My Showtime LovePartner (Vhong- Anne)

4.8K 44 12
                                    

NOTE: I'll give this a try guys. ^__^ B Siyempre, fiction pa rin ito. Humihingi na agad ako ng pasensya kung may pagkakamali man akong masusulat. Lols. XD Basta.. ipupursue ko ito pero baka madalang lang ang UD's. Hehe. Medyo may pagkatulad ito ng 'Unspoken' and the 'Story behind Showtime'. This is only Anne's POV po. Thanks!!

PROLOGUE

Ano nga ba ang iniexpect mong makita sa Showtime? Siyempre, kalokohan, pangbabara at kung anu-ano pang jowks. Kung bibiruin ka ni Vice doon, sasabihang 'mukha kang unggoy', 'ilong mo ay pango', 'ilong ranger', magagalit ka ba? Of course hindi, biro nga yun e. Pulos biro lang talaga sa showtime. Kahit yung mga banat lines, biro lang yun. Mga adlibs, script.. may dalang biro. BIRO! Hindi dapat tototohanin. Pero nang sinabi niyang 'mahal niya ako'. Biro pa ba 'yun? Alam ko, na dapat kong isiping biro 'yun. Showteam ka-loveteam ko kaya siya, so natural lang ang mga ganyang bagay. Ngunit.. bakit ako naapektuhan? Pinagbibiruan na din ba ako ng nararamdaman ko?

* * *

Monday.

I'm beautiful.

I'm popular.

I'm an actress.

I'm a star.

A host inside showtime.

Self-proclaimed singer na kinahahangaan because of confidence.

Hindi maganda ang boses? I don't care.

This is I am, the only ambisyosa with poise, Anne Curtis.

Tina-type ko ang mga ito sa aking MS word. Kalerkey! Nagiging writer na pala ang isang Anne Curtis? Jowk lang. Wala lang kase akong magawa, naghihintay na magsimula ang showtime. Be careful with my heart pa kase e. Kaya ngayon, I'm busy praising myself and bombarding my name with compliments. Pero, tama naman lahat ng isinulat ko diba? Tell me! May mali ba?

Busy ako sa pagkalikot ng laptop ko when someone nudged my shoulder.

Napalingon ako.

Si Billy.

One of the hosts rin. Kasama lagi ni Vhong sa tuwing sumasayaw sila ng 'si Billy at si Vhong'. Hindi ko kase masyadong maintindihan yung music. Yun lang ang klaro sa pandinig ko. Anyways, super galing niya--sumayaw and all. Lalo na sa pagiistorya. Kaya nga siya lagi ang nagkukwento. Magaling din naman si Vhong peroo, kung wala siya.. sino ang magiging kaloveteam ko? E si Vhong lang naman yung Lovepartner ko dito sa showtime.

"Anne, wala pa si Vhong?"

Ay! nga pala, hindi ko na--- teka! ba't ako tinatanong ni Billy? Hanapan ba ako ng nawawala? 

Umiling ako. "Donnu, bakit? dumating na ba?"

Nagkamot siya ng batok. "ewan ko nga e. Hindi ko pa nakikita. Siguro late na naman yun"

Napakunot ako ng noo. Late? Ilang araw kaya siyang absent sa showtime dahil may inasikaso siya. Then malelate na naman siya ngayon? Haay.

"sige Anne, pagpatuloy mo na 'yang pagpupuri mo sa sarili. Haha", and he pointed my laptop. Nakita niya pala. Agad ko namang tinakpan yun ng mga kamay ko.

"Loko-loko", ngumuso ako. Lagi na lang nila akong inaasar. What's the problem of them ba? Tama naman talaga ang mga sinulat ko e. Hindi ko na kasalanan yun. Ang masama, kapag pinupuri ko ang sarili ko pero di naman totoo. Yun ang hindi katanggap-tanggap.

Umalis na si Billy habang tumatawa. Nakita ko pa siyang nagtungo kung asan sila Ryan at nakikipagchikahan.

Sa'n kaya si Vhong? Haay. Vhong Navarro, ilang araw ka ng wala tapos ngayon, late ka?

Humalumababa ako at walang isip na napakanta.

I miss you like crazy, I miss you like crazy 

Ever since you went away, every hour of every day 

Bigla akong napaigtad dahil sa naramdaman kong pagkurot sa akin. Shit! Nagulat ako doon a. Nilingon ko kung sino. Si Vice pala.

"ay? haha. Disappointed?", he poked my forehead pero pabiro kong inalis yun.

"ano ba..ikaw ha!", sabi ko.

Ngumiti naman siya ng nang-aasar. Oh no! I know that look.

"sino 'yang kinakantahan mo? Nako-nako-nako-nako-nako, si Vhong 'yan no? siya lang naman wala dito e"

I rolled my eyes, "kapag kumakanta, may meaning agad? Hindi ba pwedeng, pinagpapraktis ko lang ang vocal chords ko?"

Sinundot niya ako ulit sa tagiliran. "ayeee, miss na niya ang showtime lovepartner niya"

Tumawa ako sarcastically. Showtime lovepartner? Yeah right! He's my showtime lovepartner and a good friend in real life at hanggang doon lang 'yun, hanggang doon lang.

My Showtime LovePartner (Vhong- Anne)Where stories live. Discover now