Prologue

17.1K 195 3
                                    

Ako, si Algianna Cruz. Ang babaeng gustong makamit lamang ay katarungan para sa pagkamatay ng aking mga magulang.

At ang lubos na akala ko na magagawa ko upang makamit iyon, ay ang maghiganti sa taong pumatay sa kanila. Na maging ang kambal ko na wala namang kamuwang-muwang sa gusto kong plano, ay nagamit ko.

Dumating ang araw na hindi na nito kaya, kaya napagdesisyunan ko na, na magpalit na kami ng pwesto at upang masimulan ko na rin ang plano ko, na patayin ang taong pumatay sa mga magulang namin.

Pero sadya yatang malupit ang tadhana... Dahil hinayaan niya akong mahulog sa taong gusto kong patayin. Sa taong nagkautang ng buhay saken.

Kakayanin ko pa kayang tapusin ang plano ko, kung kasama na ang puso ko? Anong gagawin ko? Ano bang dapat kong gawin?.

*

Ako si Kurt Sales. Ang lalaking handang magbago, para lamang magustuhan ako ng taong mahal ko, na handang talikuran ang lahat, upang mapasaakin lamang siya.

Buong akala ko, ay siya na... Siya na ang bubuo sa buhay ko, na siya na ang magiging Ina ng magiging anak naming dalawa. Ngunit buong akala lamang pala iyon. Dahil ibang tao siya.

Ano kaya ang dapat kong gawin, kapag nalaman ko na ang taong mahal ko na kasama ko ay ibang tao pala?

Kailangan ko ba siyang ipagtulakan? Na kahit alam ko sa sarili ko na... Mahal ko na siya?.

Ano ba dapat kong gawin? Ipagpapatuloy ko pa ba ito? O tatalikuran ko nalang? Na kahit puso ko na ang nakataya doon.

---

This is a work of fiction. And bear with my grammars, errors and holes. Thank you guys, and keep reading. And love DP! Kamsahamnida ❤❤❤

Dark Pretender ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon