Chapter 23

12.7K 268 7
                                        

Chapter 23

Renesmee Marie's P.O.V.

May narinig akong mahinang katok sa aking kwarto. Dumating na ang oras na ayokong maganap. Pakiramdam ko'y tila isa akong kandilang unti-unting natutunaw. Para akong kriminal na hinatulan ng bitay sa pamamagitan ng lethal injection at naghihintay na lamang ng itinakdang oras ng kamatayan. Pilit kong tinakpan ang aking bibig upang pigilan ang pag-alingawngaw ng anumang ingay dulot ng aking pag-iyak. Ayokong marinig nila ang pagtangis ko. Gusto kong ipakita sa kanila na matatag ako.

"Renesmee, we're leaving. Stop crying like a baby. Fix yourself and we'll be waiting for you downstairs," sambit ni Liloree.

Nakaramdam ako ng inis nang marinig ko iyon mula sa kanya. Bakit ganoon kadali sa kanya na sabihin ang mga bagay na iyon?

Napatingin ako sa bintana ng silid ko. Hindi nakalaylay ang kurtina noon dahilan upang mas maramdaman ko ang malamig na hanging nagmumula sa labas. Narinig ko ang malakas na pagkulog sa labas na sinundan pa ng malakas na buhos ng ulan. Muli na namang bumalik sa aking alaala ang araw kung kailan una kaming nagkakilala ni Sol. Iyon 'yung araw na iniwan niya ako sa kalagitnaan ng ulan dahil ipinagamit ko na kay Aliyah ang taxi na sinasakyan ko.

"Sol...mami-miss kita...sobra," bulong ko.

Tiningnan ko ang aking itim na maleta. Bago ko iyon tuluyang kunin, dahan-dahan ko munang pinunasan ang aking luha at umarte na tila ba walang nangyari. Kung aalis man ako ngayong gabi, gusto kong lisanin ang lugar na ito nang walang bahid ng luha ang aking mga mata. Gusto kong umalis na hindi umiiyak ng dahil sa sino man. Gusto kong ipakitang wala akong dahilan para umiyak. Pilit akong ngumiti habang binubuksan ang pinto ng aking kwarto. Pagbukas ko nito ay agad na bumungad sa akin ang mga bodyguards ko na lahat ay nakaluhod.

"Young Lady, patawad," saad nila habang umiiyak.

Iniiwas ko ang aking tingin sa kanila at humarap sa ibang direksyon. Bakit sila nakaluhod? Bakit sila pa ang humihingi ng tawad sa akin? Hindi ba dapat ako ang humingi ng tawad sa kanila? Dahil sa akin, wala na silang trabaho ngayon.Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha. Subalit ilang sandali pa'y natigilan ako nang makita ko si Liloree habang nakatayo sa hagdan at pormal na nakatitig sa akin.

"Alalayan niyo siya sa pagbaba. Hinihintay na siya ni Lolo kanina pa," utos niya sa mga bodyguards ko at saka agad na umalis at bumaba ng hagdan. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang siya'y bumababa. Masakit mang isipin subalit kailangan ko na lamang tanggapin na ang luha at sakit na nararamdaman ko ngayon ay dulot mismo ng aking kakambal.

Habang bumababa ako ng hagdan ay agad na bumungad sa akin ang mahabang pila ng lahat ng tauhan sa palasyo. Lahat sila ay nakatungo lamang habang hinihintay ang pagbaba ko. Sa gitna nila ay nakatayo naman ang sakim na matandang walang ibang alam gawin kundi ang gawing miserable ang buhay ng ibang tao. Katabi niya si Itay na kasalukuyang nakatitig sa akin at hindi kakikitaan ng anumang ekspresyon sa mukha. Nakita ko rin si Inay subalit hindi siya tumitingin sa akin. Naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Alam kong sobrang sakit para sa kanila na makita ang aking pag-alis. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Hinding-hindi ako iiyak sa harapan ng matandang ito. Hinding-hindi.

Pagkababang pagkababa ko ay agad akong niyakap ni Inay at tuluyan na siyang napahagulgol sa balikat ko.

"Marie, susunod kami roon ng itay mo, okay?" umiiyak na saad niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad ko siyang niyakap at tuluyan na rin akong napaiyak sa balikat niya. "Inay, 'wag niyong kakalimutang ilagay sa maleta niyo si Pandak papunta niyo roon ha?"

LET ME BE THE ONEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن