Chapter 2 : They meet

7.4K 221 5
                                    

EDITED!!!!


<Charlotte's point of view>

"Oy, tama na 'yan. Nakakahiya na oh, pinagtitinginan na tayo rito," sabi ko sa kanila.

Inalis din naman nila kaagad ang pagkakayakap sa akin at kala mo ay kung sinong mga professional na nag-ayos ng kanilang damit. Muntik na akong matawa at buti na lang talaga ay napigilan ko dahil kung hindi, siguradong makakatanggap ako ng batok mula sa dalawang 'to.

"Grabe, akala naming may darating talaga na ibang tao. Who would have thought na ikaw pala 'yun! Hindi mo naman kaagad sinabi." Umupo si Yannie at kaagad na nagpanggap na parang walang nangyari.

"Hoy, Yannie, huwag kang mag-emote riyan. Hindi bagay sa 'yo ah!" Ngumisi si Rhean.

"Hindi ako nag-e-emote, gaga!" sagot naman sa kaniya ni Yannie.

Ganoon pa rin naman talaga ang eksena naming tatlo lalo na nilang dalawa. Palagi pa rin silang nag-aaway. Talaga nga naman, oo. Pero kahit na ganiyan 'yang dalawang iyan, wala pa ring tatalo kapag inaway mo sila.

"Tama na 'yan," pagsusuway ko sa kanilang dalawa at na-upo na rin naman ako. "Maiba tayo, may tanong ako. Saan kayo nag-aral?" tanong ko sa kanila saka ko inilagay ang siko ko sa mesa para maalalayan ang ulo ko.

Wala naman kasi akong alam sa nangyari sa kanila simula noong naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Wala ring mga school na tumatanggap sa mga diyosa, charot. Well, part of it.

"Hmm~" Napatingin ako kay Yannie. "Actually, hindi rin kami rito nag-aral for the last three years. Gaya mo, wala rin tumanggap sa aming dalawa. Biruin mo 'yun?" natatawa na sai ni Yannie at napangisi naman ako.

Sabi na nga ba at wala ring tatanggap sa dalawang 'to. Bukod kasi sa Hokusen Academy, wala na talagang nagtiyaga sa amin. Hindi naman kami mababait dati pero 'di rin naman kami masasama gaya ng inaakala ng iba.

"Oh? Saan naman?" tanong ko ulit sa kanila.

Baka kasi sa ibang bansa pa 'tong mga 'to nag-aral.

"Sa Mitsuyuki Academy sa Japan ako nag-aral. Noong umalis ka kasi ay napagdesisyunan na rin naming ni Rhean na umalis. Yah know how boring it is when one of us are missing, right?" Nangalumbaba naman si Yannie habang nakatingin sa akin at nakangiti.

Tumaas tuloy ang kilay ko. "Oh? Wait, parang pamilyar sa 'kin," sabi ko at napaisip naman ako. Oh, oo nga pala. "E 'di pala kalaban ng school mo 'yung school na pinasukan ko."

Oo, sa pagkakaalala ko mayroong kalaban ang school na pinasukan ko at isa na roon ang school na binanggit ni Yannie na pinasukan niya. Siyempre alam ko ang tungkol doon dahil palagi akong kinukulit ng mga teachers naming sumali sa laban lalo na kapag isa na roon ang Mitsuyuki Academy.

"Huh? Ano ba ang school mo sa US?" taka na tanong sa akin ni Yannie.

"Royal Academy," sagot ko.

Napatango na lamang siya dahil alam niya na magkalaban talaga ang school naming dalawa. Tumingin kami kay Rhean na busy makinig sa usapan naming habang iniinom ang kaniyang shake.

"Ikaw Rhean?" tanong ko. "Saan ka nag-aral?"


"Jung Academy," maikli niyang sagot. Kaagad naman na alam namin kung ano ang ibig sabihin noon. "Oo, alam ko, magkalaban ang school nating tatlo."

Napapalakpak naman si Yannie. "Astig! 'Yung tatlong sikat na magkakalabang school ay 'yun pa ang nasalihan at napag-aralan nating tatlo!" she said while grinning from ear to ear. Napailing na lang kami ni Rhean dahil alam naming na na-excite silang dalawa.

Still you,waiting and Still Loving You (♥complete♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon