CHAPTER 19

11.6K 209 1
                                    

Chapter 19

October 19, 2015

Lumabas ng CR si Ate Hera suot ang puting White strapless sunny dress na may maliliit na flower printed sa pinaka laylayan na abot sa sakong ni Ate. Para syang professional na model syang. Nakataas ang tuwid na kulay mais nitong buhok ay nakapusod di katulad sa akin na kulot sa bandang dulo.

"Lets go. Tinawagan ko na si Divine sya na ang bahala sa mga gamit ko. Matagal na din nabayaran ni Blaire ang hospital bill." tumango lang ako at kinuha nya ang pulang Celine na bag.

Sumakay kami sa elevator pataas sa ikalimang palapag. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Kulay pink ang pintura ng fifth floor may naka paint din na mga teddy bear at kung ano ano pang makukulay na characters Pediatric ward yata ang palapag nito. Nakaagaw ng pansin ko ang Promising wall. May mga hand print ito na may nakasulat na dedication mula sa batang gumawa ng hand print.

Naglakad kami hanggan sa mapuntahan namin ang kwarto ni Emerald.

Binuksan namin ang pinto at bumungad sa amin ang maraming metalic pink at white na lobo meron nakasabit yun ilan nakalatag sa lapag.

May isang rectangular na lamesa meron tong latag na kulay pink at white. Maraming pagkain na nakahain may chicken, hotdog at marshmallow na nakatusok sa stick, Spaghetti at cake.

Naglalaro ng ibat ibang games at nagsilbing host ay ang tatlong nurse.

"Im glad na nakarating kayo.. Emy!" tinawag ni Neil ng pansin ng pamangkin.

Nakasuot ito ng kulay asul at pink na dress.

"Who is she?" sabay turo ni Emy kay Ate Hera.

"My name is Hera. Happy birthday Emy.."
"Come on Miss Flissy and Miss Hera.." sabay hawak sa tig-isang kamay namin ni Ate Hera. Napapailing na lang si Neil sa ka-hyperan ng pamangkin.

"Sussy.. Rhea.. Vina.. Dory I want you to meet my new friend Miss Flissy and Miss Hera.." nag wave sa amin ang mga at isa isang nagpakilala. Pare-parehas ang kulay nila ni Emerald white and pale. Si Sussy ay meron kulot na wig na buhok at ang tatlong bata ay nakasuot naman ng cartoon character na party hat.

"Salamat.." sabi ko kay Emy pagkatapos nyang isuot sa akin ang party hat.

Masaya ang mga bata sa pinakitang intermistion number ng mga nurse. Nakisali naman ang ilan mga bata sa usong tugtog.

"Watch me Whipped watch me nae nae.." napuno ng palakpakan at tawanan ang buong kwarto sa pinakita ng mga bata. Habang yun isang nurse naman ang nakuha ng video.

Kumanta ang mga bata ng Hapy Birthday song para simulan na iblow ni Emerald ang cake. Bakaz na bakas sa mukha ni Emerald ang kasiyahan. Nakakadala din ng saya ang bawat ngiti ng bawat batang lumalaban sa sakit nila.

"Where is her parents?" tanong ni Ate Hera kay Neil magkatabi kasi sila at ako ay nasa bandang unahan. Lumingon ako para makinig sa usapan nila.

"They both dead, hindi kinaya ni Elmira ang panganganak dahil sa kumplikasyon nya sa puso. Hindi na nakita ni Emy ang mama nya. And my brother in law commited suicide, hindi nya kinaya na wala na sa tabi nya ang kapatid ko. Emy was 3 years old then. Kaya walang masyadong maalala si Emy sa mga magulang nya. Nun nag 6 sya kakauwi nya lang galing school ng bigla syang mahimatay. My parents and i brought her to the Hospital. Matagal na din kasi nya sinasabi na na sakit ang ulo nya. And based on my concluscion may hindi tama sa kondisyon ni Emy. My parents and i decided to ran some test.. Nag undergo sya sa ibat ibang test at based on her MRI result don namin nalaman na may malignant tumor sya sa ulo. Stage 2 grade B." tumigil sa pagkwento si Neil nyang kumuway si Emerald sa amin. Kunuhaan naman nya ito ng picture gamit ang DSLR na nakasabit sa leeg nya.

My 36 years old Lover! (Cojuangco Series #2) COMPLETE ✔✔Where stories live. Discover now