UnwrttnDstny #3

2.6K 72 28
                                    

"That's it?! Kilig ka na ng ganon ang lagay?" Umikot ang mata ng aking pinsan. "Di ko kayo ma-gets kung bakit n'yo nagustuhan ang lalaking 'yan." dagdag pa ni Rina. 

Humagikgik ako nang maaalala ko ang pag-uusap namin muli ni Jander. 

Matapos ako madala sa klinika ay nag-abang ako ng taxi sa labas ng school namin. Wala ang driver namin, pinauwi ko na't nagtagal pa ako sa clinic. Kaya ko naman ang sarili ko na umuwi. Hindi na ako bata.. 

"Diana?" Nilingon ko ang pamilyar na boses na tumawag ng aking pangalan. "Jander!" My heart is beating so fast. Napawi bigla ang sakit na natamo ko kanina sa paglalaro. "Nasa'n si Kinsley?" 

Nagbago ang kaniyang ekspresyon, mukhang hindi siya masaya na banggitin ang pangalan ni Kinsley. "Hanapan ba ako ng nawawalang tao?" Humalakhak siya ng mahina. "Wala ka bang kasama? Gabing-gabi na.."

Lumiwanag ang aking mukha. Nag-a-alala siya sa akin. I knew na hindi siya 'yung Jander na badboy na nakikita ko! 

"Wala na kasi yung driver ko... Galing akong clinic at ginabi doon." Kinamot ko ang ulo ko. Lumapit pa siya lalo sa akin at ngumiti. "Hatid na kita." My lips parted from shock. He's really offering me a ride? Tumatalbog ang puso ko sa saya! 

"Nakakahiya naman.. Baka may iba ka pang gagawin." sinabi ko. Ayoko magpadalos-dalos. "I won't offer a ride if I were busy, Diana. At isa pa, sarado na 'yung bar na tinatambayan ko dito. Wala na ako maggawa sa gabi." Napalunok ako.. This is really my chance! My most awaited chance with him!

"Okay.. Give me a ride then!" I said with a smile on my face. 

He leaded me the way into his car. Isa itong compact car na chevy cruze. Kulay itim. 

"Wait.. you're not eighteen yet pero nakakapagdrive ka? Hindi ka ba huhulihin niyan?" Puno ng kyuryosidad ang aking tanong. Humalakhak si Jander pagkatapos ay lumapit sa akin. May hinugot mula sa kaniyang bulsa at ipinakita sa akin. 

"Lisensya 'yan ng kaibigan ko. Hiniram ko ta's pinalitan ko ng litrato. Easy!" 

"Pero.. labag 'yan sa batas!"

"Kung makakasagasa or masasagasaan ako. Tsaka nila ako mahuhuli." Tumango tango na lamang ako. Wala akong alam d'yan.

Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan sa kaniyang shotgun seat. "Thank you.." Nahihiya kong sagot bago pumasok. Kita ko ang pagkagat niya ng labi habang umiikot sa harap papunta sa driver's seat. 

Tiningnan ko buong paligid ng loob ng kaniyang sasakyan. Wala masyadong kalat at malinis na malinis. 

Agad kong itinuon ang tingin ko sa labas. Makikita niya ang pagkagusto ko sa kaniya. 

"Diana?" Tawag niya sa akin. Paglingon ko sa kaniya'y laking gulat ko na kaunti na lang ang distansya ng aming mukha. Nakatingin lang siya sa aking mata. Akala ko nga'y yayakapin niya ako 'yun pala ay kukuhanin lang ang seatbelt ngunit habang ginagawa niya yun ay mata sa mata ang aming tinginan. 

Gustong-gusto kong hilahin ang kaniyang mukha para aking halikan ngunit wala akong lakas na loob gawin 'yon.. Wala kong karapatan.

"There. For your safety." lumayo siya ng kaunti sa akin bago sabihin 'yon. 

Ngumiti ako. "Thank you.." 

Sinimulan na niyang tipain ang gas para makaalis na kami sa school. Tinext ko si mommy na pauwi na ako at sa bahay na lang magpapaliwanag. 

"So Diana, doon pa rin ba kayo nakatira?" Mabuti na lang natapos na ako tumipa ng mensahe sa aking ina. Itinago ko ang aking telepono sa aking bag bago lingunin si Jander. 

"Hindi na.. Lumipat kami noong panahong wala kayo dito." 

Kita ko ang unti-unting pagtango ni Jander habang hawak ang manibela. Tutok na tutok siya sa pagtingin sa daan. 

Mabagal lamang ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse. Tila para bang ingat na ingat siyang 'wag ako mapahamak. "You have a boyfriend?"

Hindi ko in-expect na tatanungin niya 'yun. Interesado na ba siya sa akin? "Wala ah.." honest kong sagot. Paano ba naman ako magkakaroon ng kasintahan kung sa'yo lang tumitibok ang puso ko? 

Puro kwentuhan lang ang ginawa namin buong biyahe. Puno ng ngiti ang aking mukha pagkababa ko ng kaniyang sasakyan. Nilingon ko siya para makapagpaalam at makapagpasalamat.

"Thank you ulit.." Nahihiya kong banggit. 

"Welcome.. Oh wait! Bago ko makalimutan, can you... save your number?" Jander is smiling at me while lending his phone! 

Kung pu-pwede lamang na matunaw dito sa aking kinatatayuan ay matagal na akong tunaw! Nasisilaw ako sa ganda ng kaniyang ngiti. Nanghihina ang aking tuhod. Jander! Ano ba itong ginagawa mo sa akin?

Nanginginig ang aking kamay nang kuhanin ko ang kaniyang telepono. Tinipa ko ang numero ng aking cellphone pagkatapos ay ibinigay sa kaniya. "Thanks, Diana." Huling mga salita bago niya ako hilahin at yakapin saglit.

I froze for a while. Sa sobrang bilis niya gumalaw ay naabutan ko na lamang siyang naglalakad palayo sa akin. He's opening the door of his car and stopped once again. "Bye!" Kumaway-kaway ako at.. "Mag-ingat ka pauwi." huling habilin ko sa kaniya. 

Nakatayo lang ako sa labas ng bahay namin habang papaalis siya. Nang hindi ko na matanaw ang kaniyang kotse ay pumasok ako sa loob. Pagkabukas ko ng gate ay laking gulat ko nang sumalubong sa akin ang kuya ko. 

"Kuya!" Tawag ko't isinara muna ang gate bago humarap muli sa kaniya. "N-nandito ka na pala.. akala ko ba'y bukas ang uwi mo?" 

Nakahalukipkip si kuya sa akin. Tinanggal ang kaniyang salamin pagkatapos ay diretsong tumingin sa akin. "Diana, gabing-gabi na pagkatapos ay nagpahatid ka pa sa lalaking iyon?" Hindi pinansin ang aking katanungan.

"Kuya that's Jander... kapatid noong babaeng nililigawan mo dati. Si Ate Jaile.." Nawala ang pagkakunot ng noo ni Kuya. Napatigil siya panandalian at tila parang nahiya sa sinabi sa akin. 

"Pumasok ka na. Ang lamig lamig na baka sipunin ka pa." 

Lumaki ako sa pamilyang masagana at kailanma'y hindi nagkulang sa pagmamahal mula sa kanila. Pantay ang trato nila mama at papa sa aming dalawa ni Kuya. 

My mom always says na dapat ako maging thankful sa kalusugan na mayroon ako ngayon.. 

Pumanhik agad ako sa aking kwarto pagkakain ng hapunan. Dumipa sa kama at kinuha ang aking telepono na tumutunog. 

Unknown Number:

This is Jander :) 


Tumatalbog-talbog ang puso ko sa loob ng aking sistema dahil lamang sa simpleng text na 'yon. I've must have been hit so hard by cupid that's why I'm feeling so crazy about him.

Inilagay ko na muna siya sa contacts ko bago tumipa ng irereply. 

To Jander;

Saved! :)

Nilapag ko ang cellphone ko sa tabi ko at humiga ng maayos. Nakatingin lang ako sa kisame habang hinihintay ang kaniyang reply. Maya-maya pa ay tumunog na ang aking cellphone. Natataranta akong tiningnan ang aking cellphone.

Text pa rin ni Jander!


Jander;

Sleep early, sleeping beauty. 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unwritten Destiny [Book 2 of RH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon