Chapter 15.2

9.9K 338 19
                                    

Chapter 15.2

Winter

'Crimson Bridge'

Yan ang mababasa mo sa bungad ng malaking arkong nakatayo dito sa lugar .I just frowned. Pagkakita ko sa lugar .Masyadong maraming tao dito ,kahit san ka lumingon may nagbebenta din para itong bazaire sa itsura dahil sa dami ng pwedeng bilhan. Bridge ? Eh palengke to eh..

Nasa ganon akong pag iisip ng marinig ko ang tawanan ng kambal at ni Bleeze kaya agad akong napatingin sa kanila at napataas ng kilay.

" Nakakatuwa ang itsura mo Winter! ahahahaha" malakas na tawa ni Dylan. Nakita ko naman halos lahat sila tumatawa nga pati si Clyd pasimpleng ngumingiti din .At tumingin sya sakin kaya umiwas ako ng tingin dahil sa naalala ko yung eksena sa train buti na lang hindi nakita ng iba dahil inalis nya din yun bago tumingin .

"Tapos na kayo? " tanong ko ng medyo humupa na ang tawanan.

"Sorry! Winter nakakatuwa kasi ang itsura mo ng makita ang lugar .I guess you expect something at hindi ganito inaasahan mo " nakangiting sabi ni Seya.

"I expect bridge hindi bazaire " sagot ko naman .Kaya tumawa ulit sila ..

"Wag kang mag alala nasa dulo yung Crimson Bridge talaga . And parte lang to ng lugar kung san tayo makakabili ng kung ano- ano " Seya .Kaya tumango na lang ako .

"Oh taray na pasok na tayo at bumili ng kung ano ano ",masayang sabi ng kambal kaya pumasok na kami .

Halos nilibot at pinasok lang namin ang lahat ng madaang naming tindahan.Ang kambal lang ata pinakatuwa dahil halos lahat ng pasukin namin bumibili ito ng kung ano-ano.

Puro weapons ang mabibili mo sa lugar na'to .Paliwanag kasi nila karamihan ng mga mages ay gumagamit nun dahil para mas lalong mapalakas ang fighting skills nito.

"Oh Winter yun na yung Crimson bridge!" Malakas na sabi ni Bleeze kaya naman tumingin ako sa direksyon na tinuro nya.

Medyo naaninag na nga mula ito ang sinasabi nilang tulay.

"Saglit lang!, may bibilhin lang ako sa tindahan na yon ,bago tayo dumetso sa bridge" sabi ni Kyzel kaya naman tumingin kami dito at sa tindahan na tinuro nya. Kaya naman pumunta muna kami dito sa huling tindahang sinasabi ni Kyzel. Pero bago ako makapasok sa shop ay may napansin ko ang isang parang antique shop sa gilid nito.

Kaya imbes na sumunod sa kanila ay pumasok ako sa shop na iyon. Ibang iba ito sa lahat ng shop na napasukan namin kanina bukod sa parang ibang aura ang nakapalibot dito puro libro ,Lumang gamit at larawan ang makikikita mo sa loob . Nilibot ko ng tingin ang buong loob ng lugar hanggang may mahagip ang mga mata ko sa isang bookshelf na may isang layer sa pinaibaba nito ang nag iisang libro lamang ang laman.

Agad akong lumapit dito at kinuha iyon.Luma na iyon at ang cover nito ay isang snow flakes.Binuklat ko ang unang pahina ngunit wala naman itong laman kaya nilipat lipat ko ito hanggang dulo pero wala naman akong nakitang nakasulat hanggang dulo.

"Gusto mo ba yang libro?" Gulat ako napatingin sa may likuran ko at nakitang babaeng nakasalamin at nakatayo malapit sa'kin. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatango .Ngumiti naman ito sa'kin.

"Ang tagal na kitang hihintay dito sa shop ko" sabi nito kaya tiningnan ko syang mabuti.Kung hindi ako nagkakamali parang sing edad nya lang nito si Tita Olivia o Mama

"Alam kong ikaw lang nararapat sa librong iyan kaya sana ingatan mo.I know wala pa yang laman ngayon pero now a days you will discover the mystery and the contents of that book " sabi nito.Magtatanong pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at ninuluwa si Clyd.

Arteya Academy: The lost magic princessWhere stories live. Discover now