Moshi Moshi, HOSHI? (Part 2)

295 9 0
                                    

HOSHI means "Star" in Japanese.

---

Moshi Moshi! Watashi no namae wa Bettina Hoshi!

Hello! My name is Bettina Hoshi! Bits for short ;)

Obviously I'm half Japanese and half Filipina. I'm a CTHM student from University of Santo Tomas. 3rd year na ako this school year. I'm also a member of Varsitarian, the official Student Publication of UST. I'm assigned sa mga events in the school, especially sa pag-cover sa mga kaganapan in Paskuhan, Quadricentennial Celebration, and TSITP.

It's a gloomy friday, siguro dahil rin sa bagyo. Laging umuulan. August na rin kasi. Kakatapos lang ng class namin, palabas na sana ako ng classroom ng biglang.....

"Bits! Pinapatawag ka sa office natin. Urgent raw. Tinext ako ni Kuya Raffy", Dana told me. Blockmate ko si Dana, member rin siya ng Varsitarian. Siya nga lang dun sa mas madugong part, Editorial and Opinion.

"Bakit daw?", I asked her.

"Basta! Important raw eh. Dali na!", she said.

"Uhhh, ok.", yun na lang ang nasagot ko. Hindi ko talaga alam kung bakit eh. Wala pa namang event ah? Matagal pa ang Paskuhan pati TSITP. Puro mga pageant pa lang for every college ang nagsisimula ngayon. Bakit kaya?

"Giz, una ka na. Punta pa ako office eh.", I said to my bestfriend, si Gizelle.

"Sige, ingat ka nalang! See you tomorrow.", sabay beso sa akin ni Gizelle.

After that, pumunta na ako sa office. Nakita ko kaagad yung Editor-In-Chief namin na si Kuya Raffy.

"Bits, andyan ka na pala.", Kuya Raffy said.

"Kuya, bakit ako pinapatawag dito?", I asked.

"Kilala mo ba si Iris?", he asked me.

"Opo. Diba siya yung naka-assign sa Sports, yung taga-interview sa mga players. Bakit?", I asked back.

"Eh may dengue kasi siya tapos yung ibang assigned sa Sports, may kanya-kanyang tasks na. Since wala namang events ngayon, is it ok na ikaw muna ang pumalit sa pwesto ni Iris?", Kuya Raffy told me.

What?!?

"Huh? So ako yung papalit muna sa pwesto ni Iris? Eh Kuya, wala akong kaalam-alam sa basketball. Hindi nga ako fan ng UAAP eh.", I told Kuya Raffy.

"Kaya mo yan, Bits. May kasama ka naman, sila Carmeena at Benjo. Si Carmeena ang taga-gawa ng interview skit tapos si Benjo ang bahala sa video interview at ikaw ang mag-iinterview sa players. Bale aralin mo nalang yung ginawa ni Carmeena. We trust you.", Kuya Raffy said.

Nakakahiya namang tumanggi kay Kuya Raffy. Pinagkakatiwalaan nila ako sa task na ito.

"Ahh, sige Kuya. Thank you sa tiwala. I'll do my very best. But wait, kailan po ang next game?", I asked.

"Bukas na, 2PM ang game sa MOA Arena. DLSU ang kalaban.", he said.

"Tomorrow na? I have class until 1PM and paano ko makukuha yung ginawa ni Carmeena?", I asked again.

"Ito ang contact number ni Carmeena. Ask her if she's done with the skit. Kayo na bahala mag-usap kung ano ang gagawin niyo for tomorrow. After the game mo pa naman i-interviewhin ang players, habol ka na lang.", he told me.

I immediately saved Carmeena's number and umalis na ako sa office. Grabe, agad agad? Nakaka-pressure ah! Hmm, itext ko na nga itong si Carmeena.

To: Carmeena

"Hi Carmeena! This is Bettina Hoshi from the Varsitarian :) ako raw yung papalit muna kay Iris tomorrow. How can I get the copy of your interview skit? Tomorrow na kasi diba. Thanks!"

Counting StarsWhere stories live. Discover now