Chapter 4

2.7K 60 4
                                    

Joey Miranda

Lumabas ako agad ng ampunan at nakita ko ang isang pamilyar na kotse. Lumingon lingon ako sa paligid pero mukhang ito yung kotseng sinasabi ni Sheila kung nasan yung pinsan niya. Lumapit pa ako ng bahagya pero mukhang hindi ko naman makikita yung nasa loob dahil tinted ang bintana nito.

Lumapit pa ako ng maigi sa bintana at tinignan ng mabuti yung loob pero wala namang tao kaya naisipan kong tignan ng mabuti ang paligid. Lumingon lingon pa ako.

"Wala namang tao... Nasan na kaya yung kuya ni Shey?" Tanong ko sa sarili ko. Hmm...

Pero gulat at inis ang bumungad sa akin ng mapalingon ako. Feeling ko kumulo lahat ng dugong dumadaloy sa mga ugat ko. Bakit?!

Dahil nakita ko lang naman ang plate number ng bestfriend ni Shey! Sorry for cussing this time... hindi ko madalas gawin to kaya pagbigyan niyo na ako. Punyeta talaga! Ito yung plate number ng driver na nagpaligo sa akin ng baha.

"Excuse me miss?" Rinig kong may nagsalita mula sa likod ko. Sandali lang baka makasapak ako... Kalma Joey... Kalma ka muna...

Lumingon ako ng nakangiti. Ganito itsura ko nung lumingon ako ^__^ pero ng tignan ko kung sinong nakita ko -___- ang naging itsura ko... at mukha niya? O___O ang panget niya. Mukha siyang tarsier.

"Ikaw ba may ari ng kotseng to?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Kalma ka muna Joey hanggang hindi ka nakakasigurado.

"Ano naman kung sa akin yan?" Iritado niyang tanong sa akin. Loko to ha.. Kung siya naiirita ako nabwibwisit na! Ang kapal ng mukha niya!

"Alam mo, ang bastos talaga ng bibig mo no?" Sabi ko sabay ngisi. Nakakainis na tong bwisit na to feeling niya gwapo siya? Pwes mukha siyang tarsier na puro eyebags!

"Anong ginagawa ko sayo?! Alam mo ang taray mo." Sabi niya sa akin. At ako pa ang mataray?! Wow. Bilib naman ako sa apog ng mokong na to. Pero sige kakalma muna ako.

"Anong ginawa mo sa akin? Wow nagtanong ka pa. Obviously alam mo naman kung anong ginawa mo sa akin! Bastos!" Sabi ko naman sa kanya.

Magwawalk-out na dapat ako ng hawakan niya ako sa braso at hinila ako pabalik sa kanya.

"Dito ka ba nakatira?" Tanong niya sa akin kaya napataas naman yung kilay ko.

"Ano naman kung dyan ako nakatira?" Pagtataray ko naman sa kanya. Binalik ko lang sa kanya yung sinabi niya kanina.

"Kaya pala..."

"Kaya pala?"

"Kaya pala iniwan ka dito ng mga magulang mo... Kase wala kang kwentang tao."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam anong nangyari sa akin at parang naging bato ang buong katawan ko. Ang sakit nung sinabi niya kahit alam kong hindi naman talaga totoo yun. Hindi naman ako iniwan ng mga magulang ko dahil namatay sila... at hindi dahil wala akong kwentang tao.

Feeling ko anytime iiyak na ako pero pinilit kong hindi nalang magalit. I clenched my fist. Kalma Joey... Kalma ka lang...

Siguro hindi ko kayang pakalmahin ang sarili ko this time.

Sinampal ko siya at ikinagulat niya yun.

"Wala kang alam tungkol sa akin, o tungkol sa mga magulang ko. Ni hindi mo nga alam kung anong pangalan ko kaya wala kang karapatan para husgahan ang buong pagkatao ko."

Tumalikod ako at tuluyang umiyak. Napahawak ako sa dibdib ko, wag ngayon... hindi niya ako pwedeng makitang mahina...

Pero mukhang hindi ko na kakayanin kaya nanlambot ako...

At biglang nalang nagdilim ang paningin.

Charles Piamonte

Nakakainis talaga tong babaeng to! Pakialamera na saksakan pa ng taray. Pero dito ba siya nakatira? Sa ampunan? Tss. Kaya siguro may ugaling di mo maintindihan...

"Dito ka ba nakatira?" Tanong ko sa kanya at tinignan niya lang ako.

"Ano naman kung dyan ako nakatira?" Pagtataray niya sa akin. Loko tong babaeng to ha... matabil din ang dila!

"Kaya pala..." Tss..

"Kaya pala?"

"Kaya pala iniwan ka dito ng mga magulang mo... Kase wala kang kwentang tao." Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko at nasabi ko yan. Umakyat ata ang dugo sa utak ko at yan ang sinabi ng bibig ko.

Nakatingin lang siya sa akin at hindi mo mawari kung anong gagawin niya.

Lumapit siya ng konti sa akin at...

Sinampal ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya napahawak ako sa pisngi ko... Alam kong sumobra yung sinabi ko pero hindi niya ako kailangan sampalin.

"Wala kang alam tungkol sa akin, o tungkol sa mga magulang ko. Ni hindi mo nga alam kung anong pangalan ko kaya wala kang karapatan para husgahan ang buong pagkatao ko."

Yan ang sinabi niya sa akin bago siya magwalk-out ulit.

Nakatalikod siya sa akin ng bigla siyang huminto.

Anong nangyari dun? Bigla bigla nalang humihinto...

Napaatras ako ng isang hakbang dahil baka tadyakan naman ako sa susunod ng babaeng ito pero mukhang hindi yun ang mangyayari...

Bigla nalang siyang hinimatay...

Uy konsensya ko to kapag may nangyari kaya naman napatakbo ako sa kanya. Tinapik-tapik ko yung mukha niya...

"Uyy miss? Gising..." Sabi ko sa kanya habang tinatapik-tapik siya... Binuhat ko na siya dahil wala na akong choice.

Pumasok ako ng ampunan at sinalubong ako ng isang madre.

"Jusme, anong nangyari kay Joey!?" Wow. Yung totoo, madre to? Makapaghisterical ha...

"Nahimatay po kase..." Sabi ko nalang... Angalan naman sabihin kong inaway ko siya.

"Bilisan mo dalhin mo na siya agad sa clinic..." Sabi naman niya sa akin.

Tinuro nila sa akin yung clinic ng makasalubong ko si Shey kasama ang dalawang bata.

"OMG! What happened to Ate Joey!?" Isa pa tong maarteng to.

"Shey manahimik ka muna pwede?! Kailangan na siyang madala sa clinic!"

"Ate Shey kukunin ko lang yung gamot ni Ate Joey!" Madaling sabi nung batang lalake tsaka na siya tumakbo at nilagpasan ako. Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko para maibaba ko na siya.

Buti nalang karating namin ng clinic ay may doktor.

"Doc..." Sabay lapag sa kanya sa kama.

"Anong nangyari kay Joey?" Sabi nung doktor. Bakit ba parang alalang-ala tong mga to? Kahit si Shey nagaalala e.

Lumapit yung madre kaya umatras na ako.

Lumabas na rin ako ng clinic... siguro naman hindi na nila ako kailangan...

Millionaire's LoverWhere stories live. Discover now