Chapter 17

97 11 6
                                    

Marcus POV

Damn!

Asan na sila? What the heck is going on in this island?

Kung alam lang namin na may killer dito edi hindi na sana kami nagpunta dito.

FUCK!!!

Gulong-gulo na yung utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. What if... What if tama nga yung sinabi ni Mae Ann? What if...si Lei... NO, NO!!! Wag naman sana Lord. And sana maayos lang din ang lagay nilang lahat..

*leaves rustling*

Ano yun?

"Sino andyan?" sigaw ko pero walang sumagot. Baka hangin lang iyon.

*leaves rustling*

"Sino sabi andiyan eh? Lumabas ka." Tumingin ako sa likod ko dahil doon nagmumula yung tunog pero wala pa ring sumagot. Nang mapagtanto kong wala naman kahit ano doon ay humarap ako pero sakto namang nakita ko ang mukha ng kaibigan ko at kasunod noon ay ang malakas na paghampas sa mukha ko. At tuluyan na akong bumagsak sa lupa.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jansed's POV

Nagising ako at naramdaman ko ang sobrang kirot sa ulo ko.

Pagmulat ko ng mata ay narealize ko kaagad na nandito nanaman ako sa room na pinanggalingan ko.

Bakit andito ako?

Ang alam ko nakatakas na ako kasama si Ruben. Si Ruben! Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko sya makita. Nakita ko pa ang kalunus-lunos na sinapit ni Angelica at muntik na ako masuka dahil sa hitsura nya.

Nasa loob sya ng tangke at kung anu-anong insekto ang nasa loob non at tila ba kinakain sya. Lapnos na ang balat nya at may mga parte pa na umuusok. Tila ba sinunog ito o sinabuyan ng asido. Di ko na kinaya kaya iniwas ko na ang paningin ko sa kanya.

Sana nakatakas si Ruben at nakita nya ang iba naming kaibigan para masabi sa kanila na may killer dito sa isla. Sana makatakas ang mga kaibigan namin. Siya na lang ang pagasa ko na makatakas at mailigtas ang mga kaibgan namin. Lalo na si Pauline.

Oh no...

Si pauline. Naalala ko ang pagbagsak ng katawan nya sa lupa. Hindi kaya... pero wala naman sa kwarto na ito si Pauline. Sana nasa maayos lang siya na lagay.

Habang nagiisip ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nilalang na nakahoodie at nakamaskara. Katapusan ko na ata...

Tulungan niyo ako.....

"Well, well, well. Looks like the Queen Bee is back to her senses."

"What?"

"Maganda ka lang pero bingi ka. Ano? Sayang naman."

Did she just call me Queen Bee? Yung mga estudyante lang sa pinapasukan kong school ang nakakaalam niyan. Unless....

"Hmmmm.. Lemme guess. Based on your facial expressions, you just realized something that is not possible. Like, hmmmm.. Me knowing you are a Queen Bee? Well girl, don't be surprised. After all, we are both attending the same school."

Hindi nako makapagsalita dahil sa sinabi niya.. Pero wala nang ibang taga-university ang andito sa isla bukod sa aming..... magkakaibigan.

"Wow! You're expressions are really amusing. Seems like you've figured it out huh? Well, since you are going to die here, might as well show you kung sino ako."

Dark SecretsWhere stories live. Discover now