PROLOGUE

31 0 0
                                    


The first time you fall in love,it changes you forever and no matter how hard you try,that feeling just never goes away. Akala ko madali lang maka move on pero pag na in love ka na pala talaga, ang hirap kasi napamahal ka na sa kanya at nakatatak na sa isipan mo ang mga happy memories niyong dalawa.

My friends always ask, Do you still like him or do you still love him hmmm Chloe??

Honestly, I don't really know but I do know there's just something about him I can't let go. Maybe kasi siya yung first boyfriend ko at first love ko at wala kaming formal closure ng mabait kong ex., sagot ko nalang sa mga kaibigan ko.

Kaya ka siguro iniwan ng magaling na Matthew na yan ay dahil hindi mo maibigay bigay ang kailangan niya,at pinagpalit ka dun sa Marei na yun dahil handa niyang isuko lahat para kay Matthew! Girl naman sa panahon ngayon hindi na uso ang Maria Clara. Ibigay mo kaya at nang balikan ka niya?

Hindi pa naman ako despirada Chriz! Alam mo naman na buo parin ang paniniwala ko na dapat eh Marriage before sex.

Wow naman Chriztine ang ganda ng payo mo kay Chloe,tunay ka talagang kaibigan sarkastikong saad ng best friend kong si Elizabeth.

Pwedi ba Eli,dapat aware kayo na iba na ang panahon ngayon! Go to the flow lang dapat diba Jenny?

Yup,saad naman ni Jenny.

Ay ! Magaling talaga kayong magkasama no! Kurutin Ko kaya mga singit niyong dalawa.kita niyong merun na nga nag eh emote dito oh!

Tumatawa nalang kami kahit merun kaming kanya kanyang problemang hinaharap.

Mahigit eight years na kayong hiwalay girl. Mag move on ka na uie.!

yaan palagi ang naririnig ko sa mga kaibigan Ko.

Kasi kayo hindi niyo pa maranasan mag seryoso,eh ako? Akala ko siya na ang papakasalan ko eh.. Yung akala mo na siya na ang nakatadhana sayo. Ok naman kami eh buong akala ko may babalikan pa ako. Akala ko lang pala yun. Kaya pala maraming namamatay sa maling akala eh. Buong buhay ko naging mabuti naman ako.! Siya lang ang minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Sa kanya lang umikot ang mundo ko mga be pero anong ginawa niya? Ako pa ang niloko niya, siya pa ang galit na kesyo hindi ko daw siya mabigyan bigyan ng oras. Kung mahal ka naman ng isang tao,iintindihin ka diba? Handa kang maghintay at handa ka rin magsakripisyo.

Kung mahal mo ang isang tao, handa mo ba siyang patawarin?? Kahit na ang kapalit ay makasakit ka rin ng damdamin ng ibang tao? Sino ang pipiliin mo ? Mahal mo o mahal ka?


Authors Message..

Thank you sa mga author na nag inspire sa akin na magsulat. Sana magustuhan niyo tong story na gagawin ko. Kung sino gusto magpa dedicate ,e message lang ako. Feel free to comment and vote my story guys. Abangan ang susunod na kabanata sa buhay ni Chloe.. Thank you sa mga silent readers.


My Destinyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن