Chapter 8

244 20 17
                                    

Audrey's

Nakabalik na kami dito sa Headquarters madaming sugatan. As Usual may mga namatay.

Hanggang ngayon di parin ako maka get-over kanina! Yieee... Kinikilig yung lola niyong maganda.

Kanina nakausap ko si Petra. May lihim daw siyang pagtingin kay Levi. Pero di ako affected ha? Nung naging sila Angelo at Yna ng Pangako Sa'Yo di man ako kinilig eh,

Pumasok lang ako sa silid ko.. May sketchbook pala ako?

Makapag doodle na nga lang!

LEVI ACKERMAN, yan yung di-noodle ko. Tas design, design! Tapos naaaa!

Ba't si Levi? Di ko rin alam eh.

Namimiss ko na yung Bestfriend ko! Huhuhu... Sharmaineee! Miss na kita!

Magawan ko nga yun ng doodle.

Next, si Mikasa.

Ang sama ng pakiramdam ko.. Sobra.

Kinapa ko yung noo ko. Mainit. Yung leeg. Mainit. Yung kilikili kong mabango. Sobrang init.

Nahihilo din ako.

"OLIVERRRR!"

Tapos may narinig akong tumatakbo. Fun Run teh?

"Ano Audrey? May Sunog? May Holdaper? Kidnapper? Magnanakaw? Aso? Ipis? Daga? Multo? White Lady? Kapre? Tikbalang? Sirenang lumilipad? Titan na nag haharlem shake?" Tanong ni Oliver na parang nagrarap na.

"Oliver! Naman eh! Penge Biogesic?" Sabi ko

"Bakit?" Tanong niya.

"May lagnat yata ako eeehhh.." Sagot ko..

Kinapa niya yung leeg, noo at wala na. Alangan naman papahawak ko sakaniya kilikili ko!

Binigyan niya na ako ng biogesic. Buti naman.

Ininom ko na yun at humiga na sa kama ko.

Tapos ang daming pumasok sa kwarto ko.

"Ano nangyari sa'yo?" Tanong ni Levi.

"Wala kang pake." Sabi ko. Dahil pabebe kami sa mga video namin! Haha..

"May lagnat siya Levi Heichou." Si Petra na yung sumagot. Wait, pano niya nalaman?

"Ah.. " sabi nila. Tapos umalis na sila.

Tapos pumasok sila Oliver at si Nikko. Anong gagawin nila?

"Anong ginagawa niyo dito?" Ako

"Wala lang!" sagot nila.

Inirapan ko nalang.

"Uy Audrey!" sigaw ni Nikko.

"Oh?"

"Babalaaaa, asawa ni?"

"Nikko ~_~" Sabi ko nalang.

"Sama mo!"

"Alam ko."

"Oy! Audrey, kain ka muna." Sabi ni Oliver.

Yiee! Sweet naman ni Oliver oh! Buti pa siya may pake. Ako wala na. Di ko alam kung bakit. Baka nahulog sa kanal.

May dala pala siyang, Porridge? Baka Cerelac. Gusto ko nun eh..

AY! Porridge nga.. Gusto ko pa naman ng Cerelac! Huhuhu

Natapos na akong kumain at pinatulog na ako ni Oliver.

Ano kaya kakantahin ko para makatulog ako?

Kumakanta ako sa isip ko bago ako matulog eh.

Micronutrient Deficiency labanan natin to~ mag bearbrand araw araw (ow yeah!) kaya natin to!~

Makatulog na nga!

Zzzzz.....

Levi's Love Story (Attack on Titan)Where stories live. Discover now