20 - Baby Come Back...

32K 449 15
                                    

AN:

     Sorry late na naman update ko ^^, bakit?

      Hmm naba-blanko utak ko di ko alam kung bakit XD

      So ito na nga POV po ito ni Neil 5 months ago ^^,

      Hindi pa kasi ako nakaka-pagisip ng names ng kambal pero may idea na ako ^^,

     Medyo pending muna natin ^^

    So ito na nga! Hope you like this guys ^^

    Comment naman po kayo para ganahan ako magsulat ^^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 20

          5 Months Ago....

NEIL'S POV

        Parang pinipiga ang dibdib ko habang tinitignan ko ang anak ko, my wife and my children don't deserve this kind of situation. Ang laki na nga nang pag-kukulang ko noon at hindi pa ako halos nakakabawi, heto na naman kami. Nasaktan ko na naman ang asawa ko at ang anak ko.

        Lalo na ngayon at tinitignan ko ang mukha ni Keisha, she's pale at salubong ang kilay. Kahit sa pagtulog dala nya ang problema. And I really hate my self because of this. I hold her hand and kiss her knuckles.

        "Babe... I'm sorry... I'm sorry for hurting you. Kahit hindi ko sinasadya, I love you... I love you so much... Akala ko enough na yung napaparamdam ko sayo na sobrang mahal kita, pasensya ka na babe you know that I'm not good with words. Kaya mas gusto kong iparamdam na lang sayo..."

        "If only I could turn back time. Pero alam kong hindi ko na kaya ibalik yun babe, all I can do now is fix everything and make it up to you. Sana... sana babe... bigyan mo pa ako ng isa pang pag-kakataon... pagkakataon na patunayan sayo... kung gaano kita kamahal... Please babe don't give up on me... ang dami na nating pinagdaanan... ngayon ka pa ba susuko?"

      Umiiyak kong pag-kausap sa kanya, I just wish that she can her me. Dahil alam kong hindi nya ko papayagang lumapit sa kanya oras na magising sya, hindi ko na masasabi lahat ng gusto kong sabihin. Sobrang sikip at sakit sa dibdib, bakla na kung bakla. Pero kung mawawala ang sila sa akin para na din akong pinatay.

     "Babe hintayin mo ako ha? Aayusin ko lahat, patutunayan ko sayo na simula ng bumalik ka sa buhay ko, hindi ako nagtaksil sayo. Paano ko pa gagawin yun? Kung ikaw lang at ang anak pa lang natin sobrang saya ko na, bakit pa ako hahanap ng iba?"

    "For now baby... I will let you go... I give you the space that you want... pero hindi ibig sabihin non tuluyan na kitang hahayaang mawala sa akin. Over my dead body, mamamatay muna ako bago ko ibigay ang annualment na gusto mo. Ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo... gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo, pero ang pumayag sa annualment na gusto mo... yan ang hindi ko maibibigay sayo... I'm sorry babe... but I can't... I can't let you go..." sabi ko at hinalikan sya ng marahan at magaan sa pisngi... hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo... just the thought of losing her I feel like dying...

~~~~~~~~~~~~~~

     Halos wala ako sa sarili ko ng umuwi ako galing sa opisina, isang linggo na mula ng iwan ako ng asawa ko kasama si Erin , parang feeling ko taon na ang lumipas. Nakakasakal ang lungkot, kaya halos hindi na ako umuwi dito.

     Miss na miss ko na ang mag-ina ko, na-mimiss ko ang pag-aasikaso ni Keisha sa akin pag-galing akong opisina, ang masayang pag-salubong ni Erin sa akin. Sobrang miss na miss ko na ang tawa at kulitan ng mag-ina ko. Para na naman akong sinasakal sa sobrang lungkot.

I'll Make You Mine... Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon