Chapter 8

1.6K 29 6
                                    


_Nichole's POV_

"You are my Home, Nichole" -Miko

Hindi ko maintindihan bakit paulit ulit na nag re-replay sa matalino ko utak ang mga sinabi ni Miko. Tapos ito puso ko patuloy na nagtatalon talon iyon tipo ayaw huminto, kaya nga kanina muntik ko na yayain si Miko e daan ako sa hospital kung hindi lang niya hinawakan ang kamay ko at tsaka hinalikan. Napasinghap kase ako sa ginawa nya, then I realize na .. na..

Kinikilig lang pala ako.

"So paano, sunduin kita bukas?" Sinasabi niya ito habang nakahawak sya sa batok nya na wari nahihiya.

Napangiti ako ng palihim lalo na nung makita namumula ang mistiso nito mukha.

"Miko"

"Y-yes?" Nauutal pa talaga siya haha. Ganon ba talaga ako kaganda? Well, yes.

"Bakit ka namumula?" Pang asar ko at mas lalo ako natawa ng bigla siya tumalikod sakin.

"Hindi ako namumula ah" Ngayon parang pinapaypay niya ang pulo nito sa kanya.

"Ayiee ayaw pa umamin eh kahit tumalikod ka pa nakikita ko na namumula ang tenga mo" Agad niya tinakpan ang tenga niya at tumingin sakin na parang hiyang hiya. Kahit Kailan, ang cute talaga ni Miko kahit noong nerd pa siya.

" Don't stare at me like that para hindi mangyari sakin ito"

"Eh" hindi ko naintindihan. Napabuntong hininga siya at parang hopeless na tumingin sakin.

" I think, wala talaga ako maitatago sayo" unti napawi ang mga ngiti ko nung sumeryoso ang tingin niya at boses.

"Ano ba ginawa mo sakin?" Napaatras ako nung nag step forward siya.

"Hindi ako ganito Nichole"
Napangiti ako.

"I know" alam ko. Dahil admirer mo na ako noon pa. Ang tagal mo din ako pinaghintay, Nerd .

"But I'm happy na maging ganito ako, because of you" kakanta na ba ako ng because of you my life has change? Gosh! Kinikilig ako.

"I love you, Nichole" -Miko. I smiled. Ayaw ko magsalita. Kahit gusto ko sabihin o e pagsigawan I love you too. Wag na muna baka mawala ang poise ko. Kanina pa ako nagpipigil ng kilig dito para hindi sumigaw sa sobrang kilig.

"Always remember that I love you, ikaw lang, my home"- Miko. Napakagat ako sa labi. Pigilan mo, pigilan mo. Huwag Ka magpahalata sobra kinikilig ka na.

I just nodded.

Oo, iyon lang. Feeling ko kase sasabog ang puso ko sa sobrang pagmamahal ni Miko.

"Ah w-wala ka ba sasabihin?" Nahihiya tanong nito. Umiling lamang ako at parang medyo nalungkot sya makita wala man lang ako violent reaction.

"O-okay, sunduin kita bukas, Good night" at dahan dahan sya tumalikod sakin. Pero muli siya humarap na parang may inaabangan salita galing sakin. Mas lalo ako nagpigil na hindi matawa. I just wanna tease him.

"Bye" kumaway siya at muli tumalikod, sumulyap ulet ito.
Noong nakita ko siya parang nalungkot , sumuko na agad ako sa pag trip sa kanya. Hindi ko siya matiis kahit biro lang naman.

"Miko" tawag ko at nakangiti ako lumapit sa kanya. Niyakap ko siya sa leeg niya.

"Ano tagalog ng expensive?"

"Why? A-ahm mahal"- Miko. Nakikita ko naguguluhan siya sa tanong ko.

"Eh ang income?"

"kita?" Mas lalo ako napangiti at natatawa sa sarili ko. Miko, ang corny ko na dahil sayo.

"I love you too" humiwalay na ako sa pagyakap sa kanya. Nakita ko naguluhan siya noong una pero ng nagets na niya, napailing iling Ito at natawa.

"Nichole" natatawa pa ako ng makita ang confuse niya mukha na napalitan ng pamumula na nakamarka sa buo niya mukha. Napatakbo ako ng bigla Ito lumapit sakin.

"Hahaha peace!" Na gets niya ata pinagtripan ko siya kanina hahaha. Miko, why are you so cute? Ayan tuloy nahulog ako.

May AIDS ako?! [ONGOING STORY] by JwrittenWhere stories live. Discover now