5

2K 29 7
                                    

Short Update. 

No more flashbacks starting this chapter.

-----------------------------------------------------------------------------------

"I booked a room for a month and confirmed it a few days ago. Now, you're telling me na there's no room for me and that you're fully booked?" Pilit kong kinokontrol ang aking sarili at baka masigawan ko ang receptionist ng hotel na aking tutuluyan.

Dumiretso kaagad ako dito pagkalapag ng eroplano. Hindi ko na din alam kung saan tumungo si Alexis pero napag usapan naming magkita nalang sa site sa Miyerkules. Linggo ngayon at maraming tao sa hotel dahil bukod sa hotel mismo, meron pang resort sa tabi nito.

"I'm really sorry ma'am. There must be a system error and we're fully booked at the moment."

"And you have no back up plan for this kind of situation?"

Napabuntong hininga at napahilot ng aking sentido sapagkat wala nang ibang nasabi ang receptionist maliban sa sorry.

Paano na to? Mahihirapan ako ngayon sa pag book dahil summer season na.

Naglakad ako papunta sa sofa ng hotel at naupo nang may naisip akong pwedeng gawin. Agad kong dinial ang number ng taong pwede kong mahingan ng tulong. Agad naman nitong simagot pagkatapos ng dalawang ring.

"Louise?"

"Hello? Sino po sila?"

"This is Kristine."

"Ma'am! Napatawag po kayo?" Tila tuwang tuwa ito sa pagtawag ko.

"Do you know where Alexis is staying?"

"Hala! Nagkabalikan na po kayo?" I rolled my eyes. As if.

"No. It's for business. Also, send me his number."

"Copy po. I'll send you the details after the call."

"Thanks Louise."

I ended the call and after a few minutes, I received Louise's message.

"Courtyard by Marriott Hotel, Room 8514.

Sir Alexis - 0927xxxxxxxx"

Wait, I have his number.

Stupid, He sent me a message like a few days ago.

Agad kong kinuha ang luggage ko at lumabas sa hotel kung saan dapat ako tutuloy but change of plans. Pumasok ako sa bakanteng taxi at agad sinabi ang hotel na tinutuluyan ni Alexis. Nang makarating ay agad kong tinahak ang daan papuntang room 8514 at the same time, dinial ang number nya.

"Yes?" Looks like he's expecting me to call. Baka sinabi ni Louise na tumawag ako sa kaniya. Ang bilis naman ng chismis, nakarating agad sa boss.

"I'm outside."

"Outside what?"

"Your room dummy. I have no place to stay, pa ampon ng ilang araw."

"You said you have settled your accom?"

"They said they're fully book and there was some kind of a system error." I let out a groan.

"That hotel, I won't ever go back there."

Nagcocomplain padin ako sa telepono nang may biglang bumukas ng pinto. Naka roba lang si Alexis at kitang kitang wala itong pantaas.

Eh pambaba kaya?

Hala, ang bastos mo Kristine.

I shook away the thought of Alexis being naked under that robe. Accommodation ang punta ko dito.

"Are you done staring?" Tila mangha ito sa reaksyon ko. Napatayo agad ako ng tuwid at naging pormal sa harapan niya.

"Can I stay?" Napataas pa ito ng kilay at tila nag iisip kung patutuluyin niya ba ako o hindi.

"Be my guest." Mas lalo niyang binuksan ang pinto hudyat na pumasok ako dito.

Ang laki ng kwarto. May living room at separate bedroom. Kitang kita din ang malaking toilet and bath. Mas namangha ako na hindi ito makalat. Same old clean freak Alexis.

"I can sleep on the sofa." I tried starting a conversation dahil sobrang tahimik ng kwarto. Rinig na rinig ang bawat yapak na ginagawa ko at ang ingay na buga ng aircon.

"That's so rude on my part. You can sleep on the bed. I'm not here every day since I also have a place near the site."

I just nodded. Ang swerte ko naman pala, libreng accommodation. Pero I have to deal with this guy every other day but I think I can handle it.

"Malls are walking distance from here. 7/11 is also near. There's a milk tea shop in front of this hotel. You can tour the place if you want to."

"And you?"

"I'll go to the site tonight. I'll stay there for 2 days para mabantayan ang gawa. They are rushing this one." Napahilot ito sa kaniyang sentido. Kita ang stress sa kaniyang mukha at kagaya ko ay kulang din sa tulog.

"Okay. I guess you need to rest. And please put on some clothes."

He smirked at me. Bigla nalang itong lumapit sa akin hanggang sa na corner na niya ako sa sofa. Napaupo na lamang ako dito pero dumidikit padin si Alexis sa akin.

Sobrang lapit ng kaniyang mga labi sa akin pero ginilid ko ang aking ulo para hindi niya ako mahalikan.

Mahalikan.

Asa.

Dahil kinuha lang ni Alexis ang mga damit niyang isusuot na nasa tabi ko.

Hindi ata ako safe dito.

Baka matuloy ang gusto ng parents kong magkabalikan kami ulit.

Bawal.

Hindi dapat.

One Step AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon