Chapter 4: Playboy Attacks

63 10 0
                                    

Author's NOTE: Hi po ^__^ Keep supporting!
           ~•~•~•~•~•~•~•~
Ayra's POV
"Goodmorning class!" - sabi ni Sir. Partosa, siya ang Math Professor namin. "Goodmorning Sir!" -we said in chorus.

"Hi ayra! ayra!" -tawag na naman sakin ni Kendrick. Ugh! Palibhasi kasi hindi ko pinapansin kaya ganyan. Imbis na pansinin ko, eh kinuha ko nlang ang Math Notebook ko at nagsimulang kopyahin ang solving ni Sir sa blackboard.

'Ayra. Matalino ka ba?" -Napatingin ako bigla kay Kendrick ng tanungin niya sa akin iyon. "Oo naman! Bakit?" -proud na proud ko pang sabi. Syempre kaklase ko si Abe-girl kaya siguro pantay lang ang talino namin. hehehe XD

"Yun naman pala eh! Edi sagutin mo na ko!- sabi ni Kendrick at kumindat pa ang loko! Ngapala, Dapat masanay na ako sa isang to! Playboy to, nakukuha niya ang mga babae sa simpleng mga banat niya lang. Pwes! Sorry siya. Playgirl ata ito haha *smirk*

"Sorry ka nalang kendrick! Hindi tumalab! Btw. Magpapakilala ulit ako sayo" - sabi ko sakanya. "Huh?!" -tanong niya sakin. "I am Ayra Kate Sy, your playmate. Nice meeting you"-sabi ko sakanya at kumindat haha. Napalunok nalang siya. "Playmate? Bakit?" -tanong niya sakin. "Simple lang. Kung ikaw, you loves to play girls, Ako naman I love to play boys kahit ikaw pwede kong masali sa aking mga collection." -mahabang sabi ko sakanya. "Asa ka. Baka IKAW ang masama ko sa aking collection" -at nag-smirk pa ang loko!

"Mr. Last and Ms. Sy! Are you listening?!" -sigaw samin ni Sir. Ghad. Terror pa naman to. "y-yes sir!" - ako nalang sumagot, dahil tong isa umupo nalang ng pa-cool! Tsk.

          ~•~•~•~•~
Abegail's POV

Nandito ako ngayon sa Library dahil susubukan kung manghiram ng book na novel, tapos na kasi yung binabasa ko eh. Kasalukuyan akong pumipili ng libro nang mahagip ng mata ko ang isang libro. Kukuhanin ko na sana pero may kukuha rin pala sa libro na yun kaya nagkapatong yung kamay namin.

"Ay sorry classmate, sige ikaw na!" -napatingin ako kung sino yung nagsabi sakin nun. at spell NGANGA? Siya yung crush ko na classmate ko din. Ghad. "huh? hindi na! Sayo na yan. Ikaw naman nauna eh" -sabi ko sakanya. "Hindi. Sayo na! Dapat pinagbibigyan ang mga babae" -sabi niya sakin at ngumiti. Waah! Killer smile >////<

"haha. ang cute mo mag-blush" - sabi pa niya sakin. T-teka ano daw? Blush? Ako? Bigla ko nalang hinawakan ang aking cheeks. Shcks. Nakakahiya! Pisti. "hahahahaha" - tawa pa niya.

"Ssssshhhhh...." - Opps sabi ng Librarian. Baliw! Tumawa pa kasi.

"Uhm.. Im Drake Tolentino" -sabi niya sakin sabay abot ng kamay. Ang gentleman niya :) "Abegail. Abegail Fontillo" - sabi ko sabay abot ng kamay niya at nag-shake hands.

"So.. Friends na tayo?" Tumango nalang ako. "Okay. Tara! Sabay na tayong mag lunch!" - sabi niya sa akin sabay twist ng kamay niya sa kamay ko para hawakan iyon. Nagsimula na syang maglakad, nagpahila nalang ako. Para naman kaming couple neto, naka holding hands eh. ^___^

                ~•~•~•~•~•~•~•~•~

Korynne's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Cafeteria. Grabe lang! Gutom na gutom na ko plus nakakaantok pa yung boses nung prof namin. Tss. Samantalang yung katabi ko tulog buong klase! -,-

Nang makapasok na ko sa cafeteria, bigla nalang may pumatid sa akin. Buti nalang nabalance ko katawan ko kaya hindi ako nasubsob kundi linis na yung tiles sakin.

Tinignan ko kung sino yung bwiset na pumatid sakin, at no other than kundi si Karessa the beach na naman. "Problema mo?!" -sabi ko sakanya. At aba tinaasan lang ako ng kilay! "Diba, I told you? Stay away from my boyfriend?! Eh bakit dikit ka pa rin ng dikit ha? Linta ka ba?"

"Woah!" -sigaw ng ibang students. Ang lakas talaga ng audience impact. tsk tsk.

"Dumidikit? Nagkataon lang na magka-seatmate kami no. At bakit ganyan ka ba maka-react? Nathe-threaten ka sakin no?"- sabi ko sakanya. "Excuse me? Ako matatakot sayo?" - ganti niya sakin. "Yun naman pala eh, pwede ko palang landiin yung boyfriend mo" -sabi ko sakanya sabay smirk. Pero joke lang yun! Asa ka namang lalandiin ko yung bf niya na daig pa ang yelo sa cold at daig pa ang babae kung magsungit. Iinisin ko lang tong beach na to. ^__^

"How dare---" -naputol ang sinasabi niya sakin dahil aakmain niyang sabunutan ako pero may pumigil sa kamay nya. "How dare you to hurt my girl?" -sabi nung guy. My girl daw? At kelan pa ako nagkaroon ng owner?

"Pero wag ka. Gwapo naman yanne" Ay pisti! Kelan pa nagsasalita ang utak ko?

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa labas na kami ng cafeteria. Bat ako napunta dito? Nakikipaglaban pa ako ha?  -__-

"Hi miss. Ito oh" - sabi sakin nung guy na nagligtas sa paparating na sampal sakin kanina. "Thanks." -kinuha ko nalang yung burger at juice. Gutom na ko eh.

"Hoy ikaw! Bakit mo sinabing My girl mo ako?" - bigla ko nalang nasabi sakanya ng maalala ko yung kanina.

"haha sorry! wala na kong maisip na iba eh" -sabi niya sabay kindat. Ew.

"Kendrick Last is my name. Ikaw?" -tanong niya sakin. "Yanne Korynne Smith"

"Oh. Tower ka ba?" -biglang sabi niya sakin. Kaya napakunot ako. "Bakit?" -sagot ko. "Kasi.. I fell for you" - sabi niya sabay kindat uli. Pansin ko lang, ang hilig niyang mangindat no?

"Playboy." - nasabi ko nalang.

" Uy hindi ah! Hindi ako playboy, mukha lang! Sa gwapo kung to?" -pagmamayabang niya.

" Hi babe! Atlast! Nakita na din kita!" -sabi nung bagong dating na girl at nag-cling sa arms ni Ken. Hindi daw playboy. Psh.

" Hindi pala playboy ah?" -sabi ko sakanya. At ang loko, nag peace sign lang. -,-

***

Battle of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon