FAMOUS NERD 24.2

3K 76 3
                                    

Tapos naglakad na siya palayo saakin. Dapat diba masaya ako? Kasi sa wakas, pinakawalan na niya ko. Yes kasi maiiwas ko siya sa sakit pero....hindi eh. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Kumikirot ang puso ko na parang tinutusok-tusok ng maraming karayom.

Si Stanley...nakatalikod at naglalakad palayo. Palayo saakin at palayo sa buhay ko, paano na kaya ako?

Kusang naglakad ang paa ko palapit sakanya at kinontian ang distansya namin sa isa't-isa. Totoo pala yung sinabi nilang, kung hindi kaya nang-isip mo ang katawan mo ang kusang gagalaw.

Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya mula sa likod.... di ko kayang lumayo siya sakin, di ko siya kayang pakawalan. Bahala na....bahala na ang daloy ng buhay kung anong mangyayari saamin basta ang alam ko...

Gusto kong manatili sa tabi ko ang kaligayahan ko.

"Stanley...don't go please!" basag na sabi ko.

Ni-lock ko ang mga daliri ko sa bewang niya at sumandal sa likod niya habang umiiyak.

"Sorry...I'm so sorry. Don't leave me please..."

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sakanya kasi hindi siya nasagot saakin. Ayaw na niya ba saakin? Talaga bang suko na siya?

"Stanley? Talk to me please..."

I plead as my cry became louder. Nahihigpitan ko na masyado ang hawak sa kamay ko nang hawakan niya ito at iharap ako sakanya.

"Tell me...why?"

Titig na titig siya sa mata ko at ganun din ako. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko. Napalunok ako at napatigil sa pag-iyak.

"Huh?"

Ewan ko. Hindi ko na alam ang nangyayari. Basta ang alam ko. Hinabol ko siya nung aalis na dapat siya.

"Bigyan mo ko ng magandang rason para manatili sa tabi mo..."

Rason? Anong rason? Bakit? Natatanga na ko.

"Kasi...kasi kailangan kita sa buhay ko"

Parang may kusa ang bibig ko at nasasabi ko ang nasa puso ko. Ewan ko. Ano na bang nangyayari?

"Coleen..."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. B-Bakit? Ayaw niya ba saakin? Iiwan na niya ba talaga ako?

"Dito ka lang sa tabi ko..."

Huminga siya ng malalim bago niya alisin ang kamay niya sa balikat ko at lumayo saakin.

"Stanley..."

Nagsimula na naman umagos ang luha ko ng makita ko siyang unti-unting naalis. Ayaw na niya ba? Ganun na lang yun? Tama nga ang sabi nila, lahat ng ginawa mo babalik sayo.

Hanggang dito na lang kami? Wala pa nga kaming nasisimulan tapos na agad? Ang tanga-tanga ko talaga.

Mabagal akong naglakad sa direksyon niya. Nanghihina na ko, napapagod na ko at higit sa lahat nasasaktan na ko. Bakit kung kelan ako na yung nalapit tsaka siya nalayo? Ang hirap pala maghabol.

"Stanley!"

Sinigaw ko yung pangalan niya pero mas binilisan niya ang lakad kaya ganun din ang ginawa ko.

"Stanley!"

Tumakbo na siya kaya tumakbo na rin ako. Gusto ko siyang mahawakan kasi pakiramdam ko paghindi namin naayos 'to ngayon. Wala nang bukas para saamin.

"Ahhh!"

Ang laki mong tanga Lizzie Coleen! Napahawak ako sa bukong-bukong ko at hinimas-himas.

Ang love parang pagkadapa yan...kahit anong gawin mo hindi mo maiiwasan masaktan kasi tatanga-tanga ka.

She's The Famous Nerd Where stories live. Discover now