Chapter 2-2

54 0 0
                                    

NAKITA NI CLIFF na naging malikot ang mga mata ng dalaga.

"If you're doing this for yourself, then I'll be glad to help, but if you just want to get even for what happened with Christian, forget it. As I have said, the world won't stop spinning just because one guy stopped liking you. Sa tingin mo ba lahat ng lalaki sa panlabas na anyo mo lang ang titingnan?" pangaral niya.

"That's one factor. And it's beside the point. I want to change my image, Cliff," she said firmly without looking at him.

Napabuntong-hininga siya. Mukhang desidido na nga ang dalaga na baguhin ang imahe nito.

"Okay, I will accompany you tomorrow. Susunduin kita dito. 'That okay with you?"

"Yes, thank you, Cliff," nakangiti nitong tugon.

Matapos nilang kumain ng tanghalian ay umalis na sila papuntang Tagaytay kung saan naroon ang flower farm ng mga Villagonzalo.

"Hija! Mabuti nadalaw ka," salubong ng ina ni Clifford sa kanila.

"Oo nga po, Tita Ruth. High school pa ho kami ni Lalaine nong huling dalaw ko rito. Mabuti na lang po at naisipan ni Cliff na isama ako rito ngayon," anang dalaga habang nakipagbeso-beso sa ginang.

"Nagmumukmok na naman po kasi sa kwarto niya, Ma, kaya kinaladkad ko na papunta rito. Para na rin po mainitan naman kahit konti yong balat niya. Ang putla na ho, o," nagbibirong saad niya.

"Makabubuti nga 'yong lumabas ka paminsan-minsan Faith. 'Wag kang masyadong magpakaburo sa bahay. Sige ka, hindi ka makakapag-aasawa niyan. Sayang ang ganda mo, Hija," susog ng ginang.

Nakita ni Cliff na saglit na natigilan ang dalaga sa sinabi ng kanyang ina.

"Ah, Ma, I'll show Faith around. Marami na ring nagbago rito."

"Oh, please, Hijo. I will join you in a minute. May tatapusin lang ako rito sandali."

Iginiya niya ang dalaga sa taniman ng mga rosas.

"Pagpasensiyahan mo na si Mama sa sinabi niya."

Matagal bago ito sumagot. "Hindi naman siguro imposibleng makapag-asawa ako, Cliff, di ba?" baling nito sa kanya.

He studied her under his gaze. Pilit niyang binabasa ang ikinikilos nito. And he was not surpirise to see loneliness in her eyes. Bumaba nga yata lalo ang confidence level ni Faith nang sa halip na makuha kay Christian ang vote of acceptance sa simpleng gayak nito ay na-in love kay Leah ang binata.

"Bakit mo naman naisip na hindi ka na makakapag-aasawa?"

"For the very obvious reason that I haven't been in a romantic relationship since birth."

"But you still have a long way to go. Bata ka pa, Faith."

"Bata pa ba sayo ang twenty-five, Cliff? Nasa marrying age na ako pero ni minsan di pa ako nagka-boyfriend o naligawan man lang. And my chances of having someone to love me the way I am is one in a million. Aminin mo man o hindi, unang napapansin ng mga lalaki ang panlabas na kaanyuan ng isang babae keysa ugali. Kaya nga gusto kong magsisi why I lived by Lola Erlinda's ideals on being a true dalagang Filipina my whole life. Ngayon ko na-realize na I can still be old-fashioned without compromising my looks. Hindi naman malaswa if I'll show some skin, di ba? Kahit siguro ikaw ang maging boyfriend ko, you'll still prefer a sophisticated girlfriend over an unfashionable hag. Aminin mong masasaktan ka rin kapag pag-uusapan at pagtatawanan ako ng mga tao if I go on a date with you na balot na balot at mukhang nerd."

He was caught offguard by what she had said. Hindi niya malaman kung isasatinig ba ang hangaring makita ulit ang dalaga sa mala-Prinsesa nitong hitsura noong eighteenth birthday nito. Ang tagal din niyang hindi nakatulog ng maayos nang dahil lamang sa isang araw na transpormasyong iyon ng dalaga.

"I want the people to remember me as the beautiful princess during my eighteenth birthday, Cliff. Kung hindi lang ako masyadong na-convince sa ideals ni Lola Erlinda I'd have changed my image right then and there," dugtong agad nito na wari'y nabasa ang naiisip niya. "I know natatakot ka that I'm doing this because of Christian. What for? Para akitin siya? Do you think magagawa ko iyon sa kanila? Kapatid ko pa rin si Leah."

Ginagap niya ang kamay nito. "I'm sorry if I doubted your intentions, Faith. Ayoko lang na mapahamak ka. Marami ka pang hindi alam and... you're just way too innocent."

Nginitian siya nito. "I know, Cliff," anito. "Pero, di ba, that's why you're here? You'll help me face the realities of life. Hindi ko nga siguro kakayaning harapin ang masalimuot na mundo nang mag-isa but if you will be with me for a while, I'm sure hindi ako mapapahamak. I just want to become ready if ever ma-meet ko na ang prince charming ko."

"Uh-uh."

"At ikaw ang magtuturo sa akin about dating and courtship."

"Are you serious?"

"I am, Cliff. Gusto mo bang manatili akong naïve na madali lang malilinlang ng mga mapagsamantalang lalaki?"

"What do you want me to do then?"

"Be my exclusive date for a while. 'Tapos ituro mo sa akin ang iba't ibang strategy ng mga lalaki sa panliligaw."

"Kailangan pa ba iyon?"

"It's not necessary for me to have a real boyfriend to experience the joy of having one, right?"

Napailing-iling siya sa kalokohang naiisip ng dalaga. "I'm not really convinced with this scheme, Faith."

Napasimangot ito. "Kung ayaw mo akong tulungan, then I will ask the first available man to do the job for me. I'll pay him for that."

"That's blackmail. Alam mong hindi ko gugustuhing mapahamak ka at baka iyon ang mangyari kapag hindi ako pumayag," angil niya.

"Then you don't have a choice but to help me with this," ang pilya nitong tugon.

Napaungol siya sa kawalan ng magagawa. Tila yata biglang nawala ang konserbatibong dalaga na kilala niya mula pa pagkabata. Ang nakikita niya ngayon ay isang desperada at malungkot na dalaga.

Mapapatay talaga kita Christian, for making Faith act this way, gusto niyang isigaw.

"Mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan ninyo, Anak" anang boses mula sa kanilang likuran.

"Kanina pa po kayo riyan, Ma?"

Napangiti ang mama niya. "Don't worry, Hijo, I didn't hear anything. Halina kayo, ililibot ko kayo sa buong farm."

Clifford felt relieved as his mother joined them. At least, hindi mapo-focus sa dalaga ang buong atensiyon niya. Masyado na kasi siyang involve sa problema nito. Hindi niya sigurado kung ano ang tamang gawin. Though he wanted to help her, there was this small voice inside of him telling him to not even think about it. Na para bang sinasabi na may hindi magandang outcome ang ginawa niyang pagpayag.

"Thank you so much for showing us around, Tita Ruth. I'm really glad nakarating ulit ako dito after so many years," ani Faith.

"Magpapaalam na rin ho kami, Ma."

"Uuwi na agad kayo? Why not stay for the night? May munting salu-salo kami ngayong hapunan kaya dito na kayo kumain. Hindi ba kayo napagod sa mahabang biyahe at magbibiyahe na naman kayo pauwi? Summer vacation naman kayo, Hija, so wala kang alalahanin. At ikaw, Clifford, don't tell me may trabaho ka bukas. Please, give yourselves a break, mga anak," litanya ng ginang.

Nagkatinginan ang dalawa. "Eh, wala ho akong damit na dala, Tita," si Faith ulit.

"That's not a problem, Hija. May mga damit diyan ang kaibigan mo na puwede mong magamit," anito. May ibinulong din ito sa dalaga.

"Ba't may pabulong-bulong pa po kayo, Ma?"

"Wag mo nang alamin. It's a girl thing."

Nagkibit-balikat na lang siya. Nagpatiuna na siyang tinungo ang malaking bunkhouse ng flower farm.


Miss Conservative (Published under Bookware Publishing Corp./MSV)Where stories live. Discover now