5

828 50 24
                                    

Pabagsak kong ibinalibag ang katawan ko pagkadating ko sa bahay.
I mean bahay ni Junhoe.

Speaking of him, asan na kaya yun.

Aish. Wala akong pake sayo.

Bahala ka sa buhay mo

|Blag!|

Napatayo ako bigka nang makarinig ako ng parang may nahulog na malaking bagay.

Lumabas ako ng kwarto at tinignan kung anong meron.

At halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

Si Junhoe na mukhang walang malay saka may kasama siya.

"Tangina mo Junhoe. Tatawagan mo ako, maglalasing ka, di mo sasabihin ang rason tapos pag knock out ka ako ang mamomroblema sa paguwi mo. Ultimate pakyu" iniangat niya ang mukha niya at...

JINHWAN?

Aatras pa sana ako pero huli na ang lahat.

"Wendy?" Nagtatakang tanong niya.

"Aa, Jinhwan ano-" mageexplain pa sana ako nang biglang tumayo si Junhoe sa pagkakahiga kaya napatingin kami sa kanya

"YO WENDY!" Parang siraulo niyang sigaw.
Pero mas nagulat ako nang lumapit pa to sakin saka ako inakbayan.

"YO PARENG JINHWAN! ANDITO KA PA PALA!" Sabi niya samantalang ako pinipilit ko paring tanggalin ang kamay niya

"Junhoe ano ba!" Sabi ko pero ayaw niyang matinag

"WAG KA NGANG PAVIRGIN. TU TALAGA!" Sigaw pa niya. Di na ako nakatiis kaya sinuntok ko nalang sa muka kaya napahiga uli sya sa sofa.
That is what I call head shot.

"Puta ang shakit." Bulong niya mula sa likod

Napatingin uli ako kay Jinhwan na hindi parin nagbabago ang expression. Para siyang nagtatanong.

"Jinhwan mageexplain ako--"

"OY PARENG JINHWAN!" Sabi nito at tumayo ulit.

Pakyu Junhoe.

"KUKUWENTO KO NA! KASHI GANITO. *Hik* Tehehee. SHORRY." Sabi niya at medyo napatigil dahil sininok sya.

"O ETO HYUNG FINAL NA! KASHE GANITO, TEHEHE. SHI WENDY E BUNTISH PARE. OO BUNTISH. ANAK KO. HEHE"

Napatingin ako kay Jinhwan. This time masama na ang tingin niya sa amin. Sa akin

"Ge congrats." Sabi niya saka tumalikod.

Pakiramdam ko nakadikit sa sahig ang paa ko at di ako makagalaw.

Pero bigla siyang hinila ni Junhoe.

"PARE AALISH KA NA E DI PA AKO TAPOSH. ANG BASHTOSH MO NAMAN. O TAPOSH AYON, GUSHTO NI MAMA MAGPAKASHAL KAMI. EDI KASHAL! PARA TAPOSH ANG KWENTO! MEET MY FUTURE WIFE, WENDY. WHOOOO!" May bahid ng galit ang pagkukuwento ni Junhoe kahit mukha siyang timang. I knew it.

This time humarap naman si Jinhwan at ang kaninang galit na expression niya ay napalitan. Pain

"Jinhwan..." tawag ko sa kanya pero dineadma niya lang ako at tumingin kay Junhoe.

"Kasal? Hf. Ge" aniya at tumalikod na. Pero humarap pa ulit ito at lumapit kay Junhoe

*BOOGSH*

Agad namang natumba si Junhoe pero tumayo ulit to.

"KANINA NIYO PA AKO SHINUSHUNTOK A!"Sigaw niya pero di na sya pinansin ni Jinhwan saka lumabas na.

Hahabulin ko sana si Jinhwan pero bigla akong hinigit ni Junhoe

"Yura aalish ka na? Wag moko iwan" di gaya kanina. Mas maalumanay na ang pananalita niya.

Gulo ng utak mo. Mukhang intestine leche

Gusto ko siyang bantayan pero... si Jinhwan.

Hinila ko ang kamay ko pero ayaw niya akong bitawan kaya no choice

*BOOGSH"
Oo sinuntok ko uli sya.
Shit sorry.

Mukang nakatulog na ata.

"Ayaw mo kasi akong bitawan e" sabi ko saka agad na lumabas para habulin si Jinhwan.

"Jinhwan!"

"Jinhwan, makinig ka naman o"sabi ko nang mahabol ko sya

"O Wendy, tapos na magkuwento ni Junhoe a. May sasabihin ka pa?"tanong niya na parang wala lang sakanya ang nangyari.

"Jinhwan please.." sabi ko habang naramdamang kong umiinit ang pisngi ko.

"I cant comfort you right now. Please dont cry" sabi niya habang nakayuko.

"Wendy, umasa ako e! UMASA AKO! Isang taon."

Nanatili naman akong nakatingin lang sakanya. Wala akong masabi. Tama naman siya e.

"I never thought that Junhoe would be my rival. Wendy naman, mas gwapo, mas matalino, mas maganda boses ko dun. Ano bang nakita mo sakanya ha? Mas matangkad? Edi wow!" Sabi pa niya.

"Aksidente lang talaga yun Jinhwan. Im so sorr-"

"Please stop saying sorry. Lumayo ka muna sakin. One week. Give me time to think. That would be the best for us" and with that tumalikod na sya

[Editing] DADDY JUNHOE (iKon FF)Where stories live. Discover now