Can you forgive me?

28.6K 663 10
                                    

"Where are you going Denny?"

"Out, mom." Sagot niya habang pababa ng hagdan.

Nasa sala ang parents niya at nakaupo sa may love seat habang kumakain ng cookies at umiinom ng kape.

Tsk, di ba sinabihan na niya ang nanay niya na tumigil na sa kakakain ng sweets pero voila! Ang tigas pa rin ng ulo.

"Manang Thelma!" Tawag niya sa mayordoma nila na asawa ni mang Dante.

"Bakit hijo?"

"Akin na po lahat ng mga cookies natin."

Kunot noong napatingin sa kanya si manang Thelma pati na din ang parents niya.

"Anong gagawin mo sa mga cookies ko Denny?"

"Ipamimigay ko."

"What?!" Nabitiwan ng mommy niya ang hawak na cookies at napatayo mula sa sofa. Samantalang tatawa tawa lang ang tatay niya.

"You heard me. From now on, banned na ang cookies, deserts or anything sweet sa bahay na ito."

"What?!"

Bumaling siya sa mayordoma, "At kapag nag-grocery kayo manang, wala ng kahit na anong matatamis na bibilhin."

"B-b-but..."

"No buts mom. Magda-diet kayo."

"B-b-but... Antonio!" Sumbong nito sa daddy niya na nagkibit lang habang tatawa tawa.

Pinandilatan naman ito ng mom niya.

"C'mon hon, your son is just concerned. Besides, this is for your own good. Dieting is good for you."

"And it will start tonight." Aniya saka kinuha lahat ng stocks nila ng sweets mula kay manang Thelma at lumabas na.

Dineposit niya ang lahat ng pagkain sa may passenger seat saka sumakay na at nag-drive palabas ng gate.

On the way sa BGC, nakakita siya ng mga batang kalye. Doon niya ibinigay ang lahat ng sweets na nasa kotse niya. Matapos niyang mai-distribute sa mga bata ang mga snacks ay tumuloy na siya sa Valkyrie nightclub.

His phone rang.

"Asan ka na?" Bungad ni Mason sa kanya.

"At the entrance. You?"

"Dito sa may table sa itaas."

"See you then."

Sa entrance pa lang, dinig na dinig na niya ang techno music na pumapailanlang. Hindi naman siya mahilig sa mga nightclubs. He prefers bars with solemn music. Yung tipong pang-tamang chill lang.

Talaga lang na in the mood siya para magwala ngayong gabi kaya dito niya inaya ang kaibigan.

Here, he can scream all his frustrations and drink to his heart's content without anyone giving a damn.

Pagdating nila sa table nila ay nakipag-fist bump sa kanya si Mason.

"How's Lacon and Dreena?"

"Ayun bangayan pa din."

"Tsk, di na sila umusad.."

"Hayaan mo na yung dalawa. Kaya ng diskartehan ni pareng Lacon yun." Sabi ni Mason saka tumungga sa baso nito na may lamang whisky. Kanina pa kasi ito nakaorder. "Bakit hindi yang problema mo ang pag-usapan natin?"

Inilapit nito sa kanya ang bote ng Hennesy at agad naman siyang nagsalin sa baso niya.

"Ang kailangan nating pagusapan ay kung paano ako makakatakas sa pagbibigay nang apelyido ko sa babaeng iyon. At the same time ay kung papaano na rin ako makakaganti sa kanya."

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Where stories live. Discover now