The Witch and a Break Up

21 0 0
                                    

DISCLAIMER: This story does not involve any true person or relationships. This is purely out of the imagination of the writer. If you know someone with same name as the characters, its purely coincidental. Read at your own risk

Chapter 4
The Witch and a Break Up

Pinasa ni Queen ang bola sa naghihintay na maka spike na si Regina.

They're currently playing beach volleyball. Pagkatapos ng madramang comedy scene nila kanina, ay nagyaya ang nobyo nito na maglaro daw sila. Kaya hayun sila ngayon, nagpapaaraw habang naglalaro. 3vs3 ang laro. Sila ni Regina at Katie habang nasa kabila sina Dylan.

Sa totoo lang, unang kita niya sa dalawang lalaki parang nahihimatay na siya. Dapat ata lagyan ng caution ang lugar. Sobrang hot kasi ng dalawa lalo na at naka swimming trunks lng sila.

Okay, people, hindi ibig sabihin na pinupuri niya ang abs ni Dylan ibig sabihin num eh gusto na niya ito. Ina-acknowledge lang talaga niya ang kapuri puring 6pack abs nito, pati na ang msucles. Wala eh, babae lang naman suya at natatakam din.

Inalis naman niya sa isipan ang kahayokan at pinilit magseryoso sa laro. Player ata siya ng volleyball nung 2nd year niya, muntikan pa nga siyang maging captain kundi lang talaga siya tinamad at nagquit sa team nung mag3rd na siya. Nakita naman niyang naglanding ng maayos ang spike na binigay ni Regina kaya napa high five siya dito.
"10-5 na ang score. Haha ano? Laro pa tayo? Mukhang wala ng pag asa eh!" Pag aalaska niya sa mga kalaro.

Parang bata lang noh? Hayaan niyo na, minsan lang naman. Este, parati nga pala. Tumawa naman ang teammates niya habang busangot naman ang mga nasa kabila. Mga sore losers lang kasi. Hayaan niyo na, baka makarecover mamaya.

"Psh. Pure luck!" Sagot naman ni Dylan sa kanya.

Tinaasan naman niya ito ng kilay sabay sabi, "oh? Okay ka lang, Dylan? Mukhang nag iilusyon ka lang. MVP ka nga sa basketball, saan ka naman pinadpad ng volleyball?katawa ka naman!" Pang iinis pa rin niya dito.

Hindi naman totoo na hindi magaling ang lalaki. Infairness, siya itong nakapag score sa tatlo. Kawawa lang talaga at nasama niya iyong mga hindi sport enthusiastic. Kaya nilampaso nilang tatlo ni Katie ang mga ito.

Katuwa naman din kasi dahil silang tatlo pareho din naging part ng voleyball team ng schools nila. Kaya naman mas lalo atang pumasok sa isipan ni Regina na long lost sisters sila. Oh well. Hayaan nalang at hindi naman nag aamok ang babae kahit nalaman pa nitong nagkacrush siya sa nobyo nito.

And speaking of her boyfriend, tiningnan niya ang lalaki at nakita niyang pawis na pawis na ito. Pero shucks! Kahit pawisan, hot pa din itong tingnan.

Oh tukso, layuan mo ako!

"Whatever! Im done!" At walang pasintabing dumeretso sa dagat ang walang hiyang Dylan.

Hala, pikunin ang mama!

"Ano ba iyan, Queen, ginalit mo si insan. Tsk."

"Kayo talagang dalawa, mukhang may something!" Pambubuska naman ni Gracie, na parang nais lang mang inis. Revenge na din seguru dahil nalampaso namin sila.

Tinawanan naman niya ang sinabi ng mga kaibigan. "Something? Something like sinong unang makapatay sa isa kamo!"

She heard someone chuckled at ang walang hiyang matchmaker lang pala. "Bagay naman kayo ah!" wika naman ng lalaki.

Project: #MOVE ON (taglish)Where stories live. Discover now