Remembering my Mr. Famous 2

167 19 14
                                    

"Ano ka ba naman mama, nag jo-joke lang naman ako eh." Sabi ng hans na toh kay tita, agawin pa man daw ba bigla yung phone ko.

"Nasa car po kami ngayon! Uuwi-" Di ko na natapos ang sunod kong sasabihin kasi bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ano ba naman mama nasa kotse kami kasi-" Putol na sabi niya mukhang di niya alam ang sunod niyang sasabihin ngunit nagulat na lang ako ng bigla siyang tumingin sa akin at nag smirk. "Magda-date po kasi kami sa bahay."

Nagulat ako ng sabihin niya yun. Pinipilit kong tangggalin ang kamay niya sa bibig ko kaso wala eh lalake siya at ako isang simpleng babae lang.

"Hindi dun sa kasama ko kayo ni papa na bahay, sa bahay ko po talaga." Sabi pa nito kaya ayun pilit ko ulit tinatanggal ang kamay niya sa bibig ko.

"Syempre pwede naming magawa yun." Bigla niyang sabi na dahilan nang pagwawala ko. Anong sinasabi niyang magawa ah! Anong gagawin namin ah!

"Ah sige mama wild na tong kasama ko, bukas na kami uuwi. Bye aray!" Gulat kayo ba't siya na pa aray nuh. Well kinagat ko lang naman ang letche niyang kamay na nagtakip sa bibig ko lalo na at nainis ako ng sinabi niyang bukas pa kami uuwi.

"Akin na yang phone ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayoko nga, baka tawagan mo lang ulit si mama." Sabi niya sabay lagay nang phone ko sa kaliwang bulsa niya. Eh nandito ako naka upo sa kanan so obvious naman na di ko makukuha yun. Kainis!

Pero may mga bagay akong naalala di pa naka start ang kotse kasi may tinetext pa siya sa pho niya, itinigil niya kasi yung kotse nung sumigaw ako bigla. Buti nga eh nasa may gilid lang siya nagmamaneho. Then di ko naka seat belt so di ako makakagawa ng suspicious thing. Ang gagawin ko na lang ay tanggalin ang auto lock ng kotse na ito at tumakbo paalis dahil desperada na talaga akong ipaayos yung phone ni mama. Tinignan ko muna kung saan banda ang unlock button nang makita ko na ay sinigurado ko naman na di matatanggal ang bag ko the sumigaw ako na....

"Ibigay mo na yang phone ko!" Sigaw ko na kinagulat naman niya kaya napatigil siya sa pagte-text at masamang tumingin sa akin.

"Diba sabi ko wag ka-"

"Wag akong sisigaw kasi magkatabi tayo, oo alam ko paulit ulit ka lang eh." Sabi ko bago pa man niya sabihin ang unli sentence niya na wag akong sumigaw.

"Akin na kasi yang phone ko." Sabi ko at bigla sugod tapos punta sa may kaliwang bulsa niya. Means lang nito ay naharangan ko ang bandang harap niya at clinick ko ang unlock button tapos dali daling lumabas. Nagulat ata sa ginawa ko at ngayon niya lang narealize na nakalabas na ako ng kotse niya nang nakatakbo na ako ng medyo malayo sa kotse niya.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Rinig kong sigaw niya, lumingon ako at nakita ko na papasok na siya ulit ng kotse niya. Naku sigurado akong balak niya na harangan ako gamit ang kotse niya then pag naharangan sabay baba at habol sa akin at sure ako na magiging success yun dahil medyo malapit na ako pag nangyari nun compare sa malayo na distansya namin ngayon. Waaahhh di niya ako pwedeng mahabol!

Dali dali kong tinignan kung may taxi man o kahit anong jeep na parating kaso puro kotse at saka ko lang napansin ang entrance papuntang park ang pagka-kaalam ko ang end ng park na toh ay nasa harap ka na ng mall! Kaso madili itong lugar at di ko nakuha ang phone ko na may flashlight at dahil sira itong phone ni mama di ko rin magagamit. Wala akong flashlight na dala pero kung tutuloy pa ako sa daan na ito (kung saan ako siya tumatakbo ngayon) at di pupunta sa park mahahabol ako ng walang hiyang hans na yun na parang may balak pa atang gawin sa akin.

Loving That PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon