Fourth: "I'M BACK!"

3.5K 42 0
                                    

Pinapangako niya sa sarili niya, ito na talaga ang una’t huling beses na sasama siya.

Naalala pa niya nung high school ay nauso ang mga sleepover sa bahay ng mga kaibigan o classmates pero katako-takot na pagpapaalam muna ang kaylangang gawin sa sariling magulang bago payagan na makituloy sa kabahayan ng iba. Ang pinakamalaking pagkakaiba lamang noon ay ang isip lamang ng mga kabataan noon ay nasa pagtapos ng mga projects, pagpapractice ng sayaw o kung ano mang play o skit, o kaya ay group study na may kasamang kwentuhan at puyatan. Ano na bang nangyari ngayon? Ah, siyempre, kalayaan.

Napakalaking pagbabago talaga kapag nakatira ka na ng malayo sa magulang. Walang pipigil, walang magbabawal at lalong walang magagalit. Sabagay, kung liberal ka naman talaga ay kahit nasa puder ka pa ng mga magulang mo ay pipilitin mong gumawa ng bawal. Mas sosobra lang talaga ngayong college.

“Kapag nangulit talaga yun ha, uuwi talaga ako,” kulang na lang talaga ay higitan siya ni Jillian paalis. Nagtitinginan ang mga tao sa suot na damit ni Jill. Baligtad din talaga ang mga dalaga ngayon (oo, ‘di siya kabilang sa mga ‘dalaga’ ngayon). Kung kaylan gabi at mas delikado ay tsaka nagsusuot ng maikling mga damit. Ang dahilan naman ng mga ‘dalaga’ ngayon ay mangingitim daw ang kanilang legs dahil mainit naman at gabi lang ang tanging panahon para ibalandra ang mga ito. Manyak alert.

“Pinagsabihan ko na nga girl, tsaka mag-enjoy ka na nga lang ngayon, anu ba?” Nakataas na naman ang kilay ni Jill sa kanya,

“Anu ka? Jill alam mong hindi ako nag-iinom-“

“Hindi ko naman sinabing mag-inom ka eh. Pwede ka namang mag-enjoy ng hindi nag-iinom at gawin yung mga ginagawa namin ah? Anj, hindi naman kami B. I. oh, gusto lang namin makapagsaya ka naman.”

Napatitig si Anjeanette sa kanyang bestfriend. Tama at siya nga ang kanyang bestfriend, noon pa man. Kahit ba parang malaki na ang kanyang pinagkaiba simula nung elementary, siya at siya pa rin ang kanyang nag-iisang bestfriend. Ngayon nga lang ulit sila nagkasama ngayong college simula noong nagtransfer si Jill noong high school. Hindi nga naman B. I. sila Jill, hindi naman siya pinakelaman sa kanyang suot na simpleng pantalon at t-shirt lang. Mapapangiti siya kay Jill.

“Salamat Jill. Wag na wag ka lang magwawala dun ha.”

Natawa si Jillian, “Oo naman! Ano ba iniisip mo sa lahat ng nag-iinom, nagwawala? Tara, pasok na tayo.”

Nakatapat sila ngayon sa isang bahay na may puting gate. Pumasok sila at napansin niya agad ang maliit na bakuran nito at sari’t-saring Japanese na mga bagay (mga kakaibang paso na pamilyar sa kanya at may Japanese writings sa pintuan). Mukhang mayaman din ang nakatira dito dahil sa mga mukhang mamahalin na pader ng bahay at sobrang kintab na kahoy na pintuan. Pinindot ni Jill ang doorbell.

“Sa wakas! Makikita mo na din si Shin!” Tuwang-tuwa si Jill habang niyayapos siya. Sa totoo lang, hindi makapaniwala si Anjeanette na may Japanese na boyfriend ang kanyang bestfriend. Pwedeng pumasa sa pagiging photoshopped ang mga pictures nilang magkasama sa Facebook dahil mukhang artistahin ‘yung lalake. ‘Di naman sa nagdududa siya sa kagandahan ng kanyang kaibigan pero grabe ha, nakakita siya ng ganun dito?

Biglang nagbukas ang pinto at napataas ang kilay ni Anjeanette. Manyak alert. Si Slater ang bumungad sa kanila, may brief sa ulo at ngiting-ngiti sa kanila. Matatawa si Jill.

“Oh Jill! At...Anjeanette?”

Mapapatingin lamang si Anjeanette kay Slater habang nakataas ang kilay.

“Bakit ka may brief sa ulo?” Nakatawang tanong ni Jill sa kanya.

“Ah,” inikot ni Slater ang brief at ipinakita ang papel na nakadikit dito. Nakasulat ay sa papel ay: ‘Ipis’, “Pinoy henyo. Nabili nga lang pala si Shin, pasok na kayo Jill.”

First & LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon