Chapter Nineteen - "The Wedding"

10.1K 219 17
                                    



Richard POV



Napahilot ako ng sentido dahil sa ginagawa ni Xaxnder.. Nilingon ko si Steve na pareho ng ginagawa niya ang ginagawa ko..

Paano ba naman kanina pa siya pabalik balik.. Nakakahilo para sa amin ewan ko lang sa kanya..

Tumayo si Mico at inabutan siya ng baso na agad naman niyang ininom..

"Para kang tanga" sabi pa ni Mico

"Putcha pare, hihimatayin ata ako.."

"ang bakla mo naman.."

"Pssshh.. wag kang magulo" at tuloy ulit siya sa kapaparoo't parito niya..

"Damn.. Di ba siya titigil sa kakalakad?" pikon na sabi ni Steve

Napansin namin na hawak na niya ang kanyang phone..

"Hello? babe? sisipot ka di ba?" sabay sabay kaming natawa sa sinabi niya

"Walang hiya.. yung totoo?'

"Sabi sayo ehh pupunta ako jan! Shit!!! bat ba kasi hindi tayo pwedeng magkita?" alburuto pa niya..

Lalo kaming natawa nang parang binabaan ata siya ng telepono ni Cassy.. Yan kasi masyadong excited..

"Kumalma ka nga" sabi ko sa kanya..

"Paano kung di siya sumipot?"

"edi hindi may magagawa ka ba?" tinignan niya ng masama si Mico na nag peace sign na lang sa gawi niya..

"Ewan.. Di pa ba start?"

"Maaga pa.. Baka nga naliligo pa lang ung bride mo" sagot ko sa kanya..

Well, kasal kasi nila ngayon.. At sa kanilang dalawa ni Cassy siya ung kinakabahan.. Kanina pa niya gustong umalis kung di lang namin siya napigilan.. Sure na aakalain niya na di tuloy ang kasal.. Kung di ba naman gunggong ang isang to.. Ang agang nag ayos..

Kesa mahilo kay Xander, tinawagan ko na lang si Erika na agad naman niyang sinagot..

"Yes po?" kahit sa phone ang ganda pa rin ng boses niya..

"Kamusta kayo jan? May gusto ka ba? Bibilhin ko"

"Wala naman.. Kayo?"

"Ito sabik na makita ka' narinig ko pa ang mahinhin niyang tawa sa kabilang linya..

"Baliw.. Ikaw ba ang ikakasal?"

"Gusto mo ba ulit?" nakangisi kong sabi

"Hahaha ewan ko sayo.. Inaayusan na si Cass.. Punta ba ako jan?"

"Wag na ako na lang ang pupunta dyan para i-check ka" Pagkasabi ko nun ay agad na sumigaw si Xander ng 'Sama ako!' Na narinig ata ni Cassy kaya sumagot ng 'Di Pwede!' nakanguso naman si Xander na ngayon ay nasa tabi ko na..

"Bakit hindi pwede?" maktol pa niya

"Makita ko lang ang anino mo dito.. walang kasal na magaganap!" sagot ni Cassy na may hawak na ngayon sa phone ni Erika..Naka loudspeaker naman ung phone ko..

"Sabi ko nga di na sasama, ikaw kasi sabi sayo ikaw na lang ehh" tapik niya sa balikat ko at balik na naman siya sa kakalakad niya..

"I'll go with you" sabay tayo ni Steve..

Nag lakad na kami papuntang room nila Cass.. kumatok muna ako bago buksan ng maganda kong asawa ang pintuan ng room..

"hi, Kamusta ka?" sabay hapit sa beywang niya..

Book 2: His Teasing Mate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon