Chapter 11 na Gagsti!

28.4K 1K 42
                                    

Okay this is really Nataniel Delim on the right >>

___________________________________________________________________________

Ang ini-imagine ko nun pagpasok sa library, may sarili kaming table na para lang sa aming lima tas dun na nakalatag lahat ng reading materials, laptops for internet updates, whatever. Hindi ko naman ini-expect na makikita ko ang mga bago kong kaibigan doon sa table ng mga tukmol, nakikipagkwentuhan!

“Uhm, girls? Ano ginagawa nyo?” agaran kong tanong papuntang table nila Alexander. Nakatalikod kasi sila sa akin at nang marinig ang boses ko, napalingon, pero hindi nagulat. At c’mon! Ini-expect kong magugulat sila.

“Natalie!” sambit ni Dimples ng pangalan ko sabay akbay sakin palapit sa table; nasa akin ang tingin ni Alexander. Kung akala nya magui-guilty ako sa ginawa ko sa kanya, magjoke na si NoyNoy, di mangyayari yun!

“Bakit ba kayo nandito!? Alyanna!? ‘Kala ko ba mag-aaral tayo?” reklamo ko, awkward na awkward na sa lugar ko.

“Wala lang! Nakikipag-usap lang kami kay Alexander. Hindi mo naman sinabi sa aming napakagwapo pala!” Tinignan ko si Alexander habang pinupuri sya ni Dimples; kita ko gusto nya naririnig nya. Tss. Laki ulo.

“Great! Now nakipag-usap na kayo! Tara na! Hanap na tayong table!” hila ko sa kanila palayo sa mga lalaking yun.

“Wait. Natalie, magsorry ka muna sa kanya.” Ani Dimples. And instantly, it snapped me. My ego is in danger. There’s no way na magso-sorry ako sa kanya? Gagsti! Sya ang magsorry sakin.

“Dimples, kung anumang sinabi sayo nitong bakulaw na to at ng kanyang mga disipulo, wag nyo basta-bastang pinaniniwalaan. Just-just tignan nyo mukha nito. Ito- lalo na itong lalaking to.” Duro ko sa katabi ni Alexander, yung nagsabi sa aking supladang manang. “Yang mukhang yan paniniwalaan nyo? I cannot believe this.” Pa-face palm kong sambit.

“Don’t worry Alex!” ani Dimples habang tinutulak ko sila palayo sa table. “Magso-sorry rin yan sayo! Medyo mahiyain lang kasi yan.” Pag-iingay nito na syang kinatawag pansin ng librarian.

“Quiet!” hampas nya sa desk nya.

“Ayan!” natawa ako ng napagalitan si Dimples. Nasa left hemisphere kami ng library, apat na table mula sa bakulaw. Initially, di ko napagtanto kung bakit sila nagsisiunahan makaupo. Pero nung naupo na ako, duon ko lang nalaman.

“So siguro pag nakisuyo akong makipagpalit ng pwesto di nyo ako pagbibigyan ano?” tanong ko sa kanila, ngayong alam ko na, alam na alam ko na kung bakit magkakatabi silang nakaupo sa opposite ko. Gusto nilang ma-awkward ako sa presensya ni Alexander.

“Tumpak.” Ani Emily na may kasama pang kindat. And just when they thought mako-kontrol nila ako sa ganyan. Tignan ko na lang kung di nila ako habulin at kung di sila makipagpalit sa akin ng pwesto pag lumabas akong library.

Diva-ish  mode activated.

“Wuy Natalie san ka pupunta?” tanong ni Alyanna.

“Babalik na ng kwarto. Sige, bye.”

Pinigilan nila ako. Hehe! Ako –matatakot nila!? In the end, nakipagpalitan si Emily sakin. Sumama si Loraine kay Alyanna sa paghiram ng mga reading materials habang ako’y naupo kasama ni Dimples na ngayo’y nakatutok sa laptop.

“Natalie tignan mo to.” Tawag sakin ni Dimples habang nagty-type sa keyboard. Pinihit ko leeg ko palapit sa kanya at nakiusyuso sa screen.

“Alexander Verano – SINGLE. Loves reading, writing, basketball, marathon.” Ang bigkas ni Dimples, giving much more emphasis sa word na SINGLE. Like I would even care. Nagfa-facebook hunting si Dimples. I cannot believe this. Sa lahat pa ng ihu-hunt yung bakulaw pa. Pero I must admit maganda ang kuha sa profile pic. May pagkaposer-ish. Hehe!

GAGSTI! - (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora