HHS Chapter Three

5.2K 77 4
                                    

xxx

CHAPTER THREE: "Moment of Truth"

Kevin's POV

after a month *sembreak*

Hindi pa din naman kami masiyadong close, (nagkakahiyaan siguro kaming dalawa haha pero di naman ako nagmamadali eh).

Pagkatapos naman nung nangyari noon (In chapter Two) ilang araw din siyang wala sa kanyang sarili at minsan nakikita ko din siyang nakatulala. Tumatawa at ngumingiti naman siya pero parang may mali, mukhang hindi siya nagkwento sa mga kaibigan niya dahil normal lang sila kung kumilos, siguro kapag nalaman nila they'll freak out, oh erase that, I am sure they'll freak out 'cause girls will be girls.

At Paano ko nga ba nalaman lahat yan? In a simple way, nagspy lang naman ako sa mga galaw niya, sinusundan ko siya ng lihim kahit saan siya pumunta, kahit may kasama pa siya, para tuloy Secret Body Guard ang dating ko.

Pero ngayon bumalik na siya sa dati, nagkayayaan pa nga kaming pumunta sa tagaytay, sa resthouse nila Jess, yung Campus princess na kaibigan ni Alice. Close ko si Jess at halos lahat ng Campus princes at princesses dahil ilang beses na kaming nagkasama-sama for school activities na kailangan pamunuan namin.

At 'yong kay Mark naman nasa hospital pa rin siya hanggang ngayon, balita ko comatose siya tss. hindi ako nagsisisi o nakokosensya dapat lang sa kanya iyon and besides hindi ko kasalanang mahina pala siya.

"Kev ano? hindi ka ba talaga makakasama sa'min sa tagaytay?" si Patrick, isa rin sa mga Campus Princes sa Kingdom University at pinsan ko siya. nakipag-Apir muna ako sa kanya bago sumagot.

"Gustuhin ko man Pat pero may importante at nauna na kasi akong lakad eh " malungkot ako kasi di ako makakasama sa kanila, si mommy kasi bakit kailangan ako pa 'yong isama sa party na pupuntahan niya, sayang kasama pa naman si Alice doon sa tagaytay.

"Mas importante pa sa kanya Kev?" nakangisi na si Patrick sa'kin, oo alam niya lahat. Lahat-lahat pati 'yong mararamdaman ko kay Alice.

"Alam mo naman Pat eh, kung di lang magtatampo sa akin si mommy hindi ako sasama at sa inyo ako sasama, Asar naman oh!" nakabusangot na ko dito, siguro eto nalang gagawin ko buong araw. Kainis eh!

"San ba ang punta ninyo ni Tita?"

"I don't know where basta sa Party daw, Im sure for business purpose 'yon. boring pa naman kapag nga ganon" sabihin ko kaya kay mommy na wag nalang ako isama dahil gusto ko kasama ko yung nililigawan ko? (kahit hindi pa)

ugh! wrong move pala 'yon kasi alam kong mangungulit lang siya gaya ng kapatid ko bale magiging dalawa na silang mangungulit sa'kin, Hindi ko kaya 'yon, lalong masakit sa ulo.

"Oh Patrick kanina ka pa dito?" si mommy na kabababa lang at bihis na bihis mukhang may lakad?

My Handsome Spy : CAMPUS ROYALTIES - Alice & Kevin's StoryWhere stories live. Discover now