pinto at nakaharap ko si Raze na mukhang bagong gising. Suot niya ay white shirt at jersey na shorts. Kahit magulo ang buhok niya ay gwapo parin tignan. Nagkatinginan kami. Nailang ako sa malalim niyang tingin kaya umiwas ako at nagsalita.

"R-Raze... uhm... may ibibigay ako sayo kaya ako pumunta rito."

Binuksan ko ang aking bag. Teka, nasaan na 'yong reviewer? Nilagay ko ang mga iyon sa bag, e. Nanginginig pa ako habang naghahanap. Ang intense kasi kung makatingin ni Raze, ramdam ko ang paninitig niya. Naiilang ako!

"Pumasok ka muna," Aniya at binuksan ng mas malaki ang pinto.

Napatigil ako sa paghahalungkat nang sabihin niya iyon. Napalunok pa ako bago ulit ako nagsalita.

"Sige, s-salamat..''

Nauna akong pumasok bago siya. Napalunok ako muli nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan.

"You can sit there," wika niya sa malamig na boses.

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Umupo ako sa sofa. Inilapag ko ang bag ko sa aking kandungan at ipinagpatuloy ang paghahanap sa mga papers na binigay sa akin ni Khen. Malapit na ang exam at hindi pa rin siya nakakapag-review.

Umupo si Raze sa sofa, katabi ko. Hindi ko maiwasang mailang at mahiya. Nahugot ko ang hininga ko.

Sobrang awkward!

Kaya minadali ko na ang paghahanap ng mga papel sa loob ng bag at sa wakas! Nahanap ko rin.

Inayos ko ito bago ibigay sa kanya. Kinuha niya naman ang mga 'yon at tinignan isa-isa.

"Malapit na ang exam. Bakit hindi ka pa rin pumapasok?" Mahinang saad ko sa kanya. Bahagya siyang natigilan at tinignan ako ng diretso.

"Because..." Natawa siya at umiling. Sumandal pa ito sa sofa at pumikit. "You stabbed my heart with your words... Hindi ko kinaya yung pagtaboy mo sa akin, Reya."

Nag-init ang pisngi ko. "S-Sorry na... Hindi ko naman sinasadya. Nakukulitan na kasi ako sayo."

Minulat niya ang kanyang mata at binaling ulit sa akin ang tingin.

Unti-unti siyang umusod. Hindi ko inaasahan ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Mabilis niyang inabot ang labi ko tsaka marahan akong hinalikan.

Dahil sa gulat, hindi agad ako maka-react at hindi rin ako makakilos.

Stolen Kisses (completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя