Time Flies

1.1K 73 4
                                    

2years later..

"Most requested song of the week from Pangkatrakz.. Iniwanan. Here you go guys. Enjoy!" Anunsyo ng DJ ng radyo.

Chorus:
Pinanghawakan.. Pangako mong di ako iiwan
Ipaglalaban pag-ibig na inakalang walang katapusan.
Kaligayahan sana'y iyong nakamtan

Sa pag-iwan mananatili bang luhaan..
Nang ako'y iyong iwanan hanggang ngayon puso'y sugatan.

"Ikaw yata dahilan bakit naging most requested song yan eh.." Tugon ng lalaki.

"Kuya.. Kung pwede lang oras2 ko irequest na iplay nila 'to di aq magsasawa." Si Patricia na wala ng ginawa mula ng makabalik siya ng San Francisco ay magmukmok na lang sa kwarto.

Hanggang sa madiskubre ng isang recording company ang grupo nina Josephine isang taon mula ng umalis siya ng Pinas ay naging tagasubaybay na nila ito sa Radyo at minsan nagge-guest na rin sa TV.

Sumikat at nagka-album. Ngayon kilala na di lang sa Pinas, ganun din sa iba't-ibang parte ng mundo kung saan may mga Pilipino.

Ngayong taon rin pinaghahandaan ng grupo ang first major concert nila.

"You still love her?" Seryosong tanong ng kuya niya.

"Of course.. Alam mong wala na akong ibang minahal mula ng bumalik ako dito. Sinunod ko si daddy na iwanan siya pero never akong pumayag na makipagbalikan kay George or to go out and have a date to anyone else." Malungkot namang Sagot ni Patricia.

Hinalikan niya sa ulo ang kapatid. Ramdam nito ang lungkot ng kapatid niya.

"You'll get by.. I have to go. See you tonight."
Paalam nito at umalis na.

3 months later..

[Manila Philippines]

Niyanig ang Araneta sa closing number ng grupong Pangkatrakz sa first major concert nila.

"Whoooohooo Pinx! I'm so proud of you!" Bati ng babae pagrating nila ng backstage. Yumakap ito at humalik sa may parteng malapit na sa lips.

"Thanks Andrea.." Tanging nasabi lang ni Josephine.

"Andrea , kami hindi mo ba babatiin? Kiss and hug din dapat!" Biro ni Einstein. Di pa rin ito nagbago.

"Syempre kayo rin! Congratulations guys! Group hug!" At sabay nagyakapan ang lahat.

After ng concert ilang oras pa bago sila nakarating sa venue dahil sa dami ng reporters na nag-interview habang palabas ng Araneta.

"Cheers!!" Sa pangunguna ng manager ng banda.

May mga ilang sikat na singer at artista rin ang nandun na guests at naging close na nila para sa after concert party.

"Kung nakita mo lang reaksyon ng mga tao kanina ..grabe!" Tugon ni Andrea. Nasa isang table sila.

"Talaga? Hindi pa rin talaga aq makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat." Wala sa sarili na Tugon naman ni Josephine.

"Halata nga kasi hanggang ngayon lutang ka pa rin eh.." At nagtawanan sila. Nagising naman ang diwa ni Josephine.

May mga ilang lumapit at nagpaalam na.

Ilang oras lang din lumipas natapos na ang party. Kanya2 na sila ng uwi.

"Josephine anak tara na.." Yaya ni nanay Cynthia.

Mula ng sumikat ang banda lagi na sumasama ang nanay at tatay nito sa mga pinupuntahan ng grupo. Minsan kasama mga kapatid niya kung walang pasok.

"Andrea, mauna na kami.. Salamat sa suporta ha?" Paalam niya .

"Anything for you Pinx.. Alam mo namang, nandito lang ako lagi para sayo." Si Andrea sabay niyakap si Josephine.

Music And UsWhere stories live. Discover now