♥ Epilogue ♔

214 15 10
                                    

"Ma'am Trisha, ready na po ba kayo?"  

~ Trisha's P.O.V ~

Napatingin ako sa salamin.. Tinignan ko ang sarili ko at ngumiti.. "Yes, I'm ready" 

Unti-unting nagbukas ang pintuan at duon, nagpakita sina mama. "Wow! Ang ganda naman ng anak ko!" nilapitan niya ako at hinalikan sa pisngi. "Happy 18th birthday, anak" ngumiti ako..

2 taon.. 

Dalawang taon na ang lumipas simula nang mangyari iyon.. Nang malaman ko ang katotohanan at.. nakilala ko si Josh. 

Nginitian ko si mama at binigyan siya ng halik sa pisngi. "Thanks ma" nginitian niya ako. 

Sa loob ng dalawang taon, maraming bagay ang nangyari.. 

Sa loob ng dalawang taon.. maraming nagbago.. Una na diyan ay ang pagka-ayos nina mama at papa.. hindi na sila nag-aaway at nagising na sila sa katotohanan... Nalaman na nila kung ano ang totoo at sobrang nalungkot si mama nang malamang, tunay pala nila akong anak. Bigla siyang lumapit sakin at niyakap ako, yung yakap na.. hinahanap-hanap ko.. mula sa isang ina. 

"Anak!" bigla namang pumasok sa loob si papa at niyakap din ako. "Grabe, dalaga ka na talaga!" parehas kaming natuwa ni mama dahil sa sinabi ni papa at, nagkangitian kami.

Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng kaligayahan ang nararamdaman ko basta ang alam ko, masaya ako.. Masaya ako kasama ng pamilya ko.. At isa pa sa mga bagay na ikinasaya ko ay ang malamang buntis si mama na, magiging ate na ako... magkakaroon na ako ng kapatid.. 

Sobrang saya nina mama nang malaman ang balitang ito at siyempre, masaya din ako para sa kanila. Mula sa tabi ko ay bigla akong napatingin kay ate at ngumiti. Nilapitan ko siya at, hinawakan.. 

Alam mo ba ate, magiging ate na din ako?. Ayaw mo nun?. Parehas na tayong ate?. Natuwa ako sa sarili ko at napangiti habang tinitignan ang sarili kong kumakausap sa isang rosas, puting rosas. Ito ang nag-iisang natitirang alaala sa akin ni ate, Napakahalaga nito sa akin at, pinapangalagaan ko ito.. Lagi ko itong tinitignan bawat araw at sinisigurado kong, nakangiti ito. 

Bigla saking napatingin sina mama at, nilapitan ako.. "Anak, alam ko.. Kung nasan man ang ate mo ngayon, masaya siya para sayo. Masaya siya para sa atin" nginitian ako ni mama at sinabing.. "Sigurado akong, payapa na siya kung nasan man siya ngayon" 

Ngumiti ako. Tama si mama. Muli akong napatingin sa bulaklak at hanggang ngayon, tila nakakapagtaka parin dahil, buhay pa rin ang rosas na ito. Na kahit ilang taon na ang lumipas, buhay pa din ito.. Na para bang.. buhay na buhay pa din si ate sa tabi ko.. Nginitian ko lang si mama at, nilapitan naman ako ni papa. "So, ano?. Ready ka na ba, anak?" 

Ngumiti lang ako. Muli kong inilapag si ate sa vase at hinarap si papa. "Opo, handa na ako" 

***

"Ladies and Gentlemen, please welcome.... Ms. Trisha Anne Dela Cruz!" 

Malakas na nagpalakpakan ang lahat.. Lahat sila ay nakatingin lamang sakin, nakamaskara at.. nakatitig sa akin. 

Dahan-dahan akong bumaba.. Nakangiti kong hinarap sila at binati. 

"Our debutant!" 

My Pet PrinceWhere stories live. Discover now