He's my First/She's my Last - Chapter 42 - Home bound

1.5K 18 4
                                    

I'm back again readers! Did you enjoy chapter 41? Well i hope you did :) thank you for continuously reading on my updates :)  sa mga masugid na sumusubaybay sa kwento maraming salamat! Sa mga lurkers maraming salamat! At sa silent readers thank you rin! :) Hindi ko na patatagalin pa.... Heto na! :) enjoy! :D

Edward's POV

It's been almost two weeks since that day. That very last day I talked to her, but the hurt, the pain is as fresh as if it just happened yesterday.

But I should move on. I have to move on. Simula nung araw na dumating ako ng Pinas ginugol ko na ang atensyon ko sa trabaho. Nagpakasubsob ako sa trabaho. Simula pagsikat ng araw hanggang gabi. Gusto ko paghiga ko sa kama bagsak ako agad. Pero kahit anong pagpapakapagod ang gawin ko, hindi parin nun matutumbasan ang sakit na nadarama ko.

Kumusta na kaya siya? Masaya na kaya siya simula nung umalis ako?

I only want her to be happy. She deserves to be happy. Sana lang talaga inaalagaan siya nung lalakeng napili niya. He's one lucky guy.

MEANWHILE...............................

Bella's POV

Nako po jusko! Heto na talaga toh! Tama ba talaga tong desisyon kong umuwi? Shunga ka Bella! Ngayon ka pa alanganin kung kelan ilang sandali nalang lalanding na ang eroplano!

Kinakabahan ako. Nako sana lang talaga di masayang ang effort ko. Kung bakit kasi di nalang sumabay umuwi sina Erica at Enzo eh! Speaking of the two lovers... Ano kayang balak ng dalawang yun? Bigla akong napangiti ng maalala ko ang dalawa.

*FLASHBACK

Pagkatapos ng araw ng pagbubunyag, inayos ko agad ang mga papeles ko at nagpaalam sa boss ko for a vacation.

On my home bigla kong nakasalubong si Erica.

"Erica... Is that you?"

Nabigla siya.

"Oh Bella!"

"Ikaw nga!" Pa-excited na sigaw ko at sabay kaming nagtititili sa gitna ng daan.

"Bruha ka! Bat ngayon ka lang nagpakita huh?"

"Ahh... Ehhh kasi ano... Ano kasi... Maraming pinapaayos yung boss ko."

"Sobrang kabusy-han naman ata yan. Ni tawag o text wala? Grabe! Aminin mo nga, siguro nakahanap ka ng boylet dito noh kaya wala kang time para makipagkita?"

Bigla namang namula ang pisngi niya sa sinabi ko.

"Aha! Sino yan huh?!"

"Ano ka ba. Wala lang siya." Tipid na sagot niya

"Sus! Ang sabihin mo masyado kang malihim. Ganyan ka na ngayon ahh." Pagtatampong sambit ko.

"Uyyy hindi ah.... Hindi ko lang talaga siya pwedeng maipakilala sayo."

"At bakit naman aber?"

"Basta. Long story."

"Mahaba haba ang oras ko kaya shoot! Handa akong makinig."

"Mahaba talaga yung kwento eh."

"Jusko! Huwag ka ng mag-inarte. Tara't malakad lakad habang ikinikwento mo yang lovelife mo."

"Sige na nga."

At tsaka niya isinalaysay ang buong nangyari nung araw ng convention hanggang sa gabing iyon..... Ang gabing pinagsaluhan nila ni Enzo. Buong tapang niyang ipinagtapat sa akin ang lahat. 

"Ano ng balak mo ngayon?" tanong ko

"As of now. Wala. Pipilitin kong kalimutan ang lahat ng nangyari kabilang ang chonggong yun!"

He's my First/She's my Last (COMPLETED)Where stories live. Discover now