CHAPTER 21

1.9K 58 0
                                    

JUSTIN'S POV

Damn! hindi ko mahagilap si Mariel. Galit siya sa akin. nag-away kami kahapon dahil doon sa babaeng lumapit sa akin doon sa pizza parlor. Hinalikan ako nung babae samantalang hindi ko naman siya kakilala. Elise -Ella - o kung ano man ang pangalan niya. hindi ko maaalala kahit nga yung mukha niya hindi ko maalala.

Shit! Shit! Hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko. ako ang may kasalanan kung bakit galit sa akin itong si Mariel. Kung hindi lang talaga ako lapitin ng chicks eh wala sana kaming away ngayon. Aish! Bakit hindi niya maintindihan kasi na sa kaniya ako seryoso at past is past.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya pero wala subscriber cannot be reached. Sa inis ko natapon ko yung cellphone ko sa sahig kaya ayun basag. Shit! Bakit ba ako nagkakaganito? Ganito baa ng feeling ng in love? In love na ba talaga ako kay Mariel?

Buwiset namang buhay 'to!

Tatlong mahihinang katok ang nakaagaw ng pansin ko. bumukas na naman kaagad ang pinto ng kuwarto ko. si Ate Jessa at si Kuya Jessie. Mas matanda si Ate Jessa ng dalawang taon kay Kuya Jessie.

"Oh, ang lungkot naman ni bunso!" kaagad akong niyakap ni Ate Jessa.

"Ayan kasi ang lakas ng loob magpaiyak ng babae. Ayan tuloy siya ngayon ang umiiyak." Sinimangutan ko lang si Kuya Jessie. Oo siya na ang one woman man! Ako na ang hindi. Five years na siyang kasal sa one and only na naging girlfriend niya na si Andromeda. Childhood sweetheart yun ni kuya. Ilang beses silang naghiwalay pero in the end sila pa rin ang nagkatuluyan.

"Tss... G*go ka rin talaga, Jessie! Kita mo na nga na malungkot si Justin." Patuloy pa rin sa pagyakap sa akin si Ate. Every Saturday ay nasa bahay sila upang makasama sina Mama at Papa. Kasama siguro ng mga ito ang mga pamangkin ko.

"Kung g*go ako. mas g*go siya." sabi ulit ni Kuya Jessie.

Kaya naman binatukan na talaga siya ni Ate Jessa.

"My Justin! Si Kuya at Ate ang bahala sa'yo. Hindi matatapos ang araw na walang mangyayaring maganda. Okay?" she smiled and winked.

Pag si Ate talaga ang nagsasabi sa akin ay kaagad na gumagaan ang loob ko pero sana kung ano man ang plano ni Ate ay sana magkabati na kami ni Mariel.


MARIEL'S POV

Nakakainis talaga! babaero! Buwiset! hindi ako umuwi ng boarding house kagabi. Sa bahay ako ng parents ko ngayon. duh! ginaya ko si Lanie na hindi natutulog sa boarding house pag galit pero hindi ko kayang matulog sa hotel o kahit sa inn kasi nagtitipid ako noh!

Napansin pa nga ni Nanay na umiiyak ako kagabi. Buti na lang hindi ako inusisa ni Nanay. Si Tatay naman ang nagalit at kung ano ano ang tinanong sa akin. nag bo-boyfriend na ba daw ako. hindi ko naman boyfriend si Justin, manliligaw pa lang pero puro sakit na lang ang dulot niya sa puso ko. huhuhu...

Kung sino man daw ang lalakeng iyon na nagpapaiyak sa akin na hindi ko pa daw boyfriend ay huwag daw magkakamaling pumunta sa bahay dahil ililibing daw siya ng buhay ni Tatay sa mismong lupa na kinatitirikan ng bahay namin.

Super sexy at ganda nung babaeng humalik sa kaniya kahapon at sa lips pa talaga humalik. Hindi puwedeng sa pisngi lang? Aish! Bakit ba kasi ako nagkagusto sa babaerong iyon. Kakainis.

Tinawagan ko si Jeff pero mukhang ang saya saya niya. hindi ko tuloy siya makausap ng maayos. Si Lanie naman umuwi sa kanila. kung nasaan man siya ngayon ay mukhang sunog na ang mga kasama niya dahil isa rin ang babaeng iyon ang hindi makausap ng maayos mukhang may malaking problemang kinakaharap pero ayaw naman niyang magsabi.

The Nerdy Girl is My Step Sister (COMPLETED)Where stories live. Discover now