45th Heartbeat - When Green Takes Over, Game Over!

3.3K 45 12
                                    

Habang karga-karga pa rin ni Joseph si Mika at binabaktas nila ang likuran na daan ay palinga-linga namang nagsasalita si Joseph.

                                              

Joseph: Naalala mo pa dati MikMik? gusto kong maalala mo sana ulit.

Flashback:

Mika: SephSeph Iiwan mo ako? Bakit?

Joseph: MikMik,Kailangan kong umalis pero babalik ako.

Mika: Hihintayin kita,hanggang sa muli kang magbalik at muli kitang makita.

End of flashback

Joseph: At ito na nga ako MikMik nagbalik na ako.Hindi ka ba masaya?

Hindi sumagot si Mika sa tanong ni Joseph…

Habang si Jeron naman ay mabilis na nagtatakbo ng makita niyang nadakip ang mga tauhan ng kumuha kay Mika.Nung nakuha na ng isang pulis ang isang tauhan ay sinunggaban niya ito.

Jeron: Nasaan ang girlfriend ko?

Tauhan: *tumuro* Nandoon sila doon sila sa likod dumaan..

At sinunod na nga ni Jeron ang sinabi ng lalake,napaharurot siya ng takbo para masundan na nga niya sina Mika.

Karga-karga pa rin ni Joseph si Mika,kinagat ni Mika ang kamay niya kaya’t nabitawan niya ito sa pagkakarga,kinaya ni Mika na makatakbo papalayo sa chopper na sana’y pagdadalhan ni Joseph sa kanya.

Joseph: MikMik,bumalik ka dito.

Mika: Hindi ako sasama sa’yo.

Joseph: Diba Mahal mo Ako? Diba nangako ka sa akin na hihintayin mo ako.Ngayon nandito na ako,pwede na tayong magkasama ulit at bawiin yung mga sandaling di tayo nagkasama.

Mika: Sinabi kong hihintayin kita,dahil naging mabuti din kitang kaibigan.Naging crush kita dati Joseph,pero mga bata pa tayo nun 1st year high school pa lang ako at hindi yun lumampas pa sa higit pa.Hindi umabot sa punto na minahal kita,isa lang ang lalakeng mahal ko si Jeron yun,mahal na mahal ko siya! Una at Panghuli! Ang Green Guy at Irog ko! Pls. Joseph sana maintindihan mo.

Tumakbo ulit si Joseph at nahabol nito si Mika tapos ay kinarga ulit ni Joseph si Mika at tuluyan na niya talaga itong isasakay sa chopper.

Joseph: Hindi MikMik sasama ka sa akin,sa ayaw at sa gusto mo.

Mayamaya isang lalake ang sumigaw at agad yung ikinagulat ni Joseph.

Jeron: Hindi mo ba narinig ang mga sinabi niya? Ayaw niyang sumama sa’yo,hindi ka niya mahal dahil ako ang mahal niya.

Y.O.L.O (You Only Love Once) Jeron-Mika ~ Thomas-Ara FanFiction [Completed]Where stories live. Discover now