MBGiG 07- Walang Kapalit

86 5 0
                                    

My Brother's Genie is Gay (M2M)

-07

Walang Kapalit

Jerson's PoV

Ang sakit ng ulo ko. Para akong pinupukpok ng martilyo. Iminulat ko ang aking mga mata at isang hagulhul agad ang narinig ko. Nakahawak ngayon ang taong ito sa aking kamay, may luha ang mga mata at may ngiti sa labi.

"Jerson." Napatingin ako sa babae sa harapan ko. Maganda siya at may orange na highlight ang violet na buhok. Hindi siya ang babaeng humahawak sa akin ngayon. Hindi siya ang mama ko pero maganda talaga siya.

Tama... ang geniea.. si Nataliah.

"Ayos lang ako Nataliah. Kamusta ka na? Hindi ka rin nakatiis ano?!" nakatingin lang ako sa kaniya at gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa.

"Ayos lang din ako Jerson pero gusto ko sanang hilingin sa'yo na umakto ka sa harap nila na may Amnesia." Ikinataka ko iyon kaya hindi ako nagsalita.

"Hello, Tyron. Kasama mo ngayon ang kapatid ko di ba? Papuntahin mo na siya dito! Gising na si Jerson! Sa WAKAS!!" sigaw ni Jace sa cellphone niya kaya bahagya akong napatingin sa kaniya.

"Anak, anak ayos ka na ba? Umuwi agad kami ng malaman namin mula sa tito mo ang lahat ng nangyari." alalang sabi ni mama kasabay ng pagdating ng doktor.

"Sino po kayo?" Iyan ang lumabas sa bibig ko ng tapatan ng ilaw ang mga mata ko. Alam kong ayaw ko nito pero kung konektado kami ni Nataliah, ganito rin ang nararamdaman niya.

Danger. Danger sa tabi ni Jace. Danger sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Nataliah, anong nangyayari?" tanong ko kay Nataliah habang humahagulhol si mama at hindi makapaniwala ang expression ng mukha ni Jace. Kinakausap na nila ngayon ang doktor.

"Si... Teito. Naguguluhan na ako Jerson. Dalawang Teito na minahal namin ang narito. Ikaw... at si Jarred. Alam kong imposible pero ito iyong nararamdaman ko. Norion is making his moves towards him. At hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakiusap ako sa'yo para malaman kung si Jace nga ang katawang ginagamit ni Norion o si Tyron. Sobra na akong nalilito Jerson. Hindi ko na alam ang gagawin ko!"

Kita ko ang paghawak niya sa nakapusod niyang buhok at naroon sa mga mata niya ang sakit ng pangyayaring ito.

"Hindi kita iiwan hanggang huli Nataliah. Huwag ka ng umiyak." Bahagyang nagliwanag ang mukha niya saka nagpasalamat ng sabihin ko iyon.

"Jerson, ako ang mama mo. Naiintindihan mo ba?" kita ko ang pagsasalubong ng kilay ni mama at halata kong mananapak na 'yan kapag nag-alala pa siya ng sobra.

"Jerson!" si papa iyon kadarating lang niya at.. * PAK * .. ayon na nga. Siya ang nasapak ni mama. Tumakip ba naman kaagad. Napala tuloy. "Honey naman, napaka-sadista mo ha." at bumigay na si papa.

"Ikaw naman kasi. Kita mong alalang-alala na ako lalapit ka pa! Bangasan kita dyan eh."

Si mama iyon. Ngayon ko lang sila nakitang ganiyan. Iyong totoong sila. Isang tomboy at bakla na nagawang magmahalan para sa akin.. sa akin at sa bago kong kapatid na si Kent Mike.

Sapo ng kaliwang kamay ni papa ang kaliwang mukha niya na kitang-kita ang pamumula. Alam kong sadista si mama, noong bata ako alam ko na iyon at halos pure masokista si papa pagdating kay mama. Ewan ko kung paano nila nagustuhan noon ang isa't-isa kahit na dapat ay sa same gender sila nagkagusto at hindi sa isa't-isa. Naalala ko pa nga noong bata pa ako, laging baliktad ang pakikiharap nila sa tao. Pinapakitang isa silang mabuting magulang kahit na bakla't tomboy sila.

My Brother's Genie is Gay (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon