FIREWORKS.

144 1 0
                                    

High school kami nung nakilala ko siya, kaka-transfer ko palang, e may elementary yung highschool na yun, so magkakakilala na sila. Iilan lang kaming transferee, nakakahiya nga e, maingay pa man din ako nung elementary, pero pagtapak ko sa classroom nung highschool, binansagan ako na pinakatahimik samin. Kahit hindi talaga.

Nung highschool ako nag-umpisa magsulat ng diary, kasi nga, wala akong kilala. Buti nalang kahit papano, mababait mga classmates ko kaya hindi ako inaapi. Di nga lang din ako pinapansin. Pwera sa kanya.

Ang pangalan niya ay Jessy, Jessy Raymundo, actually nickname niya lang yung Jessy, ambaho kasi ng pangalan niya. Julio Emerson Raymundo. O diba ambaho. Malamang iniisip mo kung saan galing yung Jessy, hindi ko din alam. At hindi na rin niya maalala. 

Mabait si Jessy, matalino din...gwapo pa. Hindi siya yung pinakagwapo sa batch namin...yung bestfriend niya yung pinakagwapo. Si Nathan Marquez pero ang askad ng ugali, ultimo titigan lang siya e nagagalit agad. 

Actually, dalawa ang bestfriend niya, yung isa babae, maarte at malandi, si Stella. Ewan ko, ayoko talaga sa babaeng yun, nung first year kami, since allowed ang make-up at alteration ng uniform, kay Stella yung pinakamaiksi. Ewan ko talaga dun.

So anyway, si Jessy nga lang ang namamansin sakin nung mga first week ko sa school, natural na mabait siya, pero thinking about it, Class President din kasi namin siya, kaya siguro ganun. Hindi tumagal yung pagiging tahimik ko sa room, pagdating ng third week ng first quarter, madami nakong friends.  At tsaka pinapatay narin nga pala ko ni Stella sa tingin. 

Ang chismis sakin, crush daw niya si Jessy, eh wala naman kung ano man samin ni Jessy. TH eh.

"Alex," may nagsabi bigla. Tumingin ako at nakita ko si Nathan, ayun gwapo parin. Junior nako ngayon at ako nga pala si Alex, Alexandra Fernandez, pero Alex nalang. Pag sobrang close tayo, kahit Lex nalang. 

"Oh Than, bakit? Nu kailangan mo?" sabi ko, close na kami ni Nathan ngayon, hindi na niya ko sinungitan simula nung binatukan ko siya nung nagalit kasi nakatingin daw ako kahit hindi naman. Natuwa pa nga siya kasi for once daw may lumaban sa kanya, adik ba. 

"Wala... gusto ko lang makasama ang pinakamatapang na babaeng kilala ko. Ay mali, pinakamamahal pala," sabi niya, sabay upo sa tabi ko sa may hagdananan sa labas ng classroom. Free time, absent TLE teacher namin. Eh sabay TLE namin kasi hinalo nalang yung dalawang section kasi isa lang teacher at part-time lang yung teacher nayun. Hindi na humanap ng replacement yung school. 

Hinampas ko siya ng malakas sa braso. 

 Adik ka, pag may nakarinig sayo, papatayin ako ng fansclub mo..." Nakita kong dumaan si Jessy, punta daw siya CR. Sabi ko ingat, wag siya magpakain kay Stella. Natawa lang kami ni Nathan. kasi alam naman naming magtatago silang dalawa dun sa likod ng malaking puno ng mangga sa may labas ng gym e. (Hiwalay kasi yung gym namin sa school, at may creepy na garden malapit) Si Jessy at Stella na nga pala... 4 months na sila masaya. At 4 months na rin nadudurog ang puso ko.

Naalala niyo yung sinabi kong diary? Yun, pahamak yun, nawala yung diary ko isang araw, pagkatapos kong isulat na may gusto ako kay Jessy. Yes, nagkagusto ako kay Jessy. Mga second year na nun, tapos binalik naman ni Stella, kaso gutay-gutay na parang naglabas siya ng sama ng loob sa mga sinabi ko. Sabi niya na hangga't hindi ko ipapakitang gusto ko si Jessy, hindi niya sasabihin lahat ng iba ko pang sikreto sa diary. So malamang, ayun, waley ako. Sad.

"Ui Lex, sang mundo ka na naman nagpunta?" Sabi ni Nathan.

"Sa mundo kung saang kaming dalawa lang ang nandun," sabi ko, nanlaki yung mata ko sa sinabi ko. 

"Si Mr. Right mo nanaman?" sabi niya, nagulat ako kasi parang nalungkot siya pero ewan ko kung bakit.

"Ah.. Eh... Oo." 

"Hay, kung alam lang niya kung gaano ka kaganda, kabait at kasarap kasama, siguro matagal ka na niyang inagaw samin ni Jessy," sana nga alam niya Nathan. O kaya pwede ring mabulok na si Stella. Pwede ring yun. 

"Pero habang hindi ka pa sakanya, pwede bang akin ka muna?" 

 

FIREWORKS.Where stories live. Discover now