#KMSDPCLEBFansDay

1.1K 26 0
                                    

Faith's Point Of View

Napalunok ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko dun sa sinabi niya. Well, hindi naman yata kailangan ng sagot dahil hindi naman iyon tanong. Pero, kaseeeee naman eh! Nakakaloka na 'to. Tagal na niyang sinasabi saakin yun pero same lang nagiging reaction ko. Tapos natatameme ako.

What should I say?

"Hoy! Tama na yan. Halina kayo!" Thank God! Yayakapin ko talaga si Kaiser mamaya. Ngayon lang may ginawang tama para sa akin tong pinsan ko eh.

Bumitaw naman si Gab sa akin chaka ako inalalayan tumayo. Hindi naman awkward yung atmosphere. Well, sanay na yata siyang hindi ko sinasagot mga Iloveyou's niya sa akin. Maybe, darating din kami dun. Hintay-hintay lang. Chaka bata pa naman kami.

Nakalabas na kami at nakita naming naghihintay na silang lahat doon. Pero, nandoon pa rin ang iilan sa mga fans namin. Malamang ay hinintay talaga kami. Wala namang problema saamin yun. Mas masaya kung kasama namin sila sa shopping galore namin.

"KYAAAAAH! Hi Faith!"

"GAAAAB!"

"CLEB!"

Kumaway naman kami ni Gab sa kanila. We don't want to be rude. Pinabayaan namin silang lumapit saamin. We took photos again. Hindi sila nagsasawa saamin eh. Hehe! Well, I'm so thankful dahil hindi nga sila nagsasawa saamin. At sana wag.

"Are you guys coming with us?" Tanong ko sa kanila. Lahat naman sila ay um-oo. Well, I guess this will going to be super fun.

"Sure. Let's go then?" Aya ko sa kanila. Masaya naman silang sumama saamin. Iilan sa kanila ay nakalibot na saamin ni Gab. Ang dami nilang tinatanong saamin.

"Sino po ang mas tulog mantika sainyo?" Tanong ni Asha sa akin. Siya yung President ng fansclub namin ni Gab.

"Si Gab. Walang nakakagising niyan kapag tulog dahil nananapak minsan." Nagtawanan naman silang lahat. Busy lang yung barkada makisama sa iba.

"Sino naman ang mas malakas kumain?" Tanong naman ng isa.

"Si Miracle. Lakas kumain niyan eh. Kahit ano na lang maisip kainin, kakainin." Sagot ni Gab. Siniko ko naman siya. Grabe 'to! Hindi naman ganun kalala.

"Sino naman ang moody?" Tanong nanaman ni Asha. Hahahaha! Parang interview lang 'to mga bregs.

"Si Miracle. Grabe kaya yung mood swings niyan." Sabi nanaman ni Gab. Nako, kinurot ko tuloy sa tagiliran. Napaaray naman siya. At oo, aware kami na napakaraming camera ang nakatutok saamin. Pero, wala akong pake dahil nangigigil ako kay Gab.

"Ang perfect niyo talaga together." Komento nung isa. Ngumiti naman ako sa kanya. Well, I took that as a compliment.

"Sino naman ang mas sweet?" Tanong nung isa. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Gab. As in eye to eye. Ipinulupot niya yung kamay niya sa bewang ko at mas inilapit pa ako sa kanya. Tilian tuloy silang lahat. Walanghiya talaga tong lalaking 'to.

"Syempre ako." Sagot ni Gab chaka hinalikan ako sa pisngi. Grabe naghahampasan na yung iba sa kilig. Nagtitiliian na rin sila. Para na silang nakawala sa mental hospital.

"Hoy! Minsan naman ako. Pero, I admit, madalas siya ang mas sweet saaming dalawa." Pag-amin ko chaka nagpout. Kinurot naman ako sa ilong ni Gab. Kilig nanaman tuloy silang lahat.

Natutuwa ako na sobra nila kaming mahal. Sobra silang affected saamin ni Gab. And, they're our soldiers. Sila nagtatanggol saamin against the bashers. Pero, pinapahalaanan din namin sila na huwag na lang papatol. Para walang away. Ayaw kasi namin nun. And, Kuya DJ taught us how to handle those bashers. Pabayaan lang daw.

Kuya mo si Daniel Padilla?! [Completed!]Where stories live. Discover now