TLH: Chapter 34

9.7K 142 1
                                    

Eunica's POV

"Ouch!"

Muli nanaman akong napahagikgik ng kurutin ko nanaman sa ilong si Ivan. Ewan ko ba pero gustong gusto ko yung ilong niya. At eto nanaman siya, nakasimangot na at hinihimas-himas yung ilong niyang namumula. Ang cute lang!

"Ooopss. Sorry" mahinang sabi ko

Napa-iling nalang siya. Nandito kami ngayon sa condo niya. Sinundo niya ako kanina na talagang ikinagulat ko. Akala ko kase nagbibiro lang siya. Pinaalam pa niya ako kila Mama na didito muna ako sa condo niya kahit ngayong gabi lang at siguro dala na din ng kaantukan at pumayag na din sila. Nagulat pa nga ako eh. Akala ko hindi sila papayag kaya sobrang lumuwag yung pakiramdam ko nu'ng pumayag sila.

"Are pregnant women like you?" Iritang tanong ni Ivan kaya natawa ako. Nagkibit-balikat nalang ako. Eh kase first time ko lang naman magbuntis ano.

"Hindi ko alam. Siguro."

At muli ko nanamang kinurot yung napakatangos niyang ilong! Perfect curve! Bigla naman akong napasigaw ng hapitin niya ako sa bewang.

Nakahiga kasi kami ngayon sa kama niya. Alam ko masamang mapuyat ang mga buntis pero kase hindi pa ako inaantok eh. At saka kakagising ko lang ano! Kanina din, buti nalang napakain ko si Ivan. Naaawa na nga ako dito eh, pagod na pagod nalang palagi at hindi na nakakakain ng maayos. Tinitigan ko yung mukha niya. Medyo may eyebags na siya at halata mong hindi na din siya nakakapag-shave. Medyo pumayat din ng kaunti pero okay naman sa kanya kaso nga lang, nababahala ako kung ayos lang ba 'yun.

"Why?" tanong nito ng makahalata sigurong tinititigan ko siya ng maiige.

Nalipat yung tingin ko sa mga mata niya. Those dark gray eyes are very attention-hacker. Bumibilis nanaman yung pagtibok ng puso. Sana makuha iyon ng magiging baby namin yung magaganda niyang mga mata. Pakiramdam ko yun ang dahilan kung bakit gustong gusto ko siya. Ay mali! Mahal na mahal ko pala siya.

"Okay ka lang ba?"

Nangunot naman yung noo niya. "What do you mean? Of course I am okay."

"S-Sigurado ka? Is everything okay?" alalang tanong ko pa din sa kanya. Hindi kasi ako makuntento sa sinabi niya eh. Parang may mali talaga.

Nakatitig lang siya sa akin. Hindi alam kung sasabihin ba niya sa akin o hindi. May pag-aalala sa mga mata nito. At pakiramdam ko tama yung kutob kong may mali nga. Hinawakan ko yung mukha niya. Napapikit naman siya at hinawakan yung kamay kong nasa mukha niya. Pakiramdam ko naman maiiyak ako.

"Ivan, nandito lang ako. Puwede mo ako sabihan ng problema mo." marahang tanong ko sa kanya.

Napadilat siya and there is sadness in his eyes. And fear..

"Eunica, if anything happens please don't leave me"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. I didn't see that coming. I can see hope in his eyes while waiting for me to answer. Ngumiti ako dito.

"Oo naman. Bakit mo naman nasabi 'yan?"

I keep the energy in my voice to lighten the atmosphere between us. Kasi kahit ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang anytime puwedeng mawala sa akin si Ivan. At hindi ko kakayanin iyon.

Mukha namang nakahingang maluwag si Ivan sa sinabi ko nakita ko na yung totoo ngiti niya lalo na sa mga mata niya. I somehow felt relieved. Siguro iyon lang yung gusto niyang marinig.

Umiling-iling siya at dinala ang kamay ko na nakalapat sa mukha niya sa mga labi niya at hinalikan ito.

"I just can't take it if someone's gonna take the both of you away from me." Sabay nu'n ay paglapat ng kanyang kamay sa tiyan ko. Medyo may baby bump na din ako.

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Where stories live. Discover now