Chapter 2 REVENGE!

8 1 0
                                    

Pagkalipas ng apat na taon...

Malaki na ang pinagbago ni Chloe simula ng maghiwalay sila ni Matthew pero kahit na naging happy go lucky siya eh hindi niya parin pinabayaan ang kanyang pag-aaral,sa katunayan eh malapit na siyang mag tapos sa kursong Education sa sikat na paaralan sa Maynila.

What Chloe wants,Chloe gets.! By hook or by crook I will get him back and pay for the damaged he've done!

Chloe pwedi bang patawarin mo nalang yung tao. Hindi basta basta yang kaaway mo.tsaka gulo yung papasukin mo eh. Masaya na sila eh pwedi bayaan mo nalang sila Ako yung kinakabahan sayo eh baka ikapahamak mo pa yan,litanya ni Ayesha.

Chloe:

No ! Bessy naman pinaghandaan ko to. Yun na nga eh masaya sila tapos ako nagdudusa? Ipamumukha ko dun sa babaeng haliparot na yun kung paano maagawan ng minamahal. Ipaparanas ko lang sa kanya kung anong sakit ang ginawa nila sa akin. Pinagmukha nila akong tanga bess. Ayesha naman,! This time tulungan mo naman ako, alam mo kung paano ako nagdusa kay Matthew . Pagkatapos ko nito magbabago na ako. Please..

Ok! Fine ! Fine! May magagawa pa ba ako hindi ka na papipigil eh. Ano bang matutulong ko..?

Siguraduhin mo lang naman na malalasing mo si Matthew mamaya sa party at dapat makita ni Marie kung paano ko makukuha si Matthew,kung paano niya inagaw sa akin si Matthew ganun rin ang gagawin ko. Ibabalik ko lang naman ang kanya ang binigay na sakit niya sa akin.

My DestinyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang