Chapter 2: Rosa, The Nanny

27 8 3
                                    

-Rosa's POV-

"Dito na kaya yun?"tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang white and brown themed na malaking bahay.

Saan kaya yung doorbell dito?

Hinanap ko na lang yung doorbell doon sa gate.

*hanap*
*hanap*
*hanap*

Nasaan na ba yung doorbell?... Tss. Siguro walang budget ang mga tao dito na pampagawa ng doorbell. Di kaya naka-motion detector yung gate nila tapos expected guests lang ang pinapapasok sa loob, tapos nakalimutan pa akong ipaalala nung amo nila kaya hindi ako makakapasok.

Psh.. Paranoid na naman ako.

Napasapo na lang ako sa maganda at makinis pero malapad kong noo.

"Haayyysss!!!"

Isinandal ko ang mukha at buong katawan ko pati na ang malaki at luma kong maleta sa kulay brown na gate.

HAIYST! Dahil sa pag-ibig nagsasakripisiyo ako at kung ano-ano na ang ginagawa ko.

Ang init... Ano ba kasi 'tong suot ko.

Kupas na brown shirt, checkered na lumang polo, isang mahabang palda, bakya at sumbrelo na pang-magsasaka.

From that rich bitch, I am now down to...

A BEAUTIFUL NANNY!

[FLASHBACK]

Napapayag ko si Sheila na magpalit kami.. Not that literally change of bodies, pero palit ng katauhan lang..

"Just pretend to be me! Lagi mo lang tatandaan na ikaw si Camille Rosa Padua."-ako

"Pero paano kung?"mala-emosyonal na sabi ni Sheila.

"Paano kung?"tanong niya ulit. Tinignan ko lang siya at binigyan ng "punyeta-sheila-ano-ba-talaga-ang-sasabihin-mo look".

"Paano kung? What?"tanong ko.

"Paano kung? Uhmmm? Ano ngang tawag dun? Yung ano? Basta! Ano nga pala dapat uli yung sasabihin ko?"sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Psh.. Just don't mind it."sabi ko.

Tapos iyon pumayag na siya.

Siya kasi talaga dapat yung yaya ni Aldark.. Aldark,the love of my life. Hihi!

Eto lang ang naisip kong way para mas magkakilala kami.

I'm willing to be poor, makita at makasama ko lang ang dilim na nagpaliwanag sa buhay ko.

[END OF FLASHBACK]

At yun ang dahilan kung bakit biglang naghirap ako ngayon.

*booooggghhhhsssss!!!!*
*beeeeeeeeppppppppp!!!*

"Aahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"napapikit ako sa sobrang gulat.

Hala.. Patay na ba ako? Kanina kasi, biglang bumukas yung gate na nagslide patagilid tapos biglang may papaandar na kotse tapos...

Ayun, pumikit na ako.

Pero wala man lang akong naramdaman na masakit o may tumama sa akin.

Eto na ba yung end ng story ko?

Hala! Authors!!! Wag naman tapusin ng ganun ka-ikli.

Halos di pa nga tapos yung chapter 2, tapos patay agad ako.

Wala man lang kilig moments with Aldark?

Psh... Tapos na ba talaga?.......

---------------------------------------------------

Yehet!!! Chapter 2 done!! Don't forget to Vote, Comment and Follow as well!! Reactions plss about sa story. Kung may questions or reactions wag dito sa wattpad, di kasi ako active dito. Sa Facebook na lang add niyo ako John Cedrick Mascardo tsaka si Charise Lapastora kaming dalawa yung author. Follow niyo din ako sa twitter @jcmmascardo09 tsaka sa IG @boniee09. Sige, nagpromote na ako ng accounts. HAHAHAHA!! ✌✌

-ByuntaeSiCedrickandChariseLapastoraCollab

A true love in DISGUISEWhere stories live. Discover now