Chapter Six

2.5K 75 3
                                    

Chapter Six


Hindi ko na kailangang sabihin pa kay Chase kung sino ang tinutukoy ko. Bukod sa alam na niya kung sino eh lumabas na din ito ng ladies room. Nilagpasan niya lang kaming dalawa at tuluyan na siyang naglakad palayo.

"Bumalik na tayo sa loob," yaya sa akin ni Chase at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Hindi ako babalik. Wala na ako sa mood pumasok. I'll just skip class."

"Shine, please. Hindi ikaw ako. Wag mo akong gayahin na nagsskip ng class. Bumalik na tayo," pilit niya.

"No. I cant. Trust me, hindi ko rin maiintindihan ang lesson kahit umattend ako."

"Kahit na, at least hindi ka aabsent."

"No Chase. I've made up my mind. Nakapili na ako."

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at nagdiretso sa kabilang building kung saan malapit ang mga malalaking puno. Pagdating ko may ilang estudyante na naglalakad at ang iba naman ay nakatambay lang sa lilim ng mga puno.

"Bagalan mo nga ang paglalakad. Ako ang nahihirapan sayo eh!"

Lumingon ako at nakita kong sumunod pala siya sa akin. Nahihirapan? Eh sa tangkad niyang yan imposibleng hindi niya ako maabutan.

"Sino bang nag-utos sayo na sumunod ka sa akin?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa din ako sa paglalakad. "Bumalik ka na sa classroom."

"Ayoko. Boring doon. Wala ka eh," sagot niya.

"Right. Wala ka kasing mabubully," sabi ko na lang.

Kailangan kong pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.

Nang marating ko ang isang malaking puno na bakante, umupo ako sa may damuhan.

Nagtext ako kay Chloe at sinabing hindi muna ako aattend ng klase.

Umupo sa tabi ko si Chase.

"Kapag may nakakita sa atin dito, baka magalit sayo si Thalin," sabi ko. "Selosa pa naman ata yun?"

"Hindi naman," sagot niya.

Sumandal ako sa puno. Sumandal din siya.

"I miss this," sabi ni Chase.

Tiningnan ko siya. Nakapikit ang mga mata niya. Im glad hindi niya nakikitang tinititigan ko siya. Ang gwapo gwapo pa rin niya kahit nakapikit siya. Ang pula pula pa ng labi niya.

Namula naman bigla ang mukha ko nang bigla siyang nagmulat ng mata at para akong isang suspek na huling huli sa akto. Huling huli niya ako na nakatitig sa mga labi niya.

"May pagnanasa ka saken noh?"

"Kapal mo ha!" singhal ko at binatukan ko siya. Narinig ko pang umaray siya kahit mahina lang.

"Joke lang naman. Grabe ka Shine, napakabilis pa din ng kamay mo! Nagbibiro lang naman ako. Ikaw kasi, titig na titig ka saken. Pero alam ko naman na hindi ka magkakagusto saken. Alam kong hindi ako ang tipo mo."

Ha! Sabi ko na eh. Mali talaga si Chloe. Anong sabi niya? Matalino si Chase? Eh ang engot oh!

"At kailan mo pa nalaman ang tipo ko, aber?"

"Kilala ko lahat ng lalaking nagugustuhan mo, Sunshine."

Hmp. Hindi kaya! Sablay ka na nga kanina eh.

"At bakit mo naman alam lahat?" mataray kong tanong.

"Eh failed lahat eh," sagot niya.

"Eh di ikaw na nga ang may perfect relationship! Sorry ha. Wala nga kasi atang lalaking para sa akin."

"Grabe ka naman sa sarili mo. May lalaking para sayo. Maniwala ka. Wag ka kasing atat!"

"Excuse me Mr. Chase Rodriguez, hindi po ako atat."

Tumawa na naman siya. Babatukan ko na talaga ulit to!

"I really like it when you say my full name," sabi niya habang nakangiti ang mga mata niya.

Hindi na ako nakasagot kasi nagsisimula na namang magtraydor ang puso ko eh.

"Alis tayo dito," yaya ni Chase.

"Bakit? Saan naman tayo pupunta? Sa classroom? Ayoko nga dun eh."

"Hindi. Basta. Sumama ka saken."

Lumayo ako ng konti sa kanya.

"Ayoko nga! Oy Chase isusumbong kita sa Kuya ko. Lagot ka talaga dun. Badtrip pa naman yun ngayon," pananakot ko sa kanya.

"Ano bang iniisip mo? Wag ka ngang madumi mag-isip dyan. Gusto mong lumipad diba?"

Wow. Alam niya yon? Natatandaan pa niya yon? Dream ko kasi yon noong bata pa lang ako. Sabi ko noon kay Kuya gusto kong lumipad sa tuwing makakita ako ng airplane or ng ibon.

"Sabi mo pa nga noon, gusto mong maging saranggola noong nagpapalipad kami ni Sean. At halos mamatay kami sa kakatawa sayo. Lahat na lang ng lumilipad gusto mong maging ganun. Ilang taon ka ba noon? Five or six?"

Damn. Natatandaan pa nga niya.

"Halika na. Maaga pa naman," yaya niya.

"Ayoko. Hindi naman tayo close eh bakit ako sasama sayo?" pagtataray ko.

Nagpakawala siya ng malakas na halakhak.

"Close close ka dyan! Halika na!"

Sa totoo lang gusto ko naman sumama sa kanya kaso ayoko naman isipin niya na close kami at ganun niya ako kaagad mapapasama. Si Kuya ang kaclose niya. Hindi ako.

May tiwala naman ako kay Chase. Diba sabi ko nga I feel safe on his arms. Alam ko naman na wala siyang intensyon na masama sa akin kaya nga siguro lalong nadagdagan ang paghanga ko sa kanya. Magpapakipot muna ako ng very light para hindi obvious na gusto ko nga magpunta sa pupuntahan namin.

"O sige, ganito na lang. Hihingi tayo ng sign," sabi niya.

I looked at him at kumunot ang noo ko.

"Ay hindi ka nga pala naniniwala sa sign. Ganito na lang, ako na lang ang hihingi ng sign," pagtatama niya.

"Ano naman ang hihingin mo? At talagang naniniwala ka dyan ha?" tanong ko and this time nakataas na ang isang kilay ko.

"Kapag may nalaglag na tuyong dahon within one minute, aalis tayo."

See? Ang lame ng hinihingi niya. Napakadali. Pssh.

"Ang korni ha," bulong ko.

"At least may idea ako."

"Whatever," sagot ko at inuntog untog ko ng mahina ang ulo ko sa napakalaking puno.

Makatulong kaya to para pumatak ang tuyong dahon?


************************************************************************************

Vote and Comment kung nagustuhan. Salamat po :)

~youramnesiagirl


Chasing The SignWhere stories live. Discover now