IV. UNEXPLAINED EMOTIONS (Lou)

772 19 0
                                    

~Lou’s journal~

“O, Ashana, bakit ka naman natakot kay Erno?  Asa ka namang magkakagusto sayo ‘yon?” napapangising tanong ko kay Ashana habang pinagmamasdan ko ang takut na takot niyang anyo.  Akala mo talaga ay kagandahan at kanasa-nasa ang pagmumukha…

“Stalker kasi ang lalaking ‘yon,” sabi niya sa akin.

“Baka nag-alala lang sayo ‘yon,” sabi ko.

“Nag-aalala?  Sinabihan nga akong hindi raw ako si Ashana eh.  Yun ba ang nag-aalala?” natatawang tanong niya.  “Teka, Lou, nahulog ka ba kanina?”

“Hindi.  Bakit?” takang tanong ko.

“May nababasa lang kasi akong falling sa… ah basta.  Pakitawag naman si JR,” utos niya sa akin.

Hinawakan niya ang noo ko.  “Wag palaging nakakunot ang noo mo.  Gwapo ka pa naman…”

“Nagtext si JR, busy raw siya.  Ako na lang raw ang magbantay sa ‘yo,” sabi ko, kahit na hindi naman talaga nagtext si JR sa akin.

“Busy siguro kay Ericka ‘yon,” sabi niya.

“Siguro…” sabi ko.

“May mountain bike ako diyan.  Angkas tayo?” alok niya.  Napangiti ako pero hindi ko ipinahalata ‘yon sa kanya.

Sumakay kami sa motorbike niya.  Noon lang ulit ako nakaramdam ng kakaibang saya.

“Ano pa bang ibang ability mo bukod sa magaling kang magpalabas ng mga ugat mo kapag nagagalit ka?” tanong niya.

“Mind hearer and talker,” sabi ko.

“Ows?  Sige nga, pakinggan mo nga ang sinasabi ng utak ko…” she challenged.

“…ang gwapo ko?” tanong ko.

“Nye!  Wala naman akong inisip na ganun eh.  Baka naman hindi ka mind-hearer, baka ilusyonado ka…” pang-aasar niya. 

Natawa ako.  Malayu-layo na ang nalakbay namin bago ko napansing hindi na pala ako nakahawak sa handle ng bike.

“Napa’no ka ba kanina?” tanong ko.

“Nahilo ako, parang grabe na ang sakit ng ulo ko kaya ‘yon… hindi ko na nakayanan,” paliwanag ni Ashana.

“May… tumatawag ba sayo tuwing alas tres?” tanong ko.

“Paano mo nalaman ‘yon?” takang tanong niya.

Dahil nangyari iyon kay Fille noon, naisip ko.

Tumatawag noon kay Fille ang crime investigator na si Carla tuwing alas tres ng umaga dahil nananaginip siya ng mga clues sa isang di-pangkaraniwang krimen.  Ganoon din ang nararamdaman ni Fille noon sa tuwing magri-ring ang cellphone niya.  Sumasakit ng husto ang ulo niya at kapag matindi na ang sakit ng ulo niya ay nagco-collapse siya.  How time flies!  Carla and Fille are both dead now…

Once again, I felt an indescribable pain remembering Fille’s death.  Why?  Why on earth wasn’t I able to save her?

“Hoy Lou!  Tinatanong kita kung pano mo nalaman ‘yon.  Ikaw ‘yon ‘no?  Yung tumatawag sa akin?” tanong ni Ashana.

“Hindi… I’m just wondering why it’s happening to you.  Maybe JR is right… na hindi ka pangkaraniwan.  May iba pa bang nangyayari sayo maliban dito?” I asked.

“Wala naman!  Hoy Lou… tingnan mo ang dinadrive mo.  Baka bumangga tayo.”

Don’t worry, you’re with me… inisip ko.

CRIMES AND MYSTERIES V: THE SACK, THE REEF, AND THE ICEWhere stories live. Discover now