"Itanong mo sa akin, kung sinong aking mahal? Ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig Mo'y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman"
Sabi sa kanta "itanong mo sa akin, kung sinong aking mahal?". Ngayon tatanungin kita, sino ba ang iyong mahal? Madaming nagsasabi na mahal na mahal nila ang Panginoon, pero minsan hanggang church Niyo lang Siya mahal. "Whoever has my commands and keeps them is the one who loves me. -John 14:21". Papuri at pasasalamat sa loob ng church at minsan nga ay may pag-iyak pa tudamax pero paglabas naman sa bahay sambahan ay back to life na ikaw nga. Wag ganun! Buksan mo na ang iyong mga mata kung ano talaga ang pag-ibig na tinuturo sa atin ng Lord. Huwag sanang mangyari na magkaroon ng tanong ang ibang tao sa sarili nila o magtaka sa asal mo kung Kristyano ka ba talaga, dahil ang mahalaga pa din sadya ay ang testimony mo outside the church. Hindi healthy Christian ang hanggang church ka lang mabuti at ugaling Jesus, kailangan maging balance kapatid. Kung paano humayo si Jesus noong nandito pa Siya sa lupa ay ganoon din dapat ang paghayo at pag gamit ng ating buhay, kasi hindi mo na pangalan ang dinadala mo kundi pangalan na ng ating Panginoong Jesus sa buhay mo.
"Ikaw lang ang aking mahal, ang pag-ibig Mo'y aking kailangan". Tinutukoy dito na kailangan natin ang pag-ibig ni Jesus. We are delivered! We are free! We are forgiven! We are Loved! Because God love us so much that He gave His only begotten Son para ma-saved lang tayo sa ating mga kasalanan at para hindi tayo mapapunta sa kampon ng demonyo. Kailangan natin lahat ang pag-ibig Niya kasi ito lang naman ang nagbibigay buhay sa atin. Ito lang ang may kabuluhan sa lahat ng bagay, ito lang naman ang dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng pag-asa, at ito lang naman ang pinakamahalaga sa lahat, LOVE. Kaya bilang isang kristyano relate na relate tayo dito sa salitang love kasi buhay natin ito at naramdaman na natin ang most precious love na no one can ever give us but God alone.
Ang kaso doon lang tayo magkakatalo sa salitang IKAW LANG ANG AKING MAHAL. Oh?! Gulat ka no? Napaisip ka din kung bakit? Sa mga di inaasahang pagkakataon o sabihin nating most of the time at lalong all of the time, nafo-focus ang attention natin sa mga bagay na materyal, sa mga offers na maibibigay ng mundo, sa babae/lalaki, sa crush, sa jowa o kasintahan mo, kaya tuloy ang nangyayari hindi mo tanggap ang salitang "ikaw lang ang aking mahal" dahil imposible naman na magmahal lang ng isa lang. Kung uunawain natin ito, mare-realize natin na kung mahal mo ang Panginoon ng higit sa lahat ng bagay o sa kahit ano o sino pa man, mauunawaan at magagamit natin ng maayos kung ano ba talaga ang pagmamahal.
""Teacher, which is the greatest commandment in the Law?" Jesus replied: Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. This is the first and greatest commandment. And the second is like it: Love your neighbor as yourself." -Matthew 22:36-39"
Napakahalaga ng sinabing ito ni Jesus tungkol sa ano ang pinakamahalagang utos. Sinabi Niya na una ay ang Mahalin mo ang Diyos, pangalawa ay ang mahalin mo ang iyong kapwa gaya sa sarili mo. Kung nagtataka ka kung bakit hindi na 10 commandments? Bakit kaya 2 commandments nalang? Ano ka ba! Kung iintindihin mo ulit ang sinabi ni Jesus, maiisip mo na hindi mo magagawa ang dalawang utos na iyan kung may lalabagin ka sa 10 commandments. In general na iyan at hindi na kailangan Niya pang ipaliwanag lahat dahil ang wisdom na nagmumula sa Kanya ang siyang magpapaunawa sa iyo ng lahat ng bagay. Gawin natin na ang Diyos lang ang ating mahal at tignan mo, lahat ay babaguhin Niya sayo. Magiging mapagmahal ka din sa lahat ng bagay, at take note, totoo at mabuting pagmamahal na nagmumula sa Kanya.
First 1-4 commandment ay nagpapakita kung paano mo maipapakita sa Diyos ang iyong pagmamahal sa Kanya. 5-10 commandments ay nagpapakita ng pagmamahal mo sa kapwa mo. Pero above all, we are doing these things because we love the Lord because He first loved us. We knew love because He is the source of it. We love because "God is love. -1 John 4:8".
"Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay na nararamdaman". For the LORD is good and his love endures forever; his faithfulness continues through all generations. -Psalm 100:5. Ito ang nararamdaman nating lahat ang Kanyang walang hanggang pag-ibig sa atin, ang Kanyang walang hanggang biyaya sa atin, ang Kanyang walang hanggang pagkilos sa ating mga buhay. Binabago Niya tayo araw-araw at marami Siyang pinaparanas sa atin na sa Kanya lang natin mararansan. Biyaya Niya ang pagkakatawag Niya sa atin, na nakilala natin Siya at binigyan Niya tayo ng priviledge para makasama Siya sa Kanyang kaharian, inabot Niya tayo kahit tayo ay makasalanan.
"Because of the LORD's faithful love we do not perish, for His mercies never end. -Lamentations 3:22"
Walang Hanggan- ito ang salita na panghahawakan ng bawat Kristyano sa buhay nila. Salita na mas magpapalalim pa at magpapalunod sa atin sa pagmamahal ng Diyos. Hindi mawawala sa Christian dictionary ang salitang ito. Ang Never ending promises and everlasting love Niya for us. Mga salitang magpapalakas ng ating loob at makapagbibigay sa atin ng pag-asa. Magbibigay sa atin ng kagalakan at magpapaalala sa atin kung ano nga ba ang totoong kahulugan ng PAG-IBIG.
WALANG FOREVER? I don't think so. Kasi "MAY FOREVER" ang sasabihin mo kung kilala mo si JESUS!

BINABASA MO ANG
Buhay Kristiyano, Buhay natin to!
SpiritualCOMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Christian people can relate to the following chapters of this book. Food for the SOUL and SPIRIT. GOAL of...